Tuesday, October 31, 2006

Yuhuuuuuuuuu....

I miss my family back home, my 2 brothers and my one and only sister, isama mopa mga makukulit kong pamangkin. Hey you guys i got a good news, hindi na ako bunso. heheh! Me younger brother na ako, totoo promise. He will be one month old this Nov.4 Hindi nanganak ang Mommy ko, imposible naun, wala na syang matris. heheh!My Tita back home, decided to adopt a baby at nilagay ang name ng Dad ko as his Father, meaning kapatid ko sya dba? Another blessings in the family. Im so excited bout it.

Another gud news guys, ayaw ko na kay Piolo... lagi nalang nya akong pinapaiyak (huhu! as if!) Meron na pala syang Rica Peralejo, huhuhu! mapera kasi un! Kay Dennis Trillo nalang ako.. nyahahah!!! Napag alaman ko kasi namas kamukha sya ng jowa ko e! Ang cute nya no? keyalang medyo bata pa, pero okey narin pumapatol nman ako sa mga bata dba? hehe!!

Wag nyo nga palang kakalimutang pasyalan ung Wordpress account ko, pag nagkataon mag-ma migrate na ako dun! nyahah!! pero baka mangyari pa un, 20 thousand years after.. mahal ko ata ang tutubing karayom na ito. diko to iiwan plamis!!

Happy Haloween & Happy All Souls days! sana e wag tayong multuhin! hindi multo yang sa header ko... hehe! ako yan!

Friday, October 27, 2006

Lies Behind the Truth

U guys are all great Manghuhula! pwede na kayong gumawa ng Union at booth at karerin narin ng mawalan na ng karir si Madam Auring... Eto na ang kasagutan sa mga kasinungalingan na ginawa ko!

NO MORE LIES: This are the lies na super duper na pinag isipan kopa para ma trick kayo.

2. I Love my thick curly hair - Super i hate my curly hair kaya napansin nyo super iksi ng hairdoo ko kc super kapal na at curly pa.
6. I'm on the top ten way back in highschool - Never in my life akong nag top sa class, ang tatalino kasi ng mga mates ko e!
8. I am a drop dead gorgeous sexy lady... nyahahhahah (bonus #1) - Ipapaubaya kona ito e Madam Yorokobee... ang sexy mo Te.
10. I got my job nose done.. hehhehe (oh bonus # 2) - obvious naman na pango ilong ko! nyahahha
11. I drink 8 glasses of water a day - tinatamad akong uminom ng tubig pero soda hinde
15. I hate Piolo.. hihihi (bonus # 3) - Hindi obvious ito.
16. I'ved joined once in a singing contest - how i wish, pero over qualified daw ako nyahahha
17. I can't sleep without my 3 pillows - khit braso lang ni Piolo pwede ng Unan.. heheh
18. I can sleep for 2 days straight - tinry kong gawin ito pero nagutom ako Men.. hehhe
20. I got a tattoo - clean living daw ako sabi ni Ruthan


AND NOTHING BUT THE TRUTH: etong malupet akalain nyo bang totoo mga to? heheh!

1. I took a one year cooking class - I did during highskul, pero diko kinarir after kasi ala akong budget at kagamitan. hehhe
3. I Love ball games - I do love ballgames. kahit anong klaseng balls payan! nyahahah
4. I Love watching movie in theaters, coz it makes me fall asleep - totoo to promise, malamang dahil komportable ako sa MADILIM.. hehe
Unahin ko # 12 para may flow
12. I fall in love with my bestfriend - diko pa ata nakwento ko no? pero its true.. e ano nman ngayon?
5. I've proposed to someone and get dump after - e ano nman ulit ngayon? kakaibang experience to, try nyo!
7. I Love touching my new shaved legs - ay ang sarap, smooth ang feeling...
9. Got a terrible migraine way back - kaya diko mapahaba ang hair ko ngayon beause of this.
13. I have at least 10 pairs of shoes, flip flops not counted - waaaaa.. idol konga si Imelda
14. I got varicose veins - totoo yan. at diko na kailangan pang picturan para ipangalandakan... inamin ko na nga e! hahah!

At ang pang FINALE:

19. I cried and climb up on a guava tree on my first heart break

Umakyat tlga ako sa puno ng bayabas at doon nag iiyak sabay kanta ng "kaibigan lang pala...". Pero sinigurado kong me bunga ung puno ng bayabas bago ko inakyat! heheh!! dba bongga?

At ang Top 5 sa mga magigiting na manghuhula ay si TE Ghee (8 pts.), mstwntd05 (8 pts) , Billy Coy (7 pts), Mmy Ann (7 pts) at RUthing (7 pts). Congratulations, sa pasko na ang premyo nyo hahah.

So sino nman ngayon ang handang gumawa ng kanilang kasinungalingan ha? Alam nyo namang maramot ako at hate ko ang magpasa ng TAG pero ngayon mukhang exciting ito, pag bigyan nyo na ang mga varicose veins ko guys, lets spread the lies! hahah!!

Im tagging My very Own Teacher CLOWN, my Very good Friend Rho-Anne, My Sweet Ate NAO (request moto dba?), si ATe GHEE sana pero busy daw sya (reason accepted) , Im excited to know what lies behind ATE MeLai's life (so ur part of it), and one more... hmmmm.. dapat dun sa mga hindi busy na gaya ni MANG KD, baka umabot tayo ng million years old wala pa sya, and the last spot goes to.... Sasha... baket? kasi feel ko ang word na Sashing... heheh!

Its ur turn guys, let the fun begins...

Bago nga pala tayo magkalimutan, dont forget to drop by sa bago bago kong Personal BLOG totoong pangalan kona ang andun.... please.. punta kayo ha? promise? Muahhhh! antayin ko kayo dun!

Wednesday, October 25, 2006

Truth and Lies

O bago ako lumipad sa mga blog nyo, bigyan ko lang kayo ng assignment. Got this tag about ten thousand years ago sa friendster blog, ngayon kolang i post kasi feel ko na.

Instruction:
  • Make a list of 15 statements about yourself.
  • 5 of the 15 statements must be LIES.
  • Post your list and have people guess which five are lies!

Dahil matigas ang ulo ko at gusto ko kayong pahirapan, gagawin kong 10 lies out of 20 list. So sampu ang kelangan hulaan nyong lies. Nagkakaintindihan ba tayo? Kung tamad kayong magcomment ng mahaba, number nalang ilagay nyo, appreciate ko parin. Ayusin nyong manghula ha!Me premyo ang nakakuha ng pinaka maraming tamang lies. Hehehe!!
  1. I took a one year cooking class.
  2. I Love my thick curly hair.
  3. I Love ball games.
  4. I Love watching movie in theaters, coz it makes me fall asleep.
  5. I've proposed to someone and get dump after.
  6. I'm on the top ten way back in highschool.
  7. I Love touching my new shaved legs.
  8. I am a drop dead gorgeous sexy lady... nyahahhahah (bonus #1)
  9. Got a terrible migraine way back.
  10. I got my job nose done.. hehhehe (oh bonus # 2)
  11. I drink 8 glasses of water a day.
  12. I fall in love with my bestfriend.
  13. I have at least 10 pairs of shoes, flip flops not counted.
  14. I got varicose veins.
  15. I hate Piolo.. hihihi (bonus # 3)
  16. I'ved joined once in a singing contest.
  17. I can't sleep without my 3 pillows.
  18. I can sleep for 2 days straight.
  19. I cried and climb up on a guava tree on my first heart break.
  20. I got a tattoo.

All the answer will be on my next post and then, dun ako mamimili kung sinong pinaka maswerteng papasahan ko ng tag. so goodluck guys!!!

PS... Salamat sa lahat ng dumaan at di nakalimot... Muahh! babawi ako promise!!!

Monday, October 23, 2006

63 days to go before christmas

Naku parang nawala na nman ako ng kay tagal. Hay buhay. Pag dumating ang kamalasan bakit sunod sunod? hehe!!! Ano ba kasing meron sa oktober fest nayan? Ang daming nangyaring hindi maganda sakin ladies and gentlemen, gusto nyo bang ikwento ko para madamay kayo? nanaisin koba naman un? yaw ko nga love ko kayo eh! kaya mangungumusta lang muna ako... Sumilip lang ako ngayon dito, habang lunch break ko, baka hinahanap nyoko at wala akong maibigay na tamang eksplanasyon...

Friday midnight nawalan ng dial tone phone nmin, syempre dahil diap-up lang ang gamit ng lola nyo, damay pati un kaya di ako naka online during weekends, buti nlang at me napanood akong DVD kungdi zero ang life ko.. thanks Roan agen. Pagdating ko sa work, tinotopak ang wireless ko... waaaa,,, tapos merong kung anong virus na nalagay sa mga computer naming lahat. bwitet tlga.

Sa wednesday pa daw gagawin ung phone namin sa bahay.. hmmppp ang tagal pa kaya nun. waaaaaa.. lifeless ako... babawi ako sa susunod, pramis pupuntahan ko lahat ng blog nyo magpupuyat tlga ako para lang sa inyo. Wag nyong abandonahin ang blog ko habang wala ako ha? babatukan ko kayo! nyahah! joke!!

kaya BREAK TIME muna....

Thursday, October 19, 2006

Special Delivery Po...

Isang araw sa aking pag ba-blog, may natanggap akong isang selyadong sulat. Isang magandang regalong makakapag bigay ngiti sa aking mga labi. Makakapaningkit ng mata sa saya. At makakapag palimot ng problema. Hindi ito marijuana mga peepz. Kakaiba ito. Syempre galing kay Papa God...




O dba napaka espesyal nila? Mga bagong kaibigan ko sa panahon na akoy nag iisa. Ang dalwang taong naging espesyal sa puso ko. Ang mga espesyal na pinadala ni God para sakin upang ituring na nakababatang kapatid. Walang puwang sa mundo namin ang kalungkutan. Puro harutan at tawanan. Malungkot ang buhay pag wala ang isa....

Kaya hindi lang kaibigan ang naging turingan sa isa't-isa. Isa ng kapamilya, kapuso at kung ano-ano pa. Sinadya ng Panginoon na tayo'y magkakilala. Upang sa panahon ng kalungkutan at kahinaan, kayo ang laging lalapitan. Masaya ang Ate Tikey na dumating kayo sa buhay ko. Hindi man tayo masyadong nakakapg bonding ngayon, pero nakatatak na sa puso ko ang mga panahong naging napakasaya ng ating pag sasama...


Friends Forever Never too Part
maybe in Distance but never by heart....
"People may not always remember exactly what you said or what you did, but they will always remember how you made them feel."

P.S. Marami pang sumunod na binigay na regalo sakin si Lord, me naka DHL, merong Fedex, merong Priority Mail, at merong Door to Door Delivery... wait nyo lang baka isang araw kayo napala ang regalong binubuksan ko...

Wednesday, October 18, 2006

Whaaa Happen?

Yuhuuu... Im back...

Una sa lahat, salamat sa mga nagtyaga na nakisilip sa aking bagong bihis na bahay. Wala ng green, subok lang. Medyo mag-ingat lang kayo sa mga staplers ha, baka masugat kayo, alang insurance ang bahay ko. Medyo paseksi nga ung model eh, gusto nyo ba? astig daw sabi ni Ruthing... hehhe! medyo astig-atigan kase ako ngayon.

Oh, ano ng nangyare? me gudnews ba ako? Of cors nman, papayag ba nman ako kung wala. After all those sleepless night, todong kaba sa dibdib, hindi mapakali na parang me lbm, papansin na mga pimples pagkatapos magpuyat.... successful ang tutubi. Pasado po ako at perfect score.. yahoo.. ang yabang no... mantakin mo ba nmang sa isang daang questionaire na binigay sasampu lang ang itatanong?

Muntikan pa akong bumagsak, nung itanong ni Officer kung ano pangalan ng jowa ko, konting konti nlang PIOLO na ang mababanggit ko... nyahhaha.... hayun andito sa Photoblog ko, ung porma ko kaninang nagpa interview ako... check nyo lang --- >> dito. sa November second pa ung swearing ko, at pag hahandaan ko un, imememorized ko ung bayang magiliw ng Tate.

After ng interview straight nako sa work, pag dating ko dun me surprise na naghihintay. Hay anong saya ng puso ko, jackpot na ito. Patuloy na nmang mamumutakti ang mga pimples ko neto. Dahil pag ito na ang isinalang ko sa DVD, sabi nga ni kuya germs e ala ng tulugan. Salamat Kaibigang Rhoanne. Hulog ka ng langit kapatid.

Oh diba? ang sosyal. Salamat tlga. Ang galing. Ang saya saya. Ganda nung card, ganda ng penmanship mo, me naalala akong bigla. nyahahha. Sa susunod ako nman ang mag bibigay ng gift sayo, kita moba ung naka picture dun sa card na binigay mo? Merong Laptop, merong cellphone, at Mug na may hot coffee. Yun ang ireregalo ko sayo... Ung mainit na kape... nyahahah... ung palang ang afford ko eh! Pero bukas, papanoorin ko na ang DVD na bigay mo.

Oh nupang hinihintay nyo, makipag friends na kayo ke Rhoanne. nyahahah!! peace!!

Umabot hanggang langit ang saya ko ngayong araw na ito, khit sandamakmak na kamalasan ang nangyari ng mga nagdaang araw, next time ko ikukwento. Dapat masaya tayo ngayon... CHeers... magpalugaw naman kayo... nyahah! dapat ako pala... sige nood muna ako... muahhhhh! Up..up.. and away..


Monday, October 16, 2006

2 days to go....


I know u miss me, but i miss you guys more... inaagiw na daw bahay ko, kaya nirenovate ko sa naka draft kong template. Muahhhhh.. till later gugzz...

Wednesday, October 11, 2006

One Week na Invisible


Look TiKey is making pacute in the picture...

I'll leave this picture to watch over at you guys. I'll for sure miss everybody. Hindi ako mag hihiatus kc hindi ata uso sakin un. Concentrate lang ako sandali dito sa work at pag rereview ko. So wag mag tampo kung diko mapuntahan mga blogs nyo.

Of cors i'll peek once in a while para malaman ang latest, pero no comments and tags muna, nakakatukso kasi. But i'll update you, thats a promise. Lets all join forces and pray for me this coming Oct.18.

PS. Mmy Lei, ginaya kita me digiscrap na ako -->> dito... check it out guys...

Monday, October 9, 2006

Kulas Instant Ulam Request

Akalain nyo pagkatapos kong ihain ung aking crema de fruta, nag rerequest nman ng recipe si Mang Kulas nung kare-kare at tinatanong nya sakin kung pano lutuin ung special gisadong bagoong na naipost kona ata noong lumang panahon.

Mukha ngang magiging dabyana ako nito, kung puro pagkain ang aking ihahain dito sa blog ko, paiba-iba tlga ng style, para daw wag magsawa. Kung ako si Balagtas nung nakaraan, chef muna ako ngayon ulit ha. Paminsan-minsan lang nman mag request ang ating Mang kulas na yumaman sa pag benta ng tsinelas.

Kelangang ipagmalaki ko ang lupang sinilangan ko, kilala ang mga kapampangan sa galing ng pagluluto. Kaya uumpisahan ko na ang pagbabahagi ko sa inyo ng aking mga espesyal na recipe. Unahin muna natin ang mga simple. Hindi mawawala ang bagoong kapag me hapag na kare-kare kaya un na muna, tutal yun nman tlga request ni Kulas.

List of ingridients:
Bagoong ( mas special kung galing ng batangas), Reno (liver spread)
Ketchup & sugar (to taste ) Siling labuyo or tobascco
White/red wine, 1 whole head of garlic (minced), Oil

Igisa ang minced garlic sa konting oil (olive oil kung meron ka Mang Kulas), wag mo ng lagyan ng sibuyas pero nasasainyo kung mamamatay kayo ng walang sibuyas ang kinakain ninyo. wag nyong hayaang masunog kelangan e ung swabe lang, hinaan ang kalan hayaan nyong namnamin ng oil ang aroma ng inyong super minced na bawang. Uy ang bango, for sure maeexcite kayo. pag medyo brown na ung bawang ilagay nyo na ung bagoong, medyo lumayo kayo ng konti kc for sure may tatalamsik, sayang ang kutis nyo. (In case matalamsikan kayo, lagyan nyo agad ng toothpaste dali)

Tapos ilagay nyo narin ung Reno liver spread (tanggalin nyo sa can, baka pati lata e iluto nyo), onga pala mas advisable ang RENO kasi nga sariling atin at kakaiba ang ingridients na ginamit (chicken and pig liver: take note PIG tlga ang ginamit na word at hindi pork.. hehe! pinoy tlga) tapos ilagay narin ung ketchup, 1 teaspoon sugar at siling anghang mas okey ung color green na sili di masyadong maanghang, i chop nyo ha, baha ihulog nyo ng buo edi balewala. Kung wala kayo nun tobascco pwede rin, basta kahit anong pampa-anghang.

Hayun habang kumukulo-kulo pagmasdan nyo. Isipin nyo kung ano pang kulang. Hmmmm... payo kolang wag nyong lagyan ng asin o vetsin, maalat nanga ang bagoong, pwera nlang kung gusto nyo tlgang magkasakit sa bato. Hayun dapat pala tikman nyo, check kung tama na ung sweetness nito. Aybolin nyo nlang ang mga ingridients ako rin hindi ko alam ang mga sukat sukat tlga.

At syempre bakit pa natin tatawaging espesyal kung walang espesyal sa mga ingridients hindi ba? Alam nyo nman cguro pag malapit na itong maluto dba? kapag nag eevaporate na ung mga liquid substances ibuhos na ang ating special wine. White wine o red wine, oh dba ang sosyal? Baka pwede rin ung ginebra san miguel, pero diko pa na try. Buhusan ng wine at the very last minute, konti lang nman. Hindi rin naman kelangang umapoy ang niluluto ninyo gaya ng napapanood natin pag nilalagyan ng wine.

Hayaan nating malunod sa wine ang mga pre-mature at kaawa-awang mga bagoong na agad pinatay, hindi man lang hinayaang mag dalaga at mag binata para maging shrimp at jumbo sugpo, mas masarap sana sila dba? Hayaan nyong namnamin ng mga bagoong ang tamis at ang aroma ng wine. Kaya wag magtaka kung after a while nag evaporate na ung wine. Hayun pag lasing na ung mga bagoong i-off nyo na ung kalan, patay na nga sila susunugin nyo pa...

Sa wakas luto narin ang ating bagoong, kung meron kang hilaw na mangga kahit mainit init payan, pwedeng pwede na. Pero para sa kare-kare yan kaya wag nyong ubusin. O ngayon lutuin nman natin ang kare-kare. hmmmm... nubang mga ingrients nun? Patawarin mo ako Mang Kulas, diko alam lutuin yan.. heheh! ang yabang ko sa pag luto ng bagoong eno? masisira nman pala ang beauty ko sa kare-Kare. Mommy Ann tulungan nyo po kami... sayang ung niluto kong espesyal na bagoong kung alang kare-kare.

Pwede nmang cgurong ulamin nlang muna natin ang bagoong nayan... sarap nman eh!


Friday, October 6, 2006

Tula, tula, tula ng makata....

Habang tuloy ang pag buhos ng malakas na ulan (me bagyo dito), kasama ang dagundong ng hangin, ako ay biglang napaluha. Sa aking muling pagtapak sa nakaraan, mga munting tula nyo ay muling sa puso ko ay nanariwa. Halika at ating muling balikan ang mga tulang handog nyo kahapon sa mailap na tutubi.





Sa iyo, tutubing karayom
Ang natunghayan ko, makabagong balagtasan
Tilamsik ng dila at diwa, kay-sarap pakinggan
Blogkada ay pinarangalan, sa tula idinaan
Makukulit na kaibigan, mainit na samahan

Lipad dito lipad doon, dapo rito dapo roon
Mumunting pakpak, sa kapitblog nakatuon
Dulot ay saya, bigay ay ligaya, anghel na miron
Kapag walang tk, malungkot ang maghapon

Ang magsulat ng patula, mahirap na gawain
Ito’y awit ng puso, panaghoy ng damdamin
Maraming salamat sa papuri, tutubi namin
Kay-ganda ng umaga ko, aking aaminin


by: ELLA

May isang binibini Kay hirap mahuli
Ang mga papuri tinutulak sa tabi

mga braso niya’y malapad likas sa paglipad
Balingkinitan ang pigi Mapupula ang pisngi

Puso niya’y malaki Ngunit di mapang-api
mga mata niya’y singlaki ng kuago sa gabi

Sa kanyang pag-usap Mga salitang maulap
Kanyang mga sulat umaawas ang kislap

tutubi, tutubi malulungkot kami
kung sakaling mawala ang blog mo binibini

by:KULAS

waaaaaa akoy di marunong gumawa ng tula,
kaya kayo na po ang bahalang umunawa.
ako po'y namangha sa inyong mga tula,
nakakataba ng puso ang inyong mga nilikha.

hehe salamat sa iyong pagpasyal sa aking bahay, sa iyong mga comment na tunay na tunay.
nakaka-aliw, nakakatuwa at galing sa yong pusong dalisay
nawa ya lagi kang pagkalooban ng diyos ng lahat ng biyaya
at patuloy na ngiti at tuwa sa iyong mukha.

by:MANG KADYO

etong si tutubi
may matang maririkit
kaya kaming mga tigasin
lagi kaming nagpapapansin

ikay magugulat bigla
sa kanyang mga balita
di mo akalaing alam nya
pati ang iyong kahapong ulam


by:PHOEBE

yan tuloi
ako'y nahahawa
sa iyung pagiging makata
at sa kakaisip ng kasunod
utak ko'y napipiga

tama ka
bahay ko nga ay paiba-iba
un naman ay dahil sa
mga personal niyang problema

by:RUTHING

.....salamat, salamat tutubing karayom
sa munting regalong sa ami'y inihandog
hindi mo lang alam ligaya nitong dulot
sa isang tulad kong tila nakakulong.

....bagamat sobrang ikli ng tula sa akin
di ito alintana at di ko rin pansin
ang importante'y iyong naalala
ang isang payasong mukhang naloloka.

....bago ako umalis, kasiyaha'y puntahan
nais kong iabot munting nakayanan
ang maikli kong tula ng pasasalamat
at ng kahit paano ngiti mo'y makamtan.


by:CLOWN

Tutubi, tutubi salamat sa parangal na
iyong isinulat isa ka ngang tunay na kaibigan

huli man lagi ako sa iyong pag-komento
inuna mo pa ako sa iyong kuwento
salamat uli sayo kaibigang tutubi

presensya mo sa blog ko siguradong mami-miss ko
kung ika'y magpasyang iwanan ang mundong atin
nang kinagiliwan ang mundo ng blog

Huwag mag-alala ako'y magbabalik
pag-alis sa mundo ng blog ay panandalian lamang
upang ang naudlot na pagsasama naming mag-iina
ay muli lamang naming madama

ako na lamang ay biglaang sisilip
sa mga bahay ninyo mga giliw kong kaibigan
upang ang kulitan ay muli nating dugtungan


by:JLOIS

oh tutubi oh tutubi
isa kang makata na di dapat ibalewala
ang buntot mo na kayhaba
mga pakpak mo na matitikas
parang kristal na nakakahalina.

pero ako lamang ay nagulat
sa paliwanag mo na pambihira
tutubi'y magpapatuli?
buong mundo'y tutungo sa ating bayan
upang tunghayan ang kababalaghan

ipagpatuloy mo ang yong nasimulan
tula ang gamitin sa blogkadahan
wag gamitin sa kasamaan sa kabutihan lamang
ang masasabi ko lamang
yuko ang ulo ko sa iyong kabaliwan..


by:KNEEKO

ang sarap naman magmahal ng tutubi
dito ako'y siguradong mawiwili

lahat kami ay napapangiti
sa galing mong mangiliti

mga bloggers na mahilig magmunimuni
sa mga tula mo muntik ng maihi!

by: NENENG




O Eto pang Finale ang tulang handog ni BigDhaddy...

tutubing karayom /petite libellule

Ceci est pour ma petit libelulle,
qui vol trés haut comme une bulle

Ito ay para sa aking bebe dragonfly,
Kung lumipad parang bula sobrang high

Je suis sur que TK n'arret pas de faire de tour
Elle viens chez moi presque tous les jours

Siguradong si Tk sa pamamasyal ay hindi umaayaw
Dumadaan sa Crib kahit araw-araw

Si tu l'a besoin d'elle, elle est tout de suite là
Elle apporte toujours des sourires et la joie

Pag siya'y kailangan nandyan kaagad palagi
Parating may dalang tuwa at ngiti

Meme si on ne connais vraiment pas,
Merci pour l'amitie, je suis fier de toi

Kahit hindi pa kami nagkita at nagkakilala
Salamat sa friendship at ako'y proud talaga

O Dba to the next level ang pagka makata ng mga blagista, miss ko narin tlga ang magpaka makata. Ako ata ang me pasimuno sa mga comments na patula.. mukhang hindi kona nahahasa ang aking pagkamakata. hehe! Isang araw ibabalik korin ang mga patulang mababaw na komento. o sige dito nlang muna. aylabyuol

Thursday, October 5, 2006

Instant Request Express

Introduction: The Very simple and short-cut version of making Crema De Fruta. Eto ung aking tamad version sa pag gawa ng isang madaliang dessert. Kaya okey lang nman kung okray-okrayin nyo sya! hehe! Te Faye at Rho, hayan eto na.

List of Ingridients:
1 can of fruit cocktail
1 small can of Condense Milk
1 small can of Nestle Cream
1 pack of graham crackers

Buksan at ihanda ang fruit cocktail, condense at nestle cream. Wag nyong ubusin sa kakatikim ung condense milk. Sasakit ang tyan nyo. Paghaluin ang condense at ung nestle cream. Kung medyo sensitive tyan nyo sa milk, pwedeng pakuluin muna ung condense at nestle cream tapos palamigin.

Buksan nyo narin ung fruit cocktail at tanggalin ung liquid o juice. Kung mas feel nyong dagdagan ng ibang fresh fruits okey lang din, at pwede rin of cors lagyan ng maliit na pira-pirasong cheese para medyo malinamnam. Tikman nyo muna kung marasap. Alam ko masarap yan, kaya wag nyong ubusin. Kung tinamad kanang ituloy pa, pwede narin papakin, kc fruit salad narin nman yan.

Kung sinisipag ka, e tuloy na natin ha.

Ihanda ang paglalagyan, mas advisable ang hindi bilog na pan, meaning pwedeng square o parihaba kasi mga squares lang ang sukat ng mga graham dba? ako nga lunch box lang ang ginamit ko eh! Idaan nlang natin sa presentation. So ayun, sa pinaka bottom maglagay ng graham crackers. tapos isunod ang paglagay nung konting cream at condense para maging patag. Ayun parang lasagna, after nyong mailagay ung pinaghalong condense at nestle, maglagay ulit ng graham tapos ung milk ulit hanggang tatlong patong lang actually ang advisable.

At sa pinaka toppings nyo na ilagagay ung ating mga fruits. Kung may sobra ka dun sa condense at nestle pwedeng ihalo dun sa fruit cocktail, pero wag nalang para di masyadong matamis.

Ayun na tapos na, ilagay nyo na sa ref para lumamig at namnamin nung crackers ung wet ingridients. Tapos mamyang konte e kainan na. O baka akalain nyo e ang panget nman ng pagka present ko, hoy basta malinis nman ang mga gamit nyo walang panget panget basta kainan. heheh!!!

P.S. Sige na nga bigay ko narin ang recipe ng Sosyalerang Crema De fruta. Dahil nga sosyalera ito, humanda ka dahil katutak ang mga ingridients nito at kelangan masipag ka dahil maraming pasikot sikot ang pag gawa nito.

Kung marunong kang mag bake ng pound cake, magpakabayani at mag bake kang mag isa mo (diko kc alam kung pano e). Kung tatamarin karin nman, bumili ka nalang din. Slice nyo into thin square at ilatag sa aquare pan gaya nung ginawa natin sa graham.

Dahil sosyal nga paghaluin ang konting rum (yung rum tlga na parang champagne), vanilla extract (o coffee extract para sa mga coffee addict) at Nestle cream (kung sosyal ka tlga, whip cream ang ilagay) at pahid-pahiran ang nilatag na cake (at kung sangkatutak ang pagka sosyal mo tlga, budburan ng cinamon powder o nutmeg).

Maglagay ulit ng isang patag ng cake, budburan ulit nung sosyalerang wet ingridients at ulit ulitin lang hanggang maubos ang powers mo, ung cake pala. At sa pag lagay ng toppings, itodo mo na ang natitirang powers mo. Iayos ang mga round slice pineapple, peaches at cherries para tlga mag mukhang sosyal at propesyonal ang gawa.

Ilagay sa ref upang lumalig. wag mo munang isara ang ref, magpalamig ka narin kakapagod ata ang ginawa mo. Wag titikman hanggang walang ibang taong nakakita. Kelangan ipagmalaki mo muna ito sa iba bago mo masira ang hitsura. Picturan o ivideo kung kinakailangan para nman me reward at remembrance ka sa pagod mo.

P.S.S. Marami pang paraan ng pag gawa ng Crema de Fruta, merong ibang gumagamit ng leche plan toppings, mas nakakapagod yon kaya diko nlang ituturo.


Wednesday, October 4, 2006

Stress Relievers ni tubee

Stress ako ngayon. Sa dami ng gawain dito sa trabaho istorbo sa blogging ko. Pero me munting solusyon nman ako pag under pressure ako sa trabaho eh! Kapag sandamakmak na ang mga papeles sa table ko, na tlgang sinadya kong pag patungpatungin para mag mukhang marami para dina dagdagan pa ng mga kasama ko, dba less stress na ung hindi na nila dadagdagan?

Tapos, kelangan gulu-guluhin ko mga folders para makita tlga nilang nagta-trabaho ako. Nilagay pa kuno ang bolpen sa me tenga para tlgang halatang busy. Guluguluhin ang buhok para kunwari ala na tlgang time mag ayos sa sobrang dami ng trabaho. Pag me paparating na mga boss, sabay kuha sa dalwang telepon at kausapin ang sarili sa isang telepono. Pag wala ng tao, tuloy na ang ulit ang pakikipag chat ke Rho-anne , Razzy, Kukote, Clown, Mmy Lei, Mmy Ann, Te Ghee, Mam Tekla, Te Joy, Te Carlotz at syempre iba pa ung ka chat ko pag dating ng gabi. Night shift nman si Ev at si Ruthing. Madalas din pala si Mang KD pala ang ka-chat ko, pag nagpupuyat sila ni Mmy Ann at pinapatulog pa mga kids.

Nag ta-trabaho nman tlga ako promise. At maaga kong sinisimulan ang trabaho ko pag tapos konang naikot lahat ng ka blogmates ko. Pag nakapag tag nako sa kanila ng gudmorning at pag nakapag comment nako sa bago nilang entry dun kona sinisimulan ang office work ko. Syempre kung ang iba emay smoke break, kelangan ako din non, ayaw ko atang paylugi sa kanila. Pag me nag tag sakin, kelangan i tag-back ko sila kahit sa oras pa mismo ng trabaho. nyahahha. E mabait ako e! kahit ma fired ako sa trabaho basta lang makapag blog ako.. kelangan maintindihan ng mga boss ko un dahil iba iba ang time nating mga blogmates diba? hehe! joke!

Putok ang bungo ko nito pag nahuli ako. Wag nyong tularan ang ginagawa ko ah. Alam nyo bang sa gitna ng pakikipag sapalaran ko sa payroll at pag pagod na mata ko sa mga numbers, e nag lalaro muna ako ng freecell sa computer para tumino at maging organized ang utak ko. Oo promise. Pero less than one or two minutes lang nman, kasi nagiging successful ung pag play ko ng free cell. After nun parang fresh ulit ang utak ko at back to work na. medyo nasisingit kopa ang friendster ng konte (kung san nag dadrama daw ako sabi ni Te Melai) heheh!

Pagdating sa bahay, syempre mayordoma ako. Kahapon, bumili ako nung pump na ginagamit sa me toilet bowl para gamitin dun sa kitchen sink namin na barado. Aba akalain mo pwede pala un. heheh! ang daming lumabas na kanin, kaya pala nagbara. hindi marunong ngumuya itong sink namin, hayan tuloy nabulunan sya. heheh! So problem solve. Tlgang kelangan kong i solve un, dahil ako ang me kasalanan dahil tinatanggal ko ung strainer. At ako lang nman ang mahihirapan pag dito inayos yon. Ibang career level na nman ito.


Tuesday, October 3, 2006

Exchange gifts

Nagrequest ako kay Ermat nung saturday na gusto kong kumain ng calderetang manok, kaya namalengke ako nung sunday para sa isasahog dun. Eh sa lupit ng Nanay ko, hindi nman un papayag na ganun-ganun nalang. Kelangan me kapalit, si Nanay tlga. Bertdey daw nung co-worker nya at me potluck sila today (tuesday). Dessert daw ung kelangan nyang dalhin. Eh mahina dun si Ina, at ako lang ang may powers sa mga ganyan. Kaya luto sya ng caldereta at ako ang maghahanda ng dessert nya. Lugi lang ako kc nasama sa food budget namin ung pa-potluck sa fren nya.

Leche plan daw ang iluto ko sabi ni Ina. Hello! ang mahal kaya nung ingridients nun, tapos lulutuin mopa, sayang ang gasul. hehe! ang reklamo ko tlga. Kakapagod gawin un oh, tapos matutukso pa akong damihan dahil peborits ko rin yun, kaya no way para lang sa caldereta gagawin ko un? nag dalwang isip pa tlga ako eno? heheh!

Anyways nung nasa payless supermarket nako, naisipan ko fruit salad nalang wala pang kapagod pagod dba brilliant idea yun? wow, guilty po ako na ang tamad ko tlga. Eh di nman kc para samin yun eh. Anyways, dahil medyo espesyal nman sa Nanay ko ang fren nya nayun, eh inespesyal ko narin ng konti. Konti lang nman. Bumili din ako ng Graham. O for sure lam nyo na ang gagawin ko. Bumili din ako ng maliit na honeydew para mahaluan ng fresh taste ang fruit cocktail.

So ayun na nga, nakagawa ako ng crema de fruta na minana kopa sa aking brother in law. Natuwa nman si Ina kaya hayun nagluto sya kagabi, nawindang lang ako kaninang umaga dahil ang gulo ng kusina nmin, habang nagluluto kasi yun, chumichika sa telepono. Barado nga ung kitchen sink namin. Diko alam ang gagawin ko. Buti pa sa pinas, daming pwedeng tawagang tubero na naka advertise sa mga poste. Mag tubero nalang kaya ako? hmmm....

So ulam ko mamya ung niluto ni Mama, good for 3 days un o basta hanggang kung san sya pwedeng umabot. Kasi ako lang ang kumakain ng ganun, di type ni Ermat at Erpat un. Gusto nyo?

PS. ang drama nung kanta nung header kono? hindi ako malungkot. pramis. nyahhah.. ikakain kolang to pede na.

Monday, October 2, 2006

I Can Love you Easy


"Ang bait mo nman sana kunin kana ni Lord", is this a compliment or insult?

I-inglesin ko sana, pero nahirapan ako. Nahihirapan din ang utak kong ispelengin ang deep meaning ng mga katagang yan. Para bang kinukulti ang utak ko. Pag sinabihan ka ng ganyan, ano ang mafi-feel mo? Hmmm... Ako kasi nauutot e, di nman ako kumain ng kamote... french fries lang, pareho lang ba un?

"Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo", una kong narinig ito sa kuya ko. Isa sa mga takdang aralin nila dati sa skul. Hindi kolang mawari bakit naisingit ko sya sa entry na ito dahil wala nman syang kinalaman sa nararamdaman ko ngayon. Marahil, namiss kolang ung kuya ko, miss kona sila men.

"Ang masamang damo ay mahirap o matagal kung mamatay", compliment din kaya ito o isang bulgarang insulto? Lagi at laging nababanggit ng aking Piolo ang katagang ito. Diko alam, pero lagi akong napipikon. Hindi ko narin naman kelangan pang i-explain kung bakit ganun ang nararamdaman ko, dahil ako mismo hindi ko alam ang reason kung bakit.

Minsan ayaw ko ng magpakabait, baka mawala ako agad sa mundo at hindi ko makilala mga apo ko sa tuhod at talampakan. Gusto kong makita at maipag-malaki ang lahi ko. nyahahha! Kung magpapakasama nman ako, baka mamatay din ako agad sa dami ng mag ha-hunting sakin dba?

Sige change topic nalang... Adik ako ngayon. Nag aadik-adikan sa mga fruit juices. Para akong isang batang paslit na bumili ng juice na iba-iba ang flavor. Heheh! okey pala un. Mabubusog ang tyan mo, at super bigat nito na parang lagi ka nalang natatae. Bwisit yang si Kris Aquino ang arte kung maglihi, pati tuloy ako napapagaya e di nman ako nag lilihi. Meaning bwisit din ako.

At sa lahat ng juice dalwa lang ang natipuhan ko. Guava at pineapple. Kaya ung apple at mango ido-donate kona sa parents ko. hehe! ang sama ko tlgang anak. ang swapang kopa kamo. Gusto ko din palang kumain ng lansones at singkamas, e ala pa dito. nung gagawin ko? edi mag tiis ako. Di nman ako mamamatay kung diko makakain mga un eh!

Pagpasensyahan nyo na nga pala kung hindi ako nakakakoment sa mga entry nyo blogmates, hirap po akong makapasok sa mga naka Beta. Hindi ko mawari ang dahilan. Dati nakaka-comment nman ako. Ngayon ayaw na. Baka nasa server korin. Pero dont worry lagi at lagi kong ita-try.

Onga pala, ung title ng entry ko kanta yan ni Christian Bautista, ang ganda parang ako.. ehheh!