Thursday, August 31, 2006

Tigyawatenis iN Mukhakonis

Parating na nman ang aking monthly flow kaya puno na nman ng tigidig ang aking pagmumukha, walang epekto ang gamot ko sa mukha pag ganitong panahon... Bakit nman kasi napa swerte ng inyong abang lingkod na magkaroon ng sing kapal ng pagmumukha ng kalabaw ngunit sing nipis ng skin ng isang bayabas...

Mula kasi ng mauso ang mga pimples nayan nung ako'y highskul palamang, isa ako sa pinagpalang mabudburan ng ganyang powers. Isang kagat ng lamok tigyawat ang dulot, at asahan na kapag langgam nman ang nantupok eh pigsa naman ang pumuputok... mukhang sinumpa ata ang aking kagandahan...

Kaya ngaba hindi ako makapag ala-model, dahil ang dami kong singko-singko sa aking legs... isama pa ang alaalang dulot ng bulutong... anak ka ng tokwa... buti nalang nauso yang coconut lotion nayan, unti unti nyang tinatanggal ang ala-alang dulot ng nakaraan.. heheh!!

So ganito ngayan, hindi lang mga simpleng pimples ang umeeksena sa mukha ko. Lagi at lagi nalang sa loob ng ilong ko ako tinitigyawat.. ang sakit kaya nun... nahihiya daw syang magpakita... Pero mahilig din nman umeksena ang mga pimples na ito... isang araw makikita moyan, super proud pa at pulang pula sa tuktok ng aking ilong... nag papapansin ang loko.. o minsan nman gumagaya ke PGMA at kay Nora Aunor, kung hindi sa kanan ng pisngi dun nman sa kaliwa... kelan kaya sila matatapos? malamang pag menopause na ako... hahah!

Sige na nga ang totoong scientific name ng Pimples or Acne is.......... Acne Vulgaris. parang mas feel ko ung title ng entry ko.. heheh! The scientific name for the condition is acne vulgaris because acne usually strikes in plainly visible locations such as the face, neck, chest and back. Most women will experience at least a few acne pimples over the course of their lives. Acne pimples form when oil glands make too much sebum, an oily substance. Sebum is made in much larger amounts during and right after puberty than at other times in a woman's life. Sebum then blocks pores to form whiteheads, which form under the skin, and blackheads, which are open to the air.

Tapusin na nga yang isyu ng pimples nayan... tara kantahan muna tayo...

Nag request si Mam Clown ng Paro-parong Bukid sa aking Kanta-kanta-tra-la-la Blog... Of cors pinag bigyan nman sya ng munting tutubi, kung yun ba ang ikaliligaya ng isang payaso... Si MMy Lei din ng request ng Karen Carpenters song... Check nyo dun sa kabilang blog ko ha! todo na tlga ito... On the process na ung song Ni Te Ghee, medyo hinahasa kopa ang husky voice ko para lang sa kanya.. hehe! sige Enjoy...



Tuesday, August 29, 2006

Career 101

Waaaaaaa... me bagong akong kinakarir .. tanong ni Te GHee, ano nman daw un? Pangarap kong magkaroon ng Magic Microphone para makapag sing-along ako kina MMy Lei at Mang KD, pero everytime i planned to buy one, hinihiram ni Erpat ang aking pambili.. o syempre Ama ko nman sya kaya wala ng balikan at wala ng bayaran ng utang...

Ang ginawa ni TK, e pinag tyagaan nya ang mga kakarampot na vcd videoke ni Inay, at buti nalang natanong ko si TE JOY kaya binigay nya ung site sakin na merong mga midi's at karaoke... ang galing... Sabay download ako ng Recorder.. kaya hayun nag feeling recording studio ang aking kwarto... So ang bago kong career? kinakarir kong mag paka singer... hahah!! at least me napag lilibangan hindi ba?

Me narecieve nga pala akong email from a friend kagabi, hindi raw healthy na lagi ko nalang pinaparinggan ang aking mahal na kaaway... tama nga nman.. let der be peace on earth and lets love one another.. pero love yourself muna ha... kaya i dedicate my songs for everyone.. NAKS! para akong engot nito... sige hindi ko lalagyan ng sitemeter ang kanta kanta blog ko, para makakanta ka narin...

Kaya kung balak nyong sumakit ang tenga nyo at kelangan nyo ng tulong upang lumabas ang inyong mga tutuli,, aba aba aba... ano pang hinihintay nyo mga prens... eto na ang aking Kanta-kanta Blog... ang mala ewan na boses ni Tutubi... ibang level na ito... wag nyo nga palang ipag sabi at ipag kalat sa mga recording company yan, baka isingil sakin ang mga royalty ng mga ginamit at sinira kong kanta...

Wag nyo din pong kakalimutan na i boto ang ating si Zephyrtouch sa Poll ni Talksmart... naghahati kc mga vote namin kaya nahuhuli kami sa laban...

Anyhows, dito na muna ito... sa susunod nalang... Pang 101 entry ko na nga pala ito... ibang level na ito... kung baga kung gagawing libro ang aking blog, nasa table of contents palang sila e nalito lito na sila.. pano naging parang commercial ang daming plugging plugging.. o sya balik work nako!! muahhhh!


Sunday, August 27, 2006

Life is like riding a bicycle

"Life is like riding a bicycle. You don't fall off unless you plan to stop peddling"

Sa madaling salita para din yang gulong ng tricycle, ng Lexus, ng nissan o kahit na bmw... pare-pareho lang yan... basta paikot... minsan sa taas, minsan nasa baba, minsan nman nasa gitna... hindi pwedeng nasa taas ka lagi... sabi nga parang Gulong ng Palad...

Ano ngaba ang importansya ng Buhay? Pag pina define ba ang buhay mo, may magandang ehemplo o meaning kang maibibigay? Ikaw lang ang makakapag bigay ng kahulugan ng buhay mo. Walang ibang taong pwedeng mag sabi na Zero ang lablife mo or wala kang life. Ano bang malay nila kung anong ang mas pinapahalagaan mo sa buhay mo hindi ba?

Hindi perpekto ang buhay ko.. pero masasabi ko ng taas noo na masaya ako kung ano man ang meron ako... Hindi ko nga itinago sa lahat na magkalayo kami ng kabiyak ko, pero dahil sa nararanasan naming pag kakalayo, lalong tumitibay ang pundasyon ng aming pag mamahalan, lalong lumalawak ang tiwala namin sa isat isa... hindi ba napaka sarap isipin na ang pag titiis namin ngayong panahon na ito ang magiging resulta ay magandang kinabukasan para sa aming pamilya? meaning hindi kami selfish... handa kaming mag tiis para mapuno namin ang kung ano mang pag kukulang sa buhay... hindi ba malaking achievement na yun kung tutuusin?

Andito ako ngayon sa bansang hindi ko nman na inaangkin na akin, at proud parin of cors na sariling dugo kopa nman ang nananalaytay sa akin, nag sisikap upang maabot ang mga pangarap, at patuloy na mag sisikap kung saan man ako dalhin ng panahon... Tahimik nman ang buhay ko, masaya nman ako, may mga tunay na kaibigan ako... malamang of cors may kaaway din ako... hindi nman tlga maaalis yun. kung baga yan ang spices ng buhay... parang sa sinigang yan ang mag sisilbing anghang ng aking ulam... nga pala hindi ako mahilig sa maanghang pero kung may toyo akong sawsawan dun ko ilalagay ang anghang ng aking siling labuyo at of cors kelangan ko ng isang Sprite na pag kalamig lamig pampatanggal anghang...

Hindi ako pumapatol sa kaaway, hindi rin ako mag sasalita ng laban sa kanila, at hinding hindi nyoko makikitang mag mumura o gumamit ng mga bagay na panget ang image. Lalaban ako ng patas. hindi ung tusukan sa mata para mabulag sila,, gagamit tayo ng isang scale, hindi patimbangan kung ilang regalo na sa iba ang napamudmod, hindi rin paramihan ng comments na magaganda at hindi paramihan ng kakampi... Timbangin natin kung sino ung mga taong kaya tayong ipag tanggol pag napakita na natin kung sino man yung totoong tayo... ung walang halong payabangan at walang pasiklaban at walang kaplastikan...

the end.....



Pahabol: Eto nga pala ung nakuha kong Award sa Poll ni Talksmart... 2nd placer parin ang lola nyo hehe! kulang ata sa kampanya... Anways nominated parin ako this week, but i better campagne for my AMA kneeko.. ang ating blogistang Pintorador.. Ayaw kong mag hati ang mga botante namin kaya yung mga balak mag support sakin, sya nalang po ating suportahan... mas mamahalin ko kayo lalo pag nanalo sya.... vote natin sya ok!!! Salamat sa lahat ng support nyo mga katoto... next time na ang libreng fishball...


Friday, August 25, 2006

Sa LUNES na....

Sa monday ibabalik ko na si Tinkerbell as my Template.... kaya namnamin nyo na ang bluer than blue na template ko ngayon dahil hanggang sunday nalang ito... Masyado daw kasing propesyonal ang dating.,, eh di nman ako Pro sa blogging.. adik-adik lang mga ining! balik green na nman ang dugo ng blog ko!!! mas feel kong mag hasik ng lagim pag madilim ang bahay ko diba? hehe!!


Naku nangungulelat nako sa Poll ni Talksmart... Maawa na kayo mga katoto... vote nyo ulit ako.. once a day lang nman... hehe! abuso naba? Makuha ko man lang sana ang award na ito.. at pag katapos nun e kahit ibalik ako sa grade one payag ako... heheh! Pero kung ipagkait man ng pagkakataon, sports nman ako mga tsong at tsang.... keep blogging parin beauty ko...




Ayan sa wakas meron na ulit akong entry sa Photo-blog-ko... punta din kayo dun ah! promise maganda yun kc picture ko un eh! hahah!! Orig mga picture ko dun,, walang halong pirated at hindi kolang ninenok kung saan saang site...


Dun sa mga Pinramisan (pramis) kong mga bloggers na ililink ko bahay nila, pramis sa sunday a-add kona kayo,,, para isang bagsakan nalang ayaw kung mawala ulit ang template ko dahil sa kakakalikot dito at doon... Ipaalala nyo ulit sakin ang site nyo.. dito nyo nalang iwan sa comment ang site nyo, natatambakan kc ako sa taggy boardy...

Salamat.. salamat...


Thursday, August 24, 2006

The Art of Letting Go

NOTE: Medyo mahaba po itong entry kona ito kaya kung me mangagatngat kayo jan e ihanda nyo na.. samahan nyo narin ng panulak...

Anong gagawin mo kung isang araw pag gising mo...
  • wala ka ng pambili ng pangkain mo??
  • o nawawala ang cellphone mo?
  • o walang connection ang internet mo?
Papalitan ko ang tanong...
  • Anong gagawin mo kung isang araw e wala ng nag babasa ng blog mo? Wala ng nagtyatyagang sumilip man lang o mag iwan ng tag? hmmm..iisipin moba na malamang naubusan lang ng internet load ang mga readers at ka-bloggers ... isip kapa ng ibang reason dali... baka nman nasa hiatus silang lahat.... sige isip pa... baka nman akala nila e nag hiatus ako? ay di nman cguro... ano nalang... ahhh... busy sila... silang lahat? eh baka naka ban na sa mga office nila ang pag ba-blog? silang lahat? oh-ey nman un!!!
Sige wag kanalang munang mag isip ako nalang muna ang mag bibigay ng honest opinion... Ang blog ay parang isang Magazine.. pwedeng for general patronage ang target mo, pwedeng for adults only... halos mga blog natin e for general audience nman dba? Anyways,, palagay ko kung ang mga impormasyon na nai-post mo ay kinapupulutan ng aral, kinasasabikang basahin, kung may puso at kung hindi pirated, malamang mauubusan ka na ng numbers sa dami ng hits mo... at mawawalan ng silbi ang mga counters.

Pero umasa ka na isang araw mawawala ng lahat ng ito kung wala ng mabasang matino sa mga entry mo... at kung wala ng bahid na katotohanan ang lahat ng sinasabi mo.

Aminin na natin, kaya tayo nag ba-blog hopping kasi gusto natin na may mabasang magandang impormasyon, magandang kwento, ung medyo kakaiba, ung nakakarelate tayo, ung naiintindihan natin ang gusto nilang ipamulat sa atin, ung nakakaiyak, ung nakakatawa, ung nakakahaplos sating mga puso, ung nakakapagpabukas ng isip, nakakapag pamulat sa ating saradong imahinasyon, nakakapag bigay inspirasyon dba?

Pwede nmang makibasa kalang at wag mag iwan ng bakas... pero bakit marami parin tayong mga commenters? pers, kasi gusto nating ipaalam na na apreciate natin ang post nila, mapa kwento o picture. At syempre gusto nating ilabas ang ating opinyon at kuro-kuro regarding the matters sa entry nila...

Pano kaya kung wala ng nag aaksaya ng panahon sa mga sinusulat ko? aba mag iba kaya ako ng propesyon... pwede akong mag balat kayo at gumawa ulit ng panibagong blog dba?.. iibahin ko ang dating... pero hindi rin nman advisable yun kasi isa lang ang IP address ko at kung tlagang ayaw ng puntahan ang bahay ko hindi kona mapipilit pa un... pwera nalang kung lumipat ako ng place at mag palit tlga computer.. edi hindi pa mahuhuli...

Kahit na anong gawin mo, mababasa sa bawat entry ang laman ng puso't isip mo.. kung me dugong hitler na nananalaytay jan, isa lang magagawa mo, magpapalit ka ng dugo, maraming nabibili jan, sabihin mo may hepa ka... kung kinakailangang magpapalit ka ng dugo bwan bwan, advise ko seyo yan... para nman kahit konti e mahaluan ng malinis na dugo ang katawan mo...

Hindi mona kailangan pang ikutin lahat ng blogs at mang chismis ng kung ano ano para marami ang kumampi at pumunta sa blog mo... kung may magandang mababasa sa blog mo, khit matulog ka mag hapon maraming makikibasa at magpapabalik balik jan... Ano na lang.. medyo lagyan mo ng sense... dagdag flavor baga... wag ung pa innocent effect kasi hindi nman bagay...

P.S. naku dapat comedy ito ah! anung nangyari??

p.s. ulit... the art of letting go - maganda ang kantang ito...

Wednesday, August 23, 2006

AlmuChow

Naghahanap po si Mam Teks ng Almusal... mukhang nakalimutan nya na dyeta ako sa panahong ito... pero ayaw ko syang biguin... eto lang ang kaya kong iambag sa almusal natin sa ngayon....



Bertdey po kasi ng aking mahal kaya yan ang naisip kong ibigay na gift sa kanya,,, lalagay ko sa friendster testimonial... ayaw pa kasing gumana ng utak ko at meron pa akong nakabimbin na draft at diko matapos tapos... ito nlang muna ang pag tyagaan nyo ha.... Me nag request kasi dati na video nman daw at nagsawa na sila sa picture... hayan na po...

Konting clip lang yan kasi tamad akong mag hintay sa pag download...nga pala.. wala po tlgang sounds yan.. Enjoy!

Monday, August 21, 2006

Pinoy Ako

Ang Agosto pala ay Buwan ng Wika, bakit kaya agosto at di ginawang setyembre? eh wag nyo ng sagutin... So kelangan sa post kong ito eh hindi pwedeng haluan ng Ingles... kelangan puro tagalog... mahalin ang sariling wika, ika nga nila...

Saan kaya ako mag sisimula? Ahhh... mariham nga muna ang kantang "Pinoy AKO"... proud ba tlga kayo pag nababanggit ang salitang yan?

Ako Oo, ipinagmamalaki ko ang mga pinoy... kasi nga pinoy ako... ayy.. ang hirap ng walang halong ingles.. baka di ako matapos eh! Maraming katangian tayong mga pinoy ang pwedeng ipagmalaki... Una nalang tayong mga Overseas Contract Workers, kahit san pa tayo bansa pumunta, we can always fit in... aba mantakin mong kahit iba ang kanilang language, pinipilit natin itong inaaral hindi ba? kahit bumaluktot na ang ating dila, go parin tayo...

Marami ang nanlalait satin na hindi raw tayo marunong mag ingles... well napag aaralan naman tlga yan.. at mabilis tayong matuto.. kahit ingles karabaw at least naiintindihan tayo ng mga kausap nating puti hindi ba? Minsan nga nakakapag taka, pag tayo pumunta sa bansa nila, nakikipag usap tayo sa wika nila, bakit pag sila na ang nasa bansa natin, tayo parin ang nag aadjust para tayo maintindihan nila?

Malamang kaya ginawang Call Center Base ang Pinas kasi madali tayong matuto sa ibang wika.... Kung ang mga dayuhan ang pumupunta sa bansang pilipinas, diba dapat sila ang managalog? masyado ata tayong hospitable.

Marami naring mga tourist spots ang ating bansa ngayon na dinudumog ng mga turista, at halos ngayon lang natin naaapreciate na mga pinoy un... kaya next EB ng mga blogista punta tayo sa Puerto Galera ha? hmmm... wag nalang.. magastos.. punta nalang tayo ng Batangas at tayo eh mag potluck at least me libreng tourist guide tayo at mga Teacher pa...

Sa Davao maganda din,, kc andun si EV...,, kung gusto nyo nmang pumunta ng Cebu antayin nyo muna bakasyon ko para kita kits tayo... Mag grand reunion din tayo sa Pampanga dun kina Mmy Ann or pwede rin nman samin... ganda dun.. kaya nga maganda kami ni Mmy eh! hahah! dba Mang KD?

Syempre kanya kanyang bwelo pag probinsya na natin ang usapan hindi ba? Sige nga, ishare nman ninyo ang mga magagandang probinsya ninyo para sa susunod na bakasyon e makadalaw naman kami senyo.... at napansin nyo ba lumayo ang entry ko sa mga pinag sasabi ko? eh! oks lang.. at least Pinas parin namn ang pinag uusapan dba?

Basta Lets Be Proud to be a Pinoy at ipagmalaki ang sariling atin...

Oh Sabi ni TalkSmart.. nominado daw ako para sa week 18 Filipino Blog of the Week... abay masaya naman ako kasi Nice daw ang blog ko at kelangan i promote... kaya kung gusto nyo akong i Vote e click lang dito --- > (click).. nasa sidebar ung poll... tutubing karayom po ang i check nyo ok... hahah! Actually hindi ko nman tlga gusto pang i promote ang blog ko eh gusto lang nya na ipromote ko ang blog nya hindi ba? oks lang nman yun... sabihin nyo lang sa akin kung gusto nyong ipromote ko blog nyo, aba e mahilig ako jan e! Pero sapat na sa akin ang mga blogistang nagbabasa at nakakasalamuha ko sa ngayon... Masaya nako Sa Piling Mo... sa piling nyo pala...

Pinoy lang ang target kong audience dito sa blog ko, obvious nman yan kc tagalog tlga ang mga entry ko... open din nman ako sa mga taga ibang planeta of cors, basta ba naiintindihan nila ang mga pinag sasabi ko at diko na kelangan pang i translate.. aba sa haba ng mga entry ko mauubusan ako ng hininga pag ginawa ko un...

Ay nga pala haberdey sa aking Piolo... 26 years old na sya today... miss kona sya... o sige mahaba na ito... nag post din pala ako ng picture ng pamangkin ko dito sa photo-blog-ko...

Thursday, August 17, 2006

Do First Impression Last?


Oh let me change the subject; Do you believe that - "first impression is the last impression"? hmmmm, parang mali rin nman ang tanong ko... basta gets nyo nman cguro no? hehehe!

First impressions are a big deal, of cors it does. Nung una nyo bang makita ang blog ko ano ang nagpa impress sa inyo at bakit binalikan nyo ulit ito? Hindi ba curious din nman kayo what do i feel or think about u, the first thing i've read ur blogs? or the first time i've open up a conversation to u?

First impressions have a great impact, pero sometimes we can be completely wrong diba? Pero kung bibigyan lang natin ng pagkakataon ang isang tao, he might proved you na ur first impression to him could be the other way around... So if u think u found ur worst enemy, think twice coz u never know he could be ur very best buddies... try nyo lang not to judge people on ur first impression, u will realized later na its good that u give it a try...

Bakit ngaba ako napunta sa ganitong topic? dahil yan sa Interactive meme ni Nao... You see... i like her guts. i like her being bitchy one time, then being charming later on... why? because when i look at her i can see my reflection. I love her. Sasabihin nya ang gusto nyang sabihin... diba ganun din nman ako?

Oh ang iba mag rereact nyan.. oh-come-on... let me finish muna kasi... hahah!!

First thing first, i admit i'am a hard headed lady... supladita ako at mataray... yan lang nmang ang mga first impression sakin ng mga tao when they look at me.. dahil ata sa manipis kong eyebrows.. hahah!! but eventually, when i started to smile and wink my eyes... u will realized na.... ang.. cute ko pala... hahahah!!!

So dito sa blog pano ang first impression eh hindi nman ninyo nakikita ang face value ng kilay ko? Kikay ba ako na medyo malandi? o seryosong tao na hindi marunong ngumiti? or isang tutubi na parang ibon na walang ginawa kundi mang ipot sa ulo ng iba? Come-one guys, tell me... walang halong biro ok?..

Note: Pag naipon kona mga responce nyo gagawa ako ng libro.. bwheheheh!!!


Wednesday, August 16, 2006

When Love & Hate Collide

Ang panget ba ng title ko? hehe! ganda kasi ung song nayan.. type ko parang medyo bagay sakin, medyo lang nman hehe!

Ayaw ko nga pala munang mag post about love kasi ayaw kolang.. heheh! Na inspired kasi ako sa patalastas ni Ate Melai, at napasayaw ako sa Aquiantance party ng mga teacher natin, at feel ko ang bagong project ni Mang Kd at nilalasap ko parin ang sarap ng cake ni Josh na handa sa bahay ni Mmy Ann, high na high parin ako sa Mountain Climbing ni Mmy Lei at groggy pa ako sa Pain reliever ni Rho-anne at meron din palang bagong photo-blog si kukote, check nyo ang ganda kasing ganda ng tutubi.. bwahahh!!

Tandang tanda kopa nung first year highschool ako, napaka saya ng Foundation day namin.. pers time kong maka attend nun kc wala namang ganun nung elementary kami e! Mga ilang araw pa bago dumating yun, nag hahanda na mga klasmate ko... mahiyain tlga ako nun, kaya deadma mode lang ako.. hindi ko alam e pinag titripan na pala nila ko! hmmmm... i dnt care sa inyo, bulong kopa sa sarili ko..

Heto na nga ang foundation day.. excited ako.. todo porma muna... kelangan mag kita kita muna sa klasroom para mag pictorial at makita ang kanya kanyang porma... sa tingin ko sa mga klasmate ko eh kinakabahan ako... ang mga ngiti nila sa labi eh kakaiba.. dahil eengot engot pa ako nung mga panahong yun, keber ko.. hehe! matapos ang kodakan, takbo kami sa mga booth... merong pang horror at maraming kung ano-anong kalokohan...

Libre ang first ride namin sa horror booth dahil kasama namin si Teacher, kakaliho dun kc parang nakaka suffocate tapos sigawan.., hindi pa ako nakakalabas ng booth, feeling ko naposasan ako.. Yun na nga ba! Nakaposas nga ako... waaa.. napag tripan ako ng mga klasmates... Aanga-anga kasi ako.. hayan.. klasmate ko nman pala ang pinartner sakin, harmless nman sya sa pagkakaalam ko kaya safe ako... At parang alam kona ang susunod na mangyayari, dinala kami sa wedding booth... anak ka ng tinapa.. sana man lang ung crush ko ang ipinartner sakin para mas feel ko hindi ba? pero huli na ang lahat at eto nga at ibang boylets ang kasama ko...

Matapos ang kasal... dont worry di ako pumirma sa marriage certificate kc nagbayad ng 20 pesos ung partner ko as bail. Pero hindi tinanggal ang posas hanggang matapos ang maghapon... kaya hayun maghapon kaming naglilibot na parang mga kriminal.. hahah! joke! Aking napag alaman e me crush pala ang unggoy na un sakin, at kinunchaba ang mga frens.. ang galing nya ha.. nasolo ako mag hapon.. heheh! ok lang me price nman ako.. nakalibre ako ng lunch at mirienda... ang takaw ko tlga...

Kaya pala me mga puso-pusong drawing sa notebook ko, eh ang checker ko pala e crush ang lola nyo! hahah!! Ang saya-saya ng highskul. Hanggang makagraduate pala kami ng highskul eh hindi na nakuhang mag tapat ni Boylets ke Tubee kasi,, kasi,, kasi nga torpe! hahah!

Question of the day: Panget ba ang new lay-out template ko? hmmm.... eto nalang... naposasan naba kayo? ... iba nalang... aanga-anga din ba kayo gaya ko nung freshmen kayo nung hskul?



Tuesday, August 15, 2006

Untitled...

Paumanhin po at ako ay ang aayos ng mwebles ng aking bahay.. ibabalik korin po ang mga links ng bahay ninyo.. pramis...

Note: mag pray nalang tayo na sumipag ako.. ang tamad ko kasi ngayong araw na ito... heheh!

OH ok na! ibabalik korin ung color green na bahay ko, next month promise! heheh! pansamantala ito muna para refreshing ang dating!

Sunday, August 13, 2006

Where are you from??


Nung friday, pinanood ko ung replay telecast ng Maalaala mo kaya... hay muntik ng bumaha ang aming sala.... waaaaaa buti nlang tulog na si Ama't ina, baka akalain e nasisiraan na ako at sino ang iniiyakan ko.. ang galing ni Piolo... grabe un... heavy drama tlga... ang galing nya heavy to the max... siguro dream role nya talaga yun... ang galing nya tlga.. ala akong ma say.. huh!!! napanood nyo ba?

Anyways, ang dami ng hiatus sa bloggers ngayon... bakit daw sabi ni Rho-anne... aba me kanya kanya reason ang mga yan...

Kagaya ni Mang Kulas. magla-lunch lang daw sya pero babalik din sya sa Sept.. cguro ang taba na nya pag balik nya... hehe! joke Mang Kulas... alam ko anjan kalang din always... tapos si Ate Melai, hmmm.. magpapahinga lang sya marahil, pero dahil alam kong mahal na mahal nya tayo, babalik din sya... sa tamang panahon...

Si Misty nga pala eh hiatus din muna, dahil naghahanap pa sya ng bagong trabaho... pero nag promise nman yan na babalik din sya...,, si Phoebi at Ruthing e kelangan munang mag concentrate sa kanilang skuling, e syempre dahil mahal na mahal natin sila, kelangan nila ang ating suporta... study hard mga kapatid...

Tapos nitong huli... si Ella... actually ung blog lang daw nya ang mawawala, kc balak naman nyang mag open ulit ng bago... nag bagong buhay na daw sya (meaning bagong work) kaya bagong experience at adbentures na nman ang ating aabangan... o sana wala na munang susunod sa listahan ha!

Basta sa mga nag hi-hiatus... pag balik nyo, asahan nyo na andito lang ako at ang ibang blogkada naghihintay... muahhh!... Naku ako kaya kelan mag hi-hiatus? hmmm.. tagal pa cguro.. kasi nasa dugo kona ang pag ba-blog...

Aking napag alaman na pang international tlga ang blog ko.. heheh! dati kc ala akong paki kung san man lupalop ng daigdig nanggagaling ang mga nagbabasa ng aking blog.. pero nitong huli masaya palang malaman kung san sila galing.... at ayon sa aking neoearth at active-meter eto ang listahan ng mga lugar ng aking mga kaibigan at mga ibang tagabasa...

Hanapin at i-check nyo ang lugar nyo kung nag eexist ba ang bansang pinagtataguan nyo ha! hahah!

  • Dubai UAE , Riyadh Saudi Arabia, Bahrain, Doha Qatar
  • Fujisawa & Tokyo Japan, Tirat Carmel Isarael
  • Seoul Korea, Taipei Taiwan, Hongkong, Thailand, Brunei, Singapore
  • Australia, Aukland & Paraparaumu New Zealand
  • Hvidovre Denmark, Weilburg Germany, Milton Keynes & Lincoln UK
  • Calgary, Oakville, Toronto & Winnipeg Canada
  • Astoria, Cary, Goldsboro, Newton, Dayton, Atlanta US
  • Plano, Dallas, San Antonio, Eugene, Mountain View, Rock Spring US
  • Mexico, New York US, Hongkong
  • Manila, Makati, Davao, Bacoor, Cebu,Quezon City, Zamboanga at marami pang iba sa pinas...
Halos ung ibang place kilala kona ung mga bloggers... especially ung mga nasa gitnang silangan, ung nasa pinas, ung nasa Japan at ibang part ng US. Ah si Ka uro syempre taga New Zealand.. Oh- eh ako nga pala e taga Guam... heheh! ang saya neto... Oh ano! wag tutulog tulog sabihin sakin ang sagot.. ba-be-bi-bo-bu...

Note: Oh dba tumpak na ngayon ang Title ng entry ko! hehehe!

Assignment: Dahil po binigyan ako ng assignment ng aking mga teacher Tekla at Clown at syempre ang place ni Te Joy ... nagawa kona po agad,, heto na sila at meron akong evidencya, mukhang natakot syang mawala sa mapa kaya nagpakitang bigla hahaha! :

Friday, August 11, 2006

Black and White


When i was in third grade, sinimulan na kaming turuan ni teacher na sumulat ng padugtong.. ung tuloy tuloy na pagsulat, ewan kung anong tawag dun basta holding hands na ung mga letters... tapos pwede narin kaming gumamit ng bolpen at de spring na ang mga notebook namin. Ninamnam ko na ang panahong yon upang maisakatuparan ang aking mga balak. heheh! gusto nyong malaman kong ano?

I was one of the poor students back in time, hindi nman ung super poorest kasi madalas nmang manalo si Inay nun sa jueteng pag meron syang pangtaya. Anyways, hindi pa nman tlga required na gumamit ng ballpen nun kaya lapis parin gamit ko dahil mas mura yun nung panahong yon. Isang araw tanong ni teacher bakit daw super dikit-dikit ang pag sulat ko, super payatot na matutulis, medyo nahihirapan daw kasi syang magbasa idagdag pa na lapis lang ang gamit ko... wala akong naisagot sa kanya... dahil nahihiya ako... bakit?

Sinadya kong pagdikit dikitin ang mga sulat ko upang makatipid ako ng kwaderno. Para at the end of the year, kapag marami pang sobrang dahon e pinag sasama-sama ko ito upang makabuo ng panibagong makapal ng notebook na pwedeng magamit next skul year.. at ang lapis kong monggol, hanggang sa maging singlaki nalang sya ng right thumb ko at hanggang pwede pa syang tasahin ay ginagamit ko parin...

Anong galit ko sa klasmate ko nun, nung matapunan nya ng kung anong softdrinks ang notebook ko, halos mabura lahat ng nakasulat dun, malapit na ang pasahan ng mga kwaderno, muntik pa akong di makahabol dahil inulit ko pa ang lahat ng lecture namin mula sa simula. Gunggong kasi un eh! maglaro ba nman ng sipa sa harapan ko? malamang nag papapansin tlga.. yan tuloy halos isang linggo kaming papalit palit ng araw para tapusin ang lecture kong mula first grading hanggang fourth grading... Buti nalang marunong manggaya ng sulat yun, kopyang kopya nya ang handwritten ko... at buti nalang e madali lang gayahin ang pirma ni Mam... heheh!!

Ang bilis na ng panahon..,, ngayon hindi na magkaholding hands ang hand-written ko..., back to basic na ulit.. kc feeling ko pang engineer ang sulat ...heheheh!! ang tanong ko nalang... maganda ba ang handwritten nyo? parang ang layo ata sa kwento ko ng tanong ah!

NOTE: Nag reminisce lang ang Tutubi kaya ganyan ang entry ko.., kung di nyo kasi natatanong... natabig kona nman ang kape sa harapan ko at saktong-saktong natapon sa aking yellow pad na gamit ko sa aking mga lectures at kung ano anong messages... hay... pangalawang tanong: Me gamot ba sa mga clumsy na gaya ko?


additional note: onga pala me bago ulit sa photo-blog ko..
promise.. bago tlga ito ---- >> click

Wednesday, August 9, 2006

For Better or for Worst

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig mo? Hanggang kelan mo hihintayin ang wakas ng kawalan ng pag-asa? Ang daling sabihin, malamang bukas okey kana, pero pano kung hindi pa? pano kung hindi pa pala ang bukas nayun ang hinihintay mo? Pano kung sa huli mopa nalaman na ang desisyon mong maghintay sa kawalan? Saan kaba nagkamali? Bakit pa? Kung sanay... ang daming kung sana... ang daming bakit pa....

Aaminin kong napakagulo dati ng buhay ko... ni hindi ko makuhang mailarawan sa isang upuan lang (dahil kelangan ko ng juice at pizza na panulak)... Ngunit nagbago na ang lahat mula ng nailagay na sa aking daliri ang simbolo ng isang matatag at walang hanggang pag-ibig ng isang taong nagpahalaga sa akin... Ang simbolo ng katapatan, ang simbolo ng isang pagsasamang magtatagal magpakailanman, simbolo ng walang katapusang pagsasama sa hirap o ginhawa..

Pero bakit merong mga taong ang hirap intindihin??..., napakahirap ipaintindi sa kanila na your already committed with someone. Hello! me wedding ring na nga eh! wag na mapilit pa... Pero Love daw tlga eh! nek-nek mo! lablabin mo ang mukha mo.... Uy... diko man talaga sinabi yun.. heheh! i respect what he feels about me.., and i cant do anything about his feelings for me,, ang magagawa kolang is to give him motive that i never wanted what he feels towards me... and i can never give anything back...

Mahirap pigilin ang bugso ng damdamin, para yang isang tren na isa lang ang bagsakan, isa lang ang daan... Nainlove narin nman ako sa isang taong committed, but i never did try to steal him, i just kept my feelings till i decided na wala nman patutunguhan ang paghihintay ko dba? I was hurt. pero ganun tlga dba? huli akong ipinanganak eh! at ipinanganak pa akong pango ang ilong so pano sya maiinlove sakin?? kaya tinanggap ko yun ng maluwag pa sa bilbil ko...

Araw-araw kung tumawag sya, araw-araw kong narereciv ang mga messages nya... hindi sya napapagod.. hindi sya nawawalan ng pag-asa... batid kong pursigido sya sa ginagawa nya... ganun naba tlga ako kaganda sa paningin nya? Naks! hehe! He is wasting his time nman tlga dba???... Kahit gaano na kasakit ang mga salitang nabibitawan ko, kahit na sinlaki na ng bapor ang mga paliwanag ko, ang kulet mo pare ko... hindi daw sya susuko...

Kaibigan ko sya... Masakit man mabawasan ng isa ang kaibigan ko, titiisin ko... at kakayanin ko... naubos na ang pasensya ko, naubos na ang lahat ng words of wisdom na alam ko ah! Magkasakitan na pero isa nalang ang alam kong paraan... Pasensya na kung hindi kana makatawag, naka blocked na kc ang number mo, pati narin ang email add mo...

NOTE: Alam kong mahirap paratangan ang puso kung nagkamali man ito ng pagpili ng taong mamahalin, pero anjan nman lagi ang utak mo upang diktahan ang mga actions mo hindi ba? Kung alam mong wala ng talagang pag-asa, wala ng rason para mag hintay pa...

Pahabol: Yung hindi pa nakakapasyal sa Photo-blog-ko, pasyalan nyo naha! maraming bagong -luma at lumang-bago... heheh!
dito lang sya ----- >>> Click



Monday, August 7, 2006

Abante Ako!!!


Ang galing ng concept nung game show na Game Knb ni Kris Aguino... me dalawang diskarte na pwede kang gawin.. Abante o Atras... Aabante kakung nakuha mo ang tamang sagot,, ngunit hindi ganun kadaling makarating sa finish line..,, maraming sagabal, maraming pagsubok..,, pwede kang paatrasin ng kalaban... hindi ka pwedeng magalit o mapikon dahil yun ang kanilang alituntunin at patakaran sa laro.

Napansin konga, kung sino ung mga pilit na pinapaatras, sila yung mga nananalo at nakakarating sa yellow line.. Parang ang buhay natin hindi ba? Walang nagsabing madaling maabot ang mga pangarap, kelangan paghirapan ito..,, kung kelangan magsimula ka sa pinaka una at pinaka mababa..,, yan ang patakaran sa buhay.. hindi mo alam kung sinong mga kakampi mo, hindi mo alam kung sino ang mga taong magpapaatras sayo para sila maka-abante ng pwesto...

Hindi ka pwedeng mag reklamo,, ang dapat gawin eh magsikap ka at wag mawalan ng pag-asa... Sa bawat hakbang na ating tatahakin, maaaring me nasaktan tayo ng hindi sinasadya, pero kasama yun sa pag ikot ng mundo.., kasama ito sa laro ng buhay... Pero kung kaya mo nman tlga nating maglaro ng patas, merong kang dalawang choice, sa pag diskarte mo ng abante, maaari mo nmang hindi nalang paatrasin ang mga kalaban mo hindi ba?

Sana sa araw-araw na pakikihalubilo ko sa mundo na ito, sa araw-araw na paglalahad ko ng aking damdamin at saloobin, maaaring me nasaktan ako sa aking mga salita, sa aking mga idea, at mga kuro-kuro.,, pero malinis ang konsensya ko na hindi ako kelanman mang-aapak ng ibang tao..,, walang personalan..,, respetuhan lang nman ang kelangan...

Hindi nyo pwedeng ipilit sa akin na baguhin ang mga paninindigan ko.. tama man o baluktot,,, dahil hindi ko pipiliting baguhin ang sa inyo...

Iba-iba kasi tayo... Me iba-ibang opinyon sa mga bagay bagay, dahil sa iba-iba ang mga kinalakihan nating lugar, o kanya-kanyang prinsipyo sa buhay... Personal choice ko na yun, kung gusto kong baguhin ang paniniwala ko hindi ba? Wala namang lamangan. Bad yun...


Friday, August 4, 2006

Syllabus

Game Show

Ang dami ng Game Show ngayon no? Well, kung bibigyan ako ng pagkakataon gusto koring sumali sa mga ganyan,,, syempre kc nakakasilaw ung price at magandang experience yan..,,yung nasa stage ka at kumakaba ang dibdib mo at nakikipag tagisan ka ng talino… at ng liksi ng pag-iisip.. dahil pabilisan ito cgurado.. kanina kolang nalaman na 20% pala ang wihiwithold na tax pag-nanalo ka sa Show.. So kung nanalo ka ng One Million Peso-seso-ses, eh 800,000.00 pesos nalang ang maiiuwi mo, less mo pa ung balato mo sa mga friendship at neighborhood… ganun pala yun…sa pinas yan syempre…

Erase… erase hindi pala yan ang topic ko…

Ang buhay ko….

Yan ah! Buhay kona ang pag uusapan… hindi buhay ng iba… at lalong hindi ni Piolo…

Ang napag-alaman ko, ang buhay ng tao e parang sine… ay mali sa Cinema One pala yun…Hindi pwedeng ibase ang pagkatao ko kung report card na galing lang sa mga guro ko ang titingnan ninyo. Hindi counted kung naging valedictorian or cumlaude man ako, o kung ako man ang pinaka kulelat sa class namin...

Pwede akong i-judge ng mga tao sa paligid ko.. kilala man o hindi.. o kayo,, yan ay base sa mga salitang gamit ko, base sa mga kilos ko at base narin sa mga spiels na gamit ko.. (nobato parang call center no? may spiels heheh)…syempre base yan sa mga pinag-sasabi ko sa blog ko at comments ko sa mga entry ninyo…

Pakelam nyoba kung naging Reyna Elena ako nung kinse anyos ako dba?? Oh keber nyoba kung gaano kaganda ang boses ko kaya hinahabol-habol ako ng Star Records? Ang importante ay ang ngayon… kung papano ko ipanapakilala ang sarili ko,, kung papano ko ilathala ang buhay ko sa mga taong alam kong naiintindihan ako..

Hindi nman kelangan lahat me kabuluhan ang mga pinagsasabi ko dba? Pwede rin nman akong pumasa… kahit mali mali ang mga sagot ko sa multiple choice ng buhay, o fill in the blanks ng mga problema, o kung hindi koman na enumerate lahat ng mga kelangan kong solusyonan… basta ang alam ko kung mali ang sagot kong true, edi tama ung sagot na false... at kung hindi man makaabot ang marka ko upang maipasa ang grado ko… meron pa nmang essay.. at doon gagalingan ko…

Kung re-review-hin at isa-summary ko ang buhay ko… malamang nasa pasang awa lang ako…,,, pero dahil don magsusumikap pa lalo ako… ayokong maging kampante lang sa buhay na ito

" Minsan mas masarap na madapa muna, damhin ang sugat sa kalamnan para pag tumayo kana lalo kang maging matatag…at sa susunod mopang mga hakbang may aral kanang natutunan at may gabay kang sinusundan…"

Ang serious ata ah… lam nyo ba nung elementary ako.. laging palakol ang mga grades ko? Eno ngayon… ang importante.. eto ako ngayon… nakatayo.. matatag… at nagsisikap…

Thursday, August 3, 2006

Plugging.. plugging

BGMusic: Your are the One - Sam & Tony
Mood: Inlove & Inspired
Eyeshadow Color: Pink


Ang sarap ng tulog ko last night... after 2 weeks of sleepless nights...oks na nman ang love life ng inyong munting tutubi... nawala narin ang mga damuhong eyebags ko.. nilagyan ko ng malamig na kutsara..,, mas effective pala un kesa sa cucumber treatment..,, sarap pa ng feeling parang naka spa ang mga mata ko.. hehe!!


Eto nga pala ang latest picture ko... alam ko bachingching parin ako.. pero todo nman ang effort ko to lose some weight.., hindi ko nman balak gawing pang model ang figure ko, gusto kolang bawasan ang mga sobra-sobrang fats sa aking human body... Mmy Lei, si Ermat ko inuubos ung inipon kong Yogurt...baka mas mauna payung pumayat sakin...


Ano Mmy Ann at Teacher Tekla.. kahawig ko parin ba si Candy Pangilinan? gaya nung unang sinabi nyo nung makita nyo ang half face ko? hehe! o mahihiya na sya sa beauty ko? hehe! Mas malapad parin nman ang pisngi ko compare kay Juday... Pag nagkataon eh, mas maganda pa ako dun.. bwheheh! ang kapal ng mukha ko... masyado lang focus ang camera cguro mukha akong Siopao jan.. kaya ganun... o sige... baka san pa mapunta ang usaping ito...


P.S.
I-po-promote konga pala ang photo blog ko... Nauna pa si ATe Melai sakin.. hehe! gawin ko kaya syang Manager? jowk! Ayaw ko kcing masyadong bumagal ang blog ko kaya sineperate ko ang para sa mga picture.. hindi ito photography na blog kc di ako marunong nun, pero hilig kong picturan ang sarili ko.. hindi lang dahil trip ko pero dahil kelangan.. me ginagamit kasi akong gamot sa aking face value, at kailangan kong bantayan kung gumaganda ngaba ako? bwhehe... check-check kung me improvement of cors... as of now e meron nman...

Minsan pasyal-pasyalan nyo ung Photoblogko ha... wag kayong maramot... tapos mag comment narin kayo.. sinadya kong walang tagboard dun para magcomment tlga kayo.. at me counter para mabilang ko nman ang mga natatanging bisita ko diba Mmy Lei?? hehe! ang bad ko...



Wednesday, August 2, 2006

I Never Knew Love

Mga ilang araw din akong nag muni-muni... nakinig ng mga ninenok kong mga songs online... pamparelax sana sa magulo kong utak... habang ako ay ang eexercise imbes na raggae o mala hip-hop ang patugtugin aba mga senting kanta ang nakapag bibigay lakas sakin para ituloy ang exercise.. hehehe! kakaiba eno??? ewan ko basta ganun... bad trip sa office wala akong internet connection, may galit ata sakin ang mga MIS namin ah! heheh!! bwisit kayo, hindi ko gagawin ang payroll nyo... lintik lang ang walang ganti.. hmmppp...

Patuloy parin nman ang buhay kahit kulang na kulang ang ingridients ng aking katawan pag walang blog....hmmmpp.. bwisit ulit... Kung ano't ano man, masaya parin ako kahit walang internet connection..., dahil alam kong on process na mga papers ko. kung ano man yun,, yun na un.. hehe! ang gulo... Single nga pala ako ulit ngayon.. hehe! joke! wala lang gusto kolang magpakafeeling single.. eh pareho lang nman wala namang pinagbago...

Hanggang ngayon nasa adjustment period parin ako... from being single,,.. eto ako ngayon... me asawa na.. hindi nako nag-iisa pero bakit ganun? ang hirap pala no? Sa iba cguro hindi, pero in my case..,, iba lang.. may asawa nga ako..,, magkalayo nman kami.. bakit ganun?? alam ko nman ang sagot bat tinatanong kopa? Nahhh... naghahanap lang ako ng kakampi... bad trip na nman kasi sya sakin, kung bakit eh hindi ko nalang po isasalaysay.. tutal... hindi nman ako guilty....

Ang sakit-sakit nga pala ng mga kalamnan at buto-buto ko.. hehe! tinodo exercise ko kagabi, kc naparami ang kain ko ng tinapa, ampalaya, talong, okra, na sinawsaw sa suka at bagoong.. hindi ako nang-iinggit, shineshare kolang ang menu ko.. hehe! yun kasi ang request ni Erpat, nagsawa na sya sa kaka fried ko ng kung ano ano sa ref... pinilit ko tlgang kumain before 6pm.. para makahabol parin sa After Six diet, pero diko nahabol.. ang bagal ko kasing kumain...

Ay nga pala bago ko natapos ang entry ko nato.. may internet connection na ulit ako.. heheh! narinig atang di ko sila suswelduhin ah! Have a nice week guys...

NOTE: Yung title nga pala ng entry ko eh galing kay Lovi Poe na anak ni FPJ.. ganda ng song.., promise.. try to listen to it..

eto po ang link >>>>
http://www.tristancafe.com/music/flash/ineverknewlove.html