Thursday, November 9, 2006

Moving On....


Sasagutin kona nga pala ung mga Kwischun at Tanong nyo sakin sa last entry ko...

tekla said...
"ANO ANG GINAGAWA MO SA IYONG BUHOK"
Tikey said: Sa umaga after ng aking pagligo, dalwang pahid ng Tricks hair polish ang nilalagay ko sa aking hair. Para hindi sya maging tigasin at bumuhaghag. Kung meron nman mga ispesyal na okasyon akong pupuntahan, kinakarir ko ang pagpaplantsa para mabanat ko ng todo at mag mukhang sosyalera...

ofelia joy said...
kunyari nakaharap ka sa salamin....sino ang gusto mong makita at bakit???

Tikey said: Pag nakaharap ako sa salamin, syempre mukha ko ang gusto kong makita, yoko ng ibang face baka multo pa ang makita ko. Pero syempre andun na ung isiping sana wala akong pimples sa pag tingin ko sa mirror at walang kung anong kulugo na tumubo. Sana rin humaba na ang aking hairdoo para feel ko ang ganda ko. at numipis ang taba taba ko sa pisngi.. wish kolang nman! heheh! And im working on it nman.

Billycoy said...
if there is one question you want to ask to yourself, what is it? what's your answer to this? and why do you answer it like that?

Tikey said: Pinaisip mo ako ng todo BillyCoy. Pero sasagutin koyan para sayo... Tatanungin ko ang self ko kung kontento nako sa buhay ko at sa kung anong meron ako ngayon. At ang nag babagang sagot.. Kuntento nman ako, dahil kung ano man ang meron ako ngayon ay pianghirapan ko ito. Dugo at pawis ang dumanak para makamit ko ito... I thank You!

Amakneeko said...
san n ang apo ko? papano ang gagawin nyong diskarte para makabuo? pede bang idemo?
Tikey said to Ama: Nakaplano na ang mga Apo mo wag kang mag-alala. Sinisigurado lang ni Lord na magiging healthy sila at binibigyan pa nya kami ng sapat na time na makapag ipon para sa kanilang future.

Anong gagawin kong diskarte para makabuo? Kakain kami ng maraming yogurt, mabisa daw un eh! at try naming gumawa sa hapon at tanghali, dati kc gabi at madaling araw pero walang bisa... nyahhah!!

Hindi pedeng idemo, dahil ala kaming videocam.. nyahahha!


Eden said...
Naka ilang boyfriend si tkey before si fafa piolo.at sino first kiss mo???
Tikey Said: Naka dalwang bf lang ang inyong lingkod bago si Piolo, pang 3rd place si Piolo sa life ko!.... heheh! Ung unang bf ko parang MU kami, pero sa cheek lang ang aming kiss kc shy type ako at sya.. hehe! ung second bf ko ang aking first kiss sa lips. Swerte ng unggoy na un ah! pero binawalan ko muna syang mag yosi bago nya ako ma kiss... at finally si papa ko naman, parang first kiss din un. kc wet and wild agad.. nyahahah!!!

Mmy-Lei said...
di ka kumakain ng hotdog? y o y???
Tikey Said: Hindi po ako kumakain ng hotdog kc sabi nila gawa daw ito sa mga uod... diko alam kung totoo o hindi. Pero dahil cguro hindi nman ako nakakakain ng hotdog nung bata ako, nasanay narin akong hindi kumakain nito... heheh!

Wednesday, November 8, 2006

tagayan at tanungan

I was tag by Ate Faye, 72 thousand years ago at ngayon kolang masasagutan after the panibughong thing that happen to your munting lingkod but dont you worry my frens, im okey now. Anyways, sanay narin nman kayo sa mga kadramahan ko hindi ba?

Ang rules:
> List 5 weird things about yourself or your pets. (dahil wala nman akong pets, self nlang me choice ba ako? hehe)
> Tag 5 friends and list them. (wag na, sandamukal na mga tag hehe, baka kalbuhin nyo nako)
> Those people need to write on their blogs about 5 weird things, and state the rules, and tag 5 more people.(wag na nga eh ang kulet ah, baka bumalik sakin ulit hehe!)

1. Baket wala akong maisip na weird things about me? O wala lang ako sa katinuan ng isip ko ngayon? Ang weird, kc ala nman akong isip.
2. Hindi nman weird ung pagkain ko ng lots a lots of sea fuds kahit me allergy ako at next day maga at swolen ang pagmumukha ko dba? Baka pasaway lang tlga ako.
3. Isang daang beses ko narin isinumpang hindi ako iinom ng hot tea, dahil ineebak ako after. Pero paulit ulit ko paring ginagawa. Strategy to loose some fats, pero kaawa awang nilalang ako, pag nasa work at gusto kong mag..tooottttttttt...napapaaga tuloy ang uwi ko...
4. I dont eat hotdog. Alam ko hindi nman weird un, kaartehan lang.. nyahhaha... sabi kc nila gawa daw un sa ano.... ung.. ano..
5. Ang pinaka weird eh, hindi ko sinagutan ng tama ang tag nato.. nyahahha...

Parang napakawalang kwenta ko namang nilalang, 5 weird things lang e diko pa nagawan ng tama... babawi nalang ako mga frenship.

I'll give u all the rights to ask me anything, and i'll give my heart to reply everyone. NAKS! Pakapalan nato... kahit Personal question pwede, pang general patronage man, rated PG o triple X, nyahahah as in extra extra extra tanong...

Common guys, its your only chance to know more about me... After this ayoko na! nyahahaha.... So now, next question please...

Monday, November 6, 2006

Bukas... oo bukas

Oh binago konga pala template ko, para refreshing sa mata. hiniram ko muna ung takip ng lamesita namin sa bahay. Gusto ko muna kasing maging happy, chaka tapos na ung halloween, sabi ni Mmy Ann pang halloween ung huling template ko kaya tinanggal kona muna...

Nubang nangyayari sa blogger, kung kelan kating-kati ung kamay kong mag cocomment nung isang araw, nirereject naman lahat. Signus naba ito? na kailangan na nating magsilikas ng bahay? parang ayaw ko nman... dapat nabang ituloy angsulong sa pag-lipat sa wordpress? Ano ng gagawin ko sa blogspot ko? hay kawawa nman ito. Bagong bihis pa nman ang bahay ko dba? kaya itutuloy ko paba angsulong? Ang gulo ata.

Binatukan ako ni Enteng Kabisote nung nagdaang araw. Nag email rin ung cousin ko, ano daw ang nangyari bakit ako nakagawa ng tulang ganun, parang puno ng bitterness.. Syempre ang sagot ko nman, kesa sa mag mumura ako edi idaan nalang sa tula ang frustration. Kung marunong lang sana akong mag paint at gumuhit gaya ni Kneeko at Nona, o di kaya e mag pose sa camera... tsk.tsk.tsk.

Okey na nman ako ngayon, hindi pa tapos ang problema pero nagagawan kona ng paraan... Salamat mga kaibigan.. Napanood ko kasi kagabi ung Mr. Deeds, oh-men... ang bait ng damuhong un no? sige na try kong maging mabait gaya nun,,,, pag meron nakong 40 million dollars... nyahahha!!

Friday, November 3, 2006

Anino

Dearest Tutubing-karayom,

Pers time kong sumulat ng ganito, sana e okey lang sayo. Kumusta ka na ngaba? Nung huling kita ko sayo, naka todo porma ka. Naka high-heals at skirt, feeling ko nga e isa kang juror sa Supreme Court. Narinig konga, sabi nung katabi mo kahit chubby ka ang galing mong pumorma at ang cute mo. Napangiti kapa, nag blush kapa ata nun. Totoo nman kasi.

Ala-singko palang gumising kana, para plantsahin ang... ang.. buhok mong kulot-kulot ng mapush-back mo ang buhok mo ng todo. Nagtagumpay ka sa mithiing mong maging kagalang-galang ang istura mo nung araw na un. Kahit sa screen molang makikita si President George Bush, binigay mo ng todo ang powers mo sabay kanta ng Godbless AMerica, our home Sweet home... maluha-luha kapa nga dba?

Nung matapos ang ceremony, nag congratulations kayong lahat, nakita ko niyakap mo ung isang katabi mong babae, pero ung nasa kabila nag alinlangan ka, dahil kaya sa amoy ng kanyang pamada sa buhok? Alam ko kasi hinahatsing ka pag naaamoy mo un, kaya lubos ang aking lungkot at alala ng dalawang oras mong tiniis ang amoy na un.

Sa huling entry mo ako nabahala, parang isang durugista ang sumulat nun, paano mo naipag tagni-tagni ang mga hindi magkakakilalang salita at naka buo ka ng isang masadistang tula? Para kang sinasiban ng masamang engkanto... sana isang araw maging okey ka narin, at isang masaya at mapayapang tula nman ang iyong magawa...

Nagmamahal,
Enteng Kabisote

Thursday, November 2, 2006

Tula, tula pano ka ginawa...



PAUNAWA: Kayo na ang bahalang umunawa sa TULAng aking itinipa, kung mali man ang paggamit ko ng mga salita. Gusto kolang nmang lapatan ng salita ang nararamdaman ng nagpupuyos kong damdamin, kaya yan ang kinalabasan.



Kinukuyog ng galit,
Ang sinumpang ngiting ubod pait
Umalpas ang katotohanan sa balintataw
Kasabayan ang hinagpis ng kaluluwang ligaw

Proteksyon ay luha
Nang salitang Walang nais umunawa
Tunghayan sa dulo ng paningin
Sa pag alpas ng dagundong ng hangin

Tanikalang bitak-bitak
Sa madilim na selda inilagak
Tiim bagang lulupilin
Kaparusahang nakakapit sa akin

Alingawngaw ng hinagpit
Dugong nagsi-tilamsik
Hugasan mo man ng pagsisisi
Udyok sa pataw ng mga api