Friday, September 29, 2006

Sulyap

10-17-97
Na miss kong bigla ang mga nakaw mong tingin
Ang iyong mga birong palipad hangin
Ang iyong mga pagpapahiwatig
Nang tunay mong pag-ibig

Naalala kopa ang iyong mga love letter
Every sulat e iba ang iyong handwritten
Nahiya kapa nga minsan
Kaya ito'y ginawa mong type written

Ako'y napabilib sayong mga hirit
At nabibighani sa iyong matang naniningkit
At sa iyong bawat ngiti at pagtawa
Ang puso koy lumulundag sa saya

At sa oras-oras ikaw na nga ang hanap
Kinikilig sayong mga bawat sulyap
Damdamin ko'y unti unti ng bumibigay
Sa iyong pag-ibig na alay


Reality check: 9-29-06

Waaaaa... nilamon na naman ako ng nakaraan. Isang pag- sulyap sa isang musmos na pag-ibig. In fairness okey nman ung tula kahit bagets pa ako nung panahon na ginawa koyan. Ngayon kolang naisip na parang bitin ung tula, kasi walang closure, di nyo alam kung what happen next diba? Gusto nyong malaman? Mukhang diko narin ata alam. Nyahahha...


Thursday, September 28, 2006

Kapraningan na ewan

Lagot ako neto, napapraning ako. Naloloka. Sa dami ng ginagawa ko eh naiinip pa ako. Sobrang multi tasking ang gusto kong gawin. Habang nanonood ako ng tv, nag rereview-reviewhan narin ako, pero bored parin kaya sinasabay kona ang paglamon. Nung wala ng matinong palabas, computer nman ang hinarap ko, blogging, friendstering, chatting, texting, free Celling, at nag sa-sounds trip narin. Bord parin ako.

Napatingin ako sa sabitan ng aking gitara. Wala na sya. Bigla akong nalungkot. Huhuhu. Nung anjan sya tamad ko syang gamitin, ngayong wala na sya, hinahanap hanap ko sya. Baket nman kc sa sobrang likot ng mga pamangkin ko at ang isa kong kayamanan ang napag tripan. Waaaaa... hayan kc Tikey, dimo binigyan ng enough attention nawala sya tuloy sayo.

4rth year hskul ako nung me maka-emyuhan (MU) akong nagturo sakin on how to play guitar. Simpleng C,G,E,F at mga minor at major lang ang naturo kc no enough time. Hirap na hirap ako nun sa F chord kc parang flat ung tono hehhe. Sumisikat narin kc mga banda-banda noon. Nung mag college nako, tumutugtog parin sa skul minus placking version, hindi ako natuto khit anong pilit na ituro sakin ang pag plack nung string (tama ba spelling ko ng placking??).

Mga simpleng kanta lang ang kaya kong tugtugin, pinaka simpleng pag praktisan ung mga E-heads song, pero gusto ko ung kantang Father and Son (its not time to make a change), chaka ung Bakit ba? (by Siakol) at ung leaving on a jetplane pero ang super major favorite ko ay ung 'I have to say i Love u In a Song". Yan ang mga kantang gusto kong tugtugin ng mga panahong un. Pag pinapakanta ako yan agad ang nasa list ko.

O ngayon pano pakong magpa-praktis? Binibigay kc ni Piolo ung gitara nya sakin nung umuwi ako sa cebu e nahiya pa ako kaya diko kinuha. Nag-iinarte pa ako. Pag nasa sistema mona pala ang isang bagay, hahanap-hanapin mo parin no? parang nangangati ang mga kamay ko. Dati nakaka compose pako ng kantang putol-putol ngayon wala na akong power. Pede ko muna kayang hiramin ung barbel ni Teng, para ako magka power? o kaya ung majika ni Sabina, tutal patapos narin ng palabas nya. hmm wag nalang, ke Super Inggo parin ako kc di daw nanonood ng kapuso si Mam Rems.

Onga pala, Happy Birthday kay Razzy at kay Sayote Queen. Tapos maagang congrats ke Rho-anne at ke Sayote ulit. Tapos Ke Lojik nman, gising kana, patapos na september. Kay Misty, advance welcome back, lam ko lapit na balik mo, sabay pa kayong nagbalik ni Kuya Penoi sa kanyang photo-blog. Congrats din pala ke Sasha kasi hindi na triple ex ang blog nya! hahah! Wini-welcome konga pala ang mga bago kong mga blogmates si Deedee at Nona na nagandahan daw sakin nyahahha aylabyu.

Wednesday, September 27, 2006

Pinakamamahal Kong Bayang Pilipinas

Oo sige na, aminin kona homesick ako kaya ganyan yan. Lahat ng mga officemate ko nag babakasyon sa pinas, pati mga locals namin sa pinas ang tungo. waaaa... how bout me? Kung 30 dollars lang sana pamasahe, kahit every week uuwi ako o kaya khit 5 hours driving lang sana pauwi sa pinas kahit everyday pa ako umuwi. hmmm.. once a week nalang din sayang ang gas, mahal pa nman.

E bakit ngaba nagtitiis ako samantalang anytime pwede nmana kong umuwi? Anong dinadakdak ko dito, e kung gugustuhin ko pwede nman talaga. Diba pwedeng pwede nman talaga? Pero bakit ko tinitiis? Hay, for my fellow peeps, para akong tanga no? E bakit ngaba tayo nag titiis mawalay sa pilipinas? Diba for a better and bright future. Nagtitiis para sa maganda at maliwanag ng kinabukasan. Naks lalim men.

Ang dami kong kakilala na nagsisisi ngayon kung bakit hindi nakatiis at umuwi sa pinas nung time na super homesick sila. Nawala na ung opportunity nila. At ngayon na gustong bumalik hindi na pwede. Huli na ang lahat. Hindi nila nabigyan ng importansya ung mga bagay na kung tutuusin e konting tiis lang nman ang kelangan. So ngayon, ung mga anak nila ang walang choice kundi tanggapin ung mga naging desisyon ng mga magulang nila.

Kaya ako kahit malungkot minsan, proud parin ako kasi nakakayanan kong magtiis. Hindi ko ipagkakait sa magiging mga anak ko ang opportunity for them to choose kung saan at anong klaseng buhay ang gustuhin nila. Kung lumaki na sila, kung gusto nila sa pinas okey lang, kung gusto nila sa US okey lang din.

At least i gave them the choice diba? Maraming taong gustong makapa ngibang bansa, pero hindi nabibigyan ng opportunity. Kaya i wont waste it, for the sake of homesickness at lungkot na nadarama ko every once in a while, pwede nmang ibsan ang lungkot diba? Mag blog hopping kalang para ka naring gumala sa molopeysya (mall of asia).

Te Melai, nasagot kona ung tagay mo, dito sa aking Kanta-tra-la-la blog. Pasyalan nyo ha! me live streaming dun! heheh!

Gusto nyo narin bang makita si Tutubi after a month or two na nag diet? check nyo dito sa Photo-blog ko. Pakapalan nato.


Tuesday, September 26, 2006

One Two Three

Hindi lang simpleng bilang yan na natutunan natin nung tayo e kinder, prep o grade one pa lamang. Hindi rin yan parang My toes, my knees, my shoulder, my head na tinuro satin ni teacher. At lalong hindi bahay kubo kahit munti. Tanong mo ke Mamang jeepney driver kung ano yan at siguradong sisimangutan kanya! heheh!

Naranasan nyo nabang mag one-two-three sa jeepney na sinadya o hindi sinasadya? Hay, malamang sating mga naging kapus palad e no choice tayo hindi ba? Pero nahingi na ako ng sorry ke Lord at ke Mamang jeepney driver nung nagawa ko yun na di sinasadya.

Pers year highskul palang ako nun, super malayo ang sakayan ng jeepney samin. Medyo malayo pa ang lalakarin bago makarating kaya pag sakay ko ng jeep e hihingal hingal pa ako. Marahil kaya lagi din akong late nun dahil pahirapan tlga sa pag sakay. At sa lahat ng taong pwedeng mag-inarte e ako puyon, namimili pa ako ng jeep na sinasakyan ko.

Alala ko e kinse pesos lang ang baon ko un. 1.50 ang pamasahe so 3 pesos ang balikan. Meron pa akong dose para sa lunch at merienda ko. Kasali pa dun sa baon na un kung may gamit akong gustong bilhin.

Tanda kopa, pasukan nun. Maraming requirements si Teacher na kelangan kopang bilhin. Bakit kc nauso pa ung iba iba ang kulay ng notebook na pambalot ang gusto ng mga teacher. Napapagastos tuloy ako e! Yun na nga, habang bumibili ako ng mga art paper sa isang tindahan, grabe sa dami ng bumibili unahan tlga, at ang gulo.

Kinuha ni Tindera ang sampung piso ko at sinabi ko sa kanya ang binibili ko, tapos may sinabay pa syang iba. Pagbalik nya sakin kinukuha ulit ang bayad ko, sabi ko binigay kona 10 pesos ko, wala daw akong binigay. kung di ka nga nman mamalasin, giniit tlga na wala akong binigay at pakelam nga ba ng ibang students kung me binigay ako o wala dba? hayun di ako pinag bilhan. Gusto kong maglupasay nun. Ala na akong pambili ng lunch, ala pa akong pamasahe.

Dun na nga sumiksik sa utak ko ang mag one-two-three. Pero kelangan siguruduhin kong puno ang jeep na sasakyan ko para di halata diba? kelangan may plano ako in case na mahuli ako ng driver. Kung baga e may palusot epek. So ganun na nga ang nangyari, successful nman ang plano ko. Pero tinandaan ko ang jeep na un at ang hitsura ng Mamang Driver, dahil kung pinlano kong mag one-two-three, pinlano korin nmang magbayad next time na me pambayad na ako.

Eleven years old lang nman ako nun, kaya malinis pa kunchencha ko at tlgang sinoli kosa jeep ung unang bayad ko. Medyo nagsinungaling lang nga ako kasi sabi ko e nakalimutan kong magbayad nung huling sakay ko. Pero at least diba nag bayad ako?

Niisip kolang pano kung nahuli ako at bigla akong singilin? hmmm... Sinumpa ko ang sales lady dun sa tindahan na un, pag sya ang nabenta hindi ako bumibili. Loku yan ah! sayang din ung sampong piso ko. Mahanap nga ang bruhang yun. nyahhaha!

Sunday, September 24, 2006

Quick Update

Hindi ko mawari ang ligayang inaasam-asam ng puso ko. Kinakabahan ng parang ewan. Naiinip na parang may entrance examination. Ganitong-ganito ang nadarama ko ngayon. Para akong isang basang sisiw na hindi mapakali. Papalit palit ng pwesto sa hingaan. Feeling masakit ang tyan pero hindi nman. Parang natatae na ewan. Hay buhay nga nman.

Ilang araw narin akong absent dito sa blog ko, hindi narin nakakapasyal sa mga blogs ninyo, hindi po ako hiatus at hindi din nman ramadan dito. Nagfofocus lang ako marahil sa kung ano mang magaganap sa susunod na buwan. Alam kong maraming nakiki celebrate sa akin. Masaya din ang pamilya ko at syempre alam ko kayo rin.

Nag sisimula nakong mag imagine ng kung ano-ano. Sa wakas me makakadate narin ako pag me occasion akong pinupuntahan. Me makakaholding hands nako sa sea shore (naks). Hindi nman ako nang-iingget pero kanya kanya nman ng time ng kabaduyan yan e! This is it!!

Naku wala ng mag sasabing tag-guyot ang buhay ko, at hindi rin nman magiging taglamig. hehe! Sa wakas e may mag babayad na ng mga utang ko! nyahaha! Very quick update lang ito. baka akala nyo e nawawala na nman si TiKey!!

Thursday, September 21, 2006

Special Gift Wrapped in White Enveloped

Agosto palang nag decide na ang kumpareng Piolo nyo na mag reresign na sya sa trabaho. Sabi nga nila e mahirap tlgang magtrabaho sa mga kamag anak mo. Kaya hayun nanga. Maagang pang bertdey nya sakin ang balitang yun. Super excited ang tutubi ninyo. Alam ko kasing napakahirap ng pinagdadaanan nya sa Cebu. Mas panatag ako kung sa pampanga nlang sya.

Pero dahil nga sa mga bagay na hindi inaasahan nung bertdey ko, biglang nagbago mga plans nya. Next year nalang daw. Nanlumo ang mga pakpak ng tutubi. Gusto kong magalit ng todo pero hindi ko magawa. Sa sobrang sama ng loob ko, nasabi ko sa kanya na nagtatampo ako kay Lord, kasi akala ko un na ang pabertdey nya sakin tapos ngayon babawiin nya.

Naiyak po ang aking munting Piolo. Wag daw akong magalit ke Lord. Sabi ko di nman ako galit, nag tatampo lang. Sa sobrang hirap ng nadarama ko, kinausap ko si Lord. Nailabas ko rin lahat ng sama ng loob ko at galit ko narin Piolo. Kaya after nun eh lumuwag na ang strap ng bra ko at nakahinga na ako ng maluwag.

Dahil sa kakapalan narin ng Mukha ko, tinanong ko si Lord kung ano ang bertdey gift nya sakin. Sabi ko panga dapat ung medyo espesyal kasi minsan lang ako mag twenty five years old. Hehe! ang kapal tlga eno? At parang me biglang nag-udyok sakin na check ko ang mailbox namin. Punta nman ako agad, baka sakaling me maligaw na mga bertdey card hindi ba? heheh!

Ayun na ung gift ni Lord nakita ko, kumikinang-kinang pa at sobrang na excite ang tutubi ninyo... Ang bait bait talaga ni Lord kahit na medyo madami akong dramang nagawa eh love na love parin nya ako. Lam nyo ba kung ano? Isang sulat galing sa Embajada ng Estados Unidos. Me interview at exam nadaw ako next month..

Wawwwww... isang napaka espesyal na regalo hindi ba? hay thank You Lord. Basta kung ano't ano man, she-share ko sa inyo ang kasiyahan ko. baka akala nyo e puro drama ang buhay ko. So goodluck sa akin at prey-over nyoko at isama nyoko sa mga prayer request nyo ke Lord, para agad ko narin makasama si piolo ko. At ng makapag blog narin sya! hehehe!

Salamat sa lahat ng suporta. Muwahhhhhhh!!! Te Melai, totoo tlga na parang isang pelikula sa sine ang buhay namin ni Piolo.. Paging-paging, ung gustong gawing true to life movie ang buhay namin ni Piolo, ayaw ko.... nyahahha...


Monday, September 18, 2006

Very pa-Importanteng Person

Binalikan ko ang masasayang araw at gabi namin ng aking Piolo nung nakaraang bakasyon ko. Kahit napakakonting oras lang ng aming pinagsamahan, napakasaya naman nito. Pinramis namin na alang iiyak. Dapat kasi puro happy memory lang. Nung huling araw bago ako umalis, nagpakapagod na kami... sa....sa.. pamamasyal at pagbili ng pasalubong kaya pag dating sa bahay e latang lata na kaming dalwa...

6:00am ang flight ko the next day, kaya sinet namin ung alarm ng 4:00am para medyo mahaba pa ung time. Hayun na nga ang nangyari dahil uber na uber sa pagod, walang nakarinig ng alarm, meaning hindi kami nagising on time. Hate na hate kopa naman ang ma-late kahit saang lakaran. Pano kung maiwan ako ng erplain dba? Hayun, nagising narin si Piolo sa wakas.

5:15am, ginising ako. Di daw nya narinig alarm. Sinabi nya sakin kung anong oras na. Nag panic ako. Maryosep. Khit ang lamig ng tubig, diko na napansin sa sobrang nerbyos ko. mabilis nman kaming nakapag ayos. 5:30 paalis na kami. ang hirap pa ng taxi. medyo kaka bad trip na. at last nakarating kami sa airport 10 minutes before the flight. Isang gudbye kiss nalang ang naibigay ko, wala ng chikahan dahil dama namin ang pintig ng puso ng bawat isa, ang nerbyos.

O pag dating sa loob, super mega dami ng tumulong sakin. Mega buhat sila ng mga dala-dalahin ko. Nag-iismayl-smile pa nman ako ng pakonti-konti pero malamang sa nerbyos ko, diko na alam kung anong itsura ko. Alam ko gusto nakong batukan ng mga taong ito, dahil mega super late ako. I did say sorry nman sa counter guy pero di na ako nag explain batet ako late.

Ewan koba kung napansin nyo rin, na kung kelan nag mamadali kayo, dun magbabagal bagalan ang mga tao. Okay alam ko fault ko pero wag naman akong parusahan ng ganito. Hayun na nga ang nangyari hanggang sa loob ng herplyen e may bodyguard akong taga buhat. Onga nman kung ako pa ang mag bubuhat nun, ke bagal bagal ko pa nman edi malamang madedelayed ang pag lipad ni darna.

Pag dating sa loob. Suot ko agad ang aking sunglasses. Dahil alam kong maraming matang mangkukutcha sa munting kagandahan ko. 5 minutes delayed palang nman at para akong lalamunin ng mga people of the world. O syempre, dedma mode ang beauty ko. Puyat ako. Wag nyokong galitin.. Alam ko fault ko. Pero diko kelangang mag sorry senyong lahat.

Baka niisip nila kung sino ang bachingching na ito, na nagpapaka-importante at dinileyd ang flight. Alam ko maling mali ang ginawa ko. Pero hindi ko naman sinasadya. Kung alam kolang di na sana kami natulog hindi ba? Wag nyong gagayahin yung ginawa ko ah. Sige next time, sasabihin ko ke Piolo, WALANG.... TULUGAN..


Friday, September 15, 2006

HOW TO STAY YOUNG

Got this Email from EV, thank u ha.. peram muna ako ne! syempre nilagyan ko ng additional chuvaness..

Title: HOW TO STAY YOUNG

1. Throw out nonessential numbers. This includes age, weight, and height. Let the doctors worry about them.. That is why you pay them.

Itapon daw lahat ng may numbers, kasama ang bilang ng edad, ang bilang ng timbang, at kung gaano ka katangkad.

Hayaan nyo daw na ang Doctor ang mamroblema dun ( bkit mathematician ba sila?) kaya nga binabayaran nyo sila.

Lugi nman ata tayo dun? Para mas feel nyo itapon narin ang mga pimples ko at ang patong-patong kong bilbil..


2.Keep only cheerful friends. The grouches pull you down. (Keep this in mind if you are one of those grouches!)


Itago nyo daw ung mga masayahin nyong kaibigan.. hmmmnn basta i keep nyo, lam nyo na un. Kasi para yang mga precious stone dba?

Tapos ung mga bad tempered person eh wag nyong pansinin. Kaya kung walang pumapansin sayo malamang isa ka sa mga grouches... nyahahh!


3. Keep learning: Learn more about the computer, crafts, gardening, whatever. Never let the brain get idle. "An idle mind is the devil's workshop." And the devil's name is Alzheimer's!

O kelangan daw patuloy tayong matuto. Mag-paka dalubhasa ka. Mag blog kayo ng mag blog para maexercise ang kamay nyo sa pag pindot ng mouse at bumilis bilis ang pag ta-type, syempre mas enjoy mag scrapping ng picture dba? gardening nman, malamang nabasa nyo na un sa blog ni Ka-Uro at ung wathever eh ung mga chuva-chus natin.

Wag nyo daw hayaang masayang ang oras sa mga alang kwentang bagay. Mag workshop kayo. wag maging satanas. Mag blog kalang pag walang boss sa likuran at hanggang may pagkakataon..

4. Enjoy the simple things

Sabi na nga, wag maghangad ng mga extravagant na mga bagay bagay. Kaya kung meron kang Diamond eh akin nalang, masaya na kasi ako at diko na kelangan ng simple things... Kung milyonaryo ka nman, hindi na kita uutakan libre mo nlang kaming mga bloggers ng libreng Domain...


5. Laugh often, long and loud. Laugh until you gasp for breath. And if you have a friend who makes you laugh, spend lots and lots of time with him or her!

Sabi nga ni KA Freddie, tawanan mo ang iyong problema, pero wag magtaka kung isang araw e nasa mental institution kana. Kaw ba nman ang tumawa hanggang sa kahuli hulihang hininga mo, malamang na mababaliw ka tlga.

Kung me kakilala karin daw na mahilig magtatawa e isama mo narin sya sa mental para me ka frenship ka dun at ayaw nyo nun, mag - EB na rin kayo sa wakas...

PS. mag tutbrush karin dapat para di bad breath pag ikaw e natawa.

6. The tears happen: Endure, grieve, and move on. The only person who is with us our entire life, is ourself. LIVE while you are alive.

Ang pag luha... baw. Umiyak ka hanggang gusto mo, alang mag babawal sayo. Kung ito ba ang makakapag paluwag ng dibdib mo edi iyak ng iyak. baka naman masikip lang strap ng bra mo kaya naninikip dibdib mo? double check mo muna. Hello Philippines Mabuhay... yan ang magandang dialogue ng mga taga herport...


7. Surround yourself with what you love:
Whether it's family, pets, keepsakes, music, plants, hobbies, whatever. Your home is your refuge.

Oh Ayan ha, paikutan mo daw ang sarili ng pagmamahal.. Naks. Kung love mo mga dogs, magpaka aso ka muna. Kung feel mo nmang maging Madonna, go.go.go. basta wag mong kantahin Dont cry for Me Argentina.

Kung mahilig ka nman sa halaman, tumira ka sa gubat. Depende nga pala kung ano ang hobbies meron ka or kung ano lang ung available,, kung hobby mong manlalake medyo mahihirapan ka kasi mga voyz ngayon halos mga badingersi na sila... Kaya kung gusto mong maging safe lagi, manahimik ka nlang sa bahay nyo at mag blog of cors.

8. Cherish your health: If it is good, preserve it. If it is unstable, improve it. If it is beyond what you can improve, get help.

Treasurin daw ang inyong kalusugan. Mag drawing ka ng mapa, para incase di mahirapan ang mga treasure hunter. Kung maganda nman ang life at health style mo, edi ang swerte mo. Kung nalulusaw na nman ang baga mo, aba pare ko magpa ospital kana dali at wag ng mag yosi kadiri. at kung hindi na daw ma dig ng mga Doctor, humingi na ng tulong sa mga santo at santa.

9. Don't take guilt trips. Take a trip to the mall, even to a foreign country, but NOT to where the guilt is.

Oh wag daw tayong maguilty pag tayo e gumagala. Exercise din yun dba? hala sige, araw araw kang pumunta sa Mall of Asia. Kung mayaman ka nman makipag EB ka sa mga international blagista natin, pero dahil nga mayaman ka nman wag kalimutan ang pasalubong. Wag mo ng hanapin ang guilt, tinepok ko na un. hala sige hingi na ng allowance ke fafa.

Kaya pala sun ang naka picture jan, para araw ka gumala, wag gabi delikado.

10. Tell the people you love that you love them, at every opportunity.

Kakayanin kaya ng powers mo to? sabihan mo daw lahat ng mahal mo na mahal mo sila. kahit nasa trabaho ka, mag yahoo messenger ka at makipag aylabyuhan sa ka-chat mo (kung lab monga tlga).

Makipag telebabad ka at wala kang ibang sasabihin sa asawa mo kundi mahal na mahal mo sya, tingnan kolang kung dika bagsakan ng telepono nun.

Aylabyuhin mo narin ang boss mo para di sya magalit sayo sa kakaubos mo ng oras para mag aylabyu sa oras ng trabaho. Sabihan mo narin lahat ng ka blog mates at ka frenster mo na mahal mo silang lahat. ewan kolang kung may maniwala sayo...

Hindi ko lang mawari bakit aso ang naka picture jan...

11. And if you don't send this to at least four people - who cares? But do share this with someone.


Ayan ganyan dapat ang mga forwarded email, wag na kayong mag curse na pag dimo finorward to mamamatay ang pusa nyo. basta i-share nyo kung gusto mong i-share, kung maramot ka nman at ayaw mong i-share malamang e tamad kalang hindi ba?



Sa hinabahaba ng tinayp kong ito, sana nman e binasa ninyo...

At kung hindi pa kayo nag sawa... lipad na sa aking photo-blog --- pindutin lang ito.

Kinantahan ko narin kayong mga ka friendship ko --- pindot ulit dito

Wednesday, September 13, 2006

Question of the DAY

Question of the DAY: Okey na kaya si TK???

Dahil natapos ang bertdey ko sa isang churpresang diko lubos na inaasahan, tinapos ko nalang ito sa paghinga sa aking malambot na kama at full blast na ercon. pero letche di parin ako makatulog. After ng entry ko kahapon, napag isip isip ko, sisirain kona nman ba ang araw na ito dahil sa leche plan na un? NO WAY!!! tama ng nag daan ang september 11. Ibang araw na ngayon, kaya iibahin ko nman ang aura ko... ayaw ko ng mag ka eye bags bukas.

Ganun na nga ang nangyari, kaya hindi na ako nakapag blog after work kahapon dahil nagpakapagod at nagpakasaya ako. Hindi ako nanlalake ah! nyahah! loyal parin ako ke Piolo, kc nge love ko parin nman sya. Eh anong ginawa ko after work? Gumala ang lola nyo, ung itinabi kong allowance for one month na pambili ko sana ng phonecard para matawagan sana si Piolo eh ginamit ko...

Bumili ako ng shoes, ng sandals, ng blouse, ng wallet at bag... whew!!! manonood pa sana ako ng sine, na late lang ako,kaya mamya ko ipag papatuloy ang naudlot na pag de-date namin ni Sam Milby. Si Piolo nlang kc lagi ang nasa isip ko kaya ngayon ke Sam nalang muna ako ngayon.

Kaya ngayon, hanggang tenga na ang saya ko, kumikirot-kirot parin ang sugat sa puso, pero kaya ko nman ito.

So ang sagot sa question of the day??... Okey napo si TK! salamat sa lahat... paki batukan nlang si Piolo pag nakita nyo, wag ung original piolo ah! nyahah! muahhhh! i Love u all!


Tuesday, September 12, 2006

Saranghamidabu


Paunawa: Ang entry na inyong mababasa ay nilikha habang ang utak ko e gumagala sa kalawakan. Pilit paring hinahanap si Shaider upang pakiusapan na paheram muna nya sa aking ang kanyang Annie (honey)... wag nyo kong tanungin kung bakit, baka di tayo matapos dito!

Natapos narin ang bertdey ko. Alang selebrasyon na nangyari. Parang panata ko narin since 5 years ago. Nag-simba ako at nagpasalamat sa isang masayang taon na lumipas at nag wish narin of cors. sabi kona sa inyo Diet day ang Sept. 11.

Parang libo-libo ata ang greetings na natanggap ko dito sa blog at sa friendster. Ang saya tlga ng feeling. Nilagay pa ako sa entry ni Teacher Tekla, Mmy Lei, Te Carlotz, Te Ghee, Mang KD, Rho-anne, Ruthing at sa kaluskos mansion.. salamat... may nkalimutan paba ako? at salamat sa lahat ng bumati...

O syempre, di kumpleto ang pabertdey kung walang surpresa ne? gusto nyo ba malaman? o syempre dahil mahal ko kayo kahit ayaw nyong malaman at wala kayong keber e se-share ko parin. wait... naiiyak ako... sinipon tuloy ako...

Sino naman ang mag susurprise sa tutubi? syempre ang aking si Piolo.. Naks! excited naba kayo sa surprise nya? heheh! parang ayaw ko nalang i-share... hmmmnnn... alam nyo namang mahal na mahal ako ng ugok na yon, kaya malamang e gusto nyang maging memorable ang Unang bertdey ko as his Misis. Kundi kolang tlga din mahal ang letcheng yon. heheh!

Walang picture ang surprise nya sakin. kaya diko un pwedeng i share. Bat ang tagal.. share mona TK. kanina pa ako nag babasa e! mag hintay ka.. intro palang yan.. kung gusto nyo kong pag tawanan okay lang. pero naiiyak tlga ako habang tinatayp-tayp ko ang entry na ito...

So ano na? 11:00am When i receive his Message. happy bertdey daw at nag wisha-wish pa sya. Alang aylabyu o aymissyo. Isa lang ibig sabihin nun. Me topak ang unggoy. Reply naman ako ng makabag damdaming Salamat. 2:00pm text sya ulit. Parang bomba. terrorist attack. sapul. Naglaho ang saya ko. Inaway po nya ako.

Gabi nako nag reply. sabi kopa, sana bukas mo nalang tinext yun. Pinalampas mona sana ang araw na ito. Pero huli na. Hindi kona muling binasa pa mga text nya. ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nadarama ko. tinapos ko ang araw na un, na may luha saking mga mata.

Kanina kolang binasa mga messages nya. tama ako sa desisyon ko kagabi na wag itong basahin. Eto ako ngayon lumong-lumo. Walang bakas ng kasiyahan. So kumusta nman ang bertdey ko? Ewan ko.


Saturday, September 9, 2006

Who Is She? A 911 Story....

911 Story... naku, naku tuloy lang ang pag-basa, hindi ito about the world trade center bombing. Cgurado ako, all over the net na nman ang mga kwento about it. Kaya ibahin natin to ngayon. Akalain nyo, bertdey ko ang date nayan. Kaya alam kong sikat na sikat ang bertdey ko. Yay! Well, actually i never celebrate my birthday after that incident. Mahirap mag celebrate if almost everyone is in grief and melancholy (tama ba gamit ko ng word? hehe)..

Di ako makapaniwala na beinte-singko anyos nako... di kapani-paniwala no? bakit akala nyo kwarenta syete nako? ang oh-hey ah! mukha naba tlga akong matrona? huhuhu! O ung iba akala katorse lang ako? yay! ang saya! Masarap kayang maging isip bata paminsan-minsan.. okey fine.. madalas...

Nubang gagawin ko ngayon bertdey ko? dalwang tulog nalang kasi.. hmmm. bumili nako kanina ng blouse, dalwa... kasi alam ko type ni Mama, kaya binilhan ko narin sya.. dinako bumili ng pants, kc sayang lang.. dahil nagpapapayat nga ako at diko lang masusuot after sometime... di rin ako bumili ng shoes, kc puro high heels nakita ko knina, sinutsot na nman ni kunsensya na wag akong bumili dahil pag dumating na si Piolo diko na sya magagamit dahil nga magmumukha syang bansot...

Salamat nga pala kay Mam Teks, na touch ako sa banner na ginawa para sa akin, Macromediaflash pa ung ginamit.. special child tlga ako... feel na feel kong maging model... (check nyo banner nya ang ganda ko... bwhehhe) salamat Mam.. kaw ang una kong bibilhan ng regalo sa pasko.. kita tayo sa MoA.... hehe! Salamat din sa mga nakapag greet na, muahhh... wala muna tayong handa ngayon bertdey ko, remember nag da-diet ako, kaya samahan nyo akong mag diet muna ha?

Iba ang feeling ko ngayon bertdey ko nato.. malayo man ako sa hubby ko at ibang family ko, super saya ako.. kasi ang dami-dami kong bagong kaibigan na nakilala.. salamat sa inyo mga kablogkada.. Ibang level na ang friendship na ito, hindi nalang sya basta friendship from world wide web, its getting more deeper and deeper... and i really wanted to meet you guys in person... yun ang wish ko ke Santa... hindi man ngayon matupad, i know time will come...

So.... Who is She? ... ngalan kopo ay Analee... totoong tao... ipinanganak noong setyembre onse isang libo syam na raan at walompu''t isa... Ang inyong lingkod Tutubing-karayom... Cheers....


Wednesday, September 6, 2006

Uso Paba ang Harana?



Yan ang kantang pinasikat ng bandang Parokya ni Edgar at ni revive ni Regine Velasquez na walang balak irevive ng tutubi.. hehe! Sa mga nakaranas na haranahin, diba ang sarap ng feeling? kahit na medyo nag ba-blush tayo at nahihiya pero deep inside parang lumulutang ang feeling lalo na kung sing ganda ng boses ni Piolo.. hay.. heaven nato! oi pag-bigyan nyo nako kakatapos lang ng drama ei!

Medyo bumabalik narin sa uso ang pang-haharana ngayon, minsan ang dala e cd-player at kung me kakapalan nman ang mukha e videoke ang dala para me lyrics agad dba? hindi narin uso ang nanghaharana pag-gabi, ngayon kahit anong oras pwede na... usually sa school, office at mga party na nagaganap yan.. Marami ng talentadong mga bata ngayon.. ang gagaling mang guitara, drums at kung ano ano pa, dba kabilib?

Year 1996 nung mapasikat ni Alison Krauss ung kantang "When You Say Nothing At all"... fourth year ako nun nung balakin kong mag-aral mag play ng guitar and its because of this song. Eto ung kantang nagbigay sakin ng inspirasyon...

Tanda kopa nun, may program kami inside our classroom parang christmas party ata yun... syempre merong dance party, merong kantahan at jamming session.. out of the blue... may kung sinong pumasok from other section na me dala-dalang guitara, may special participation daw sa program... keber ng lola nyo... kinuha niya ang microphone at nag strum-strum ng gitara... huminto... ninerbyos ata... dedma lang ako kasi kilala ko nman siya, klasmate ko sya nung pers year ako...

Ayun nman pala nag pakilala muna sa teacher at klasmate kung anong motibo nya... me haharanahin lang daw sya... ngek! uso pa pala yun? feeling ko nman ang baduy hindi ba? Unti-unti nalang akong nauupos na parang kandila ng tumitig sya sakin at banggitin ang aking cute na pangalan.... waaaaaaa... syempre nman pasimple lang ako, nakinig lang at nagpasalamat after... alala nyo paba nung naposas ako nung pers year?? ung nakwento ko dito -- >> (click) its the same guy...

Kaya hindi ko malilimutan ang kanta na yan... kaya ni revive ko sya... hehe! u wanna listen? punta lang kayo dito sa aking kanta-kanta-tra-la-la.. tara ng magkantahan at mag jamming...

Bago mawala sa history ang Photo-blog-ko, nag post ako ng picture nung college ako.. medyo seksi pako jan! heheh! pasyalan nyo ne!


Sunday, September 3, 2006

Pwede ba akong mag selos sa Kanya???

Serious mode muna ang tutubi ha!

When is Too Much can really be too much? Sabi nila pag sobra bawal na. Para yung kanta "too much love will kill you". So, pag sinabi kong i love you so much, mamamatay ka? Yeah right!!! Ang babaw no? Well, i don't wanna talk about love this time, marami na tayo nyan dba?

Gusto kolang talagang sumigaw na "tama nato, sobra na to... i give up na!!!" but i cant! You see, i both love my parents so much, sila lang ang kasama ko dito, and still i cant live without them... pero alam nyo ba ung sinasabi ng kanta ng "mahirap magpalaki ng magulang"... dati i hate that song so much, kasi parang walang modo.. pero lately parang i wanna sing it for them... ang bad koba?

They've been into a silent war lagi... lagi at lagi nalang... akala ko e sanay nako.. nakikita ko nman kasi na after they talk, okay na sila.. Pero isang araw anjan na nman ulit... and i really cant do nothing about it... sinong ku-questionin ko? sinong aawayin ko? SIYA?

My parents both work full time for the whole week... no day offs... so gabi nalang tlga kami nag kikita... pero madalas diko na nakikita Mama ko. She comes late everyday. Nung dati, okey pa. My dad is ok with it.. hanggang sa mag selos na sya... and i can't blame him... nag seselos narin nman ako... pero anong magagawa ko?

Active kasi sa church ang Mama ko... she sings in the church almost everyday. Mapa mass, wedding, funeral, baptism at kung ano-ano pa. Meeting dito, meeting doon... She barely cooks for us,. isang araw, magluluto yan ng pagkarami-rami, tapos malalaman mo nalang hindi pala para samin un.. may potluck daw sila sa choir... fine... She spend all her time with them, but not with us...

So tanong ko... pwede ba akong mag selos kay Lord ? pwede ba akong mag selos sa mga taong buhay man o patay na kinakantahan nya sa church? pwede ba akong mag selos sa mga co-choir nya na pinaghahanda at pinagluluto nya lagi? Pwede ba akong mag selos sa mga co-worker nya na, alam kong mas masaya sya dun pag sila ang kasama nya for lunch?

Pwede kobang sabihin kay Lord na, pahiram muna nya samin ang Mama ko? My dad needs her a lot... and i can feel na lagi lagi nalang syang naha-hurt when my Mom has no enough time with him... kakayanin kobang sabihin sa kanya to Stop Serving the church because we need her too? am i selfish or what? kantahan kona lang kaya sya ng "pahiram ng ilang sandali?"