Sunday, July 30, 2006

Ang Araw na ito, ay araw ko....

Galing po ang Meme na ito sa aking Tito KAdyo... heheh!! para medyo bumata nman kayo... gaya sa mga Pelikula... Sana Mag Enjoy Kayo.... isasantabi kona muna ang mga nauna kong draft... kasi me bagyo daw sabi ni Mam Teks ayoko nman ung dagdagan pa...


Tinagalog ko dahil yan ang patakaran ko sa blog ko.... ang mahalin ang sariling atin.. Naks... Hmmmnn... kaya kung mali man ang pag ka translate... tao lang po si Tubi....


If only I could/ Kung pwede kolang sana:
  • Kung pwede kolang sanang bilisan ang araw... ung araw kung san pwede konang makasama ang aking mga mahal.... o dba pang best actress ..
If only I knew why/ Kung alam kolang sana kung bakit:
  • Kung alam kolang sana kung bakit kelangan pa nating mag ka eye-bags pagkatapos umiyak,,dahil kung pwedeng hindi naman.. bakit hindi... at kung bakit nagiging muta ang luha... sayang nman kasi ang mala crystal na butil.... sana hindi magulo...
If only I could meet / Kung pwede kolang sanang makilala si:
  • Isa lang naman ang pangarap ko eh, ang makilala at maging friend ko SILA... sana hindi nman kalabisan na maging friendship kami hindi ba???
If only they didn't have: Kung sana'y pwedeng wala nalang:
  • Sana nga wala nalang discrimination at poverty sa mundo, para pantay pantay ang pagtingin sa lahat ng tao... Para sumaya nman ang mundo... pang Ms. U nman ang sagot nato...
If only I could have a car/ Kung Sana'y me Kotse akong:
  • Actually meron na akong kotse at masaya na ako dun... kung sana'y bago man lang ito maluma e maisakay ko ang aking mahal na kabiyak,... uhuhuh.. hawwww swwiittt.... eto po ang aking CAR... naka 3 years nako sa bank.. pero mukha parin yang new, kc super alaga ko.. eheh! alam ko dinyo nman tinatanong...
If only I could have this age again/ Kung pwede lang akong bumalik sa edad na:
  • Oh-eh alam ko nmang hindi na mangyayari payun, kaya wag ko nlang isipin kung ano man yun, kung ano man lahat ng pinag daanan ko,,.. wala naman akong pinag sisihan dahil na enjoy ko naman ang life ko...
If only this wish could come true / Kung sanay pwedeng magkatotoo ang wish ko na:
  • Kung maging sing ganda kolang sana ang boses ni NINA edi magiging singer ako... Hmmm.. at kakantahan ko kayo ng Love moves in mysterious ways....

If I had a Million dollars I would buy these things / Kung ako sana's isang milyonarya, bibili ako ng:
  • Malamang isang mansyon, kung san pwedeng tumira lahat ng kamag anak kong deserve namang makitira samin, at magpapaupa ako ng mga condominium sa mga mahihirap na mura ang renta, para hindi na sila yapak-yapakan ng mga mapang-api,,, naku para tong teleserye ah!!

If only I could anything right now, I would eat: Kung hindi lang sana ako diet at out off budget, gusto kong kumain ng:
  • Lechong-paksiw, Kare-kare, Lumpiang Ubod, Spare Ribbs na barbeque at leche plan.... waaaaaaaaaa
If only I didn't have to eat / Kung pwede lang sanang hindi ako kumain ng:
  • Kahit na anong maasim, sinisikmura kasi ako eh!! huhuhu!!
If I could have one dream come true / Kung pwedeng magkatotoo ang isang dream ko;
  • Kung pwede lang sanang maging perfect lahat ng relationship, edi sana walang problema... include najan ung friendship, mother-father, sister, brother.. at kung ano-ano pa....

If only I could be / Kung pwede lang sana akong:
  • Kung sana ako'y isang doctor, edi mayaman na ako ngayon... ehehe! jOKe!! ala akong maisip...
If I could meet one singer /Sana makilala ko ang favorite singer ko
  • Singer din nman SIYA Dba??? maawa na kayo gusto ko tlga syang makilala at Maging FRiend.. o textmate manlang...
If I could meet one actor/actress, it would be : Sana mameet ko ng personal si:
  • Kanina pa ang tanong na ito dba??? pero ok lang di nman ako nag sasawa sa pag mumukha NIYA....shhoottt.. ang macho...
If I could change one thing about me it would be: Kung meron man akong gustong baguhin sa akin...
  • Wala nman, kasi i love who i am.. and i'm proud of it.. NAks!!

If I could have one thing, I would have: Kung meron sana akong ano, meron akong ANO DAW??
  • Ang chaka ng Tanong... next question please....

If only they didn't play this song on the radio: Kung hindi sana nila pinatugtog ang kantang ito sa radyo:
  • Ekkkkk... di ako nakikinig ng radyo eh! Cd ang pineplay ko and i choose the song that i want to hear...
If I could go anywhere in the world, I would like to go to: Kung pwede akong mag around the world aba syempre depende yan sa kasama ko...
  • Kung ang asawa ko ang kasama... syempre ung place para sa pang Honeymooners... Paris...
  • Kung family naman.... malamang mas masaya sa Disneyland
  • Kung mga friends nman ang kasama ko... diba super saya ata dito... sa Tagaytay at Zambales... love ur own nga e!
  • Syempre kung mga blogkada nman ang kasama ko... dito ang punta natin... Viva Las Vegas... kasi feel ko lang maglaro ng poker at tatalunin ko kayo.... hehe!

Un lang... Uy enjoy ako... akin lang to... diko na ipapasa.. bwheheh... ang bad ko...





Thursday, July 27, 2006

Sa Dako Roon.... dun.. sa puso..


Second year highskul lang ako nun,,, may isang lugar akong nais balik-balikan... once a month lang ako nakakapunta dun.. to attend prayer meeting... opo isa po akong christian na me katigasan ang ulo... Para sa isang batang isip na gaya ko, excited ako lagi pag dumarating na ang araw na yun... syempre dahil andun na nman ang mga frenship namin na once a month kolang din nakikita at makapag praise ke Bathala of cors.. at higit sa lahat makikita at masusulyapan kona naman ang isang nilalang na nag bibigay sigla sa akin...

Masaya ako pag nakikita ko sya, kinikilig ako pag nginingitian nya ako, at feeling heaven pag kinakausap nya ako... sa isang musmos na gaya ko... sapat na ang kanyang mga ngiti at sulyap para mabuhay ang love life ko... pero napaka sakit Mang Kadyo.. ng makalipas ang mga ilang bwan.. boypren na po siya ng aking kapatid... todo iyak tlga ako nun Misty halus maubos ang luha sa aking mga mata...

Pero hindi doon nagtapos ang lahat Ev...,, naging kuya-kuyahan ko sya of cors.. at masaya narin ako dahil meron na kaming time to bonding... and sometimes i steal those time na wala si Ate para feeling ako ang girlpren nya.. Me hidden agenda tlga ako Mmy Lei... bwahhaha...

Once a month parin kung magkita kami... at hanggang maghiwalay na sila ni Ate, feeling ko love ko na tlga sya Mam Teks... Lalo kaming naging close dahil umasa po sya na tutulungan ko syang maging bridge sa aking Sister... na of cors pinatulan ko nman... pero wala nmang nangyari Te Pipay... Pitong taon kong inalagaan sa puso ko ang love ko for him, hindi nagbago.. kahit halos hindi na kami mag kita... tinatawagan nya ako lagi... sinusulatan ko nman sya Rho... akala ng lahat magiging kami.. pero nabigo ako... hindi po niya pinatulan ang ganda ko... bata paraw kc ako Mam Rems...

Ganun pala ung pers love no Mmy Ann... last time wer together May 2002,,, bakasyon lang ako nun Te Ghee... hinagilap ko sya... so we can talk... 19 yrs old na ako nun, kaya handa na ko kung san man mapunta ang usapin.. Pumunta kami sa place nila.. I met his parents and his friends...ang sarap tlga ng feeling Te Melai... i feel secured everytime im with him... holding hands... nag bonding at sinulit ang mga oras...

Pagkasakay ko sa bus..,, kita ko ang luha nya.. oh men... my heart was broken... he really do love me... and i can feel it in my heart... but it wasnt the same feeling i had for him... love ko sya,, and he do love me as his own little sister.... oo Ruthing.. oo Fibi... sister lang tlga...

Thats the last time i saw Him...

Nagpalit na sya ng number so i cant reach him... alam ko sinadya nya un Ella... because everytime he heard my voice, naaalala daw nya si Ate... at naiintindihan ko sya Ama... maybe dats the reason why i do admire him... ibang klase syang magmahal ... ang tinding umibig Jlois...

Sana one day... magkita rin kami,,, makapag-usap... alam hindi kona maibabalik ang nakaraan... but i still want him to become my KUYA...


Moral Lesson: Masyado ng mahaba ang entry ko... wag nlang akong mag lagay ng moral Lesson... kayo nalang...



Wednesday, July 26, 2006

Writer

San kaya pupulutin ang mga kakornihan, kabaduyan at kadramahan ko kung walang blogging? malamang ubos na nman ang tinta ng bolpen ko at me kalyong tutubo sa aking mga kamay sa pag sulat sa isang green na notebook na tinawag kong My diary...

Hanggang mauso na nga ang online diary na hindi pwedeng i view ng public which is good, pero me naka lusot at me nag comment... hanggang nag enjoy na nga ako at nakipag dakdakan narin ako sa mga kapwa ko narin commenters at naging public figure naraw ako.. joke!! hanggang sa ayan na nga ang nangyari.. na excite nakong sumulat ng kung ano ano dahil naging libangan ko ng basahin ang mga blog at comments ninyo...

Hanggang sa naging kaibigan ko na lahat ng mga ka blogmates ko,, parang textmates.... ganun..hanggang sa maging ka-chatmates ko na sila, ka friendsterization at maging tunay na kaibigan... handang dumamay san man padako karon (ano daw un?? ewan ko magka rhyme eh!) ... touch ngako ke Mmy Ann, ang me ari daw ng blog ang pinupuntahan nila... plus points nalang ung entry ko... onga nman...

Dati parang hiyang-hiya akong gumawa ng entry, kc nga baka pagtawanan ang ingles ko or kung ano paman.. ayokong ma-critized.. lalo na sa friendster blog kaya tinanggal kopo ang comment link... hanggang sa naisip ko.. keber koba sa kanila? hanggang sa nagtagalog narin nga ako... at gaya sa blog ko dito... marami naman ang nag appreciate... naaliw ko ata ang aalog-alog na utak... pero higit sa lahat i started to enjoy everything that i post... basta ganun... basta lagi ko nalang paalala na hindi ako writer na super galing mag sulat, o magpatawa, o mag bigay ng advices at achuchuchu...

Basta me keyboard.. tuloy sa pag palatak sa taladutdutan (from Mam Rems)... at basta me MyMy Lei, tuloy ang diet...at basta me internet.. tuloy-tuloy lang ang pag lipad ko....



Tuesday, July 25, 2006

A new life

Ang sinag ni Haring araw ay nandyan na
Nagpapatunay lang na ang bagyo ay natapos na
Pwede nakong magsimula muli
kasabay ng mga ibong humuhuni

Diko nalang tatapusin ang tula ko... tutal masaya na nman ako..

Infairness kahit masakit pa ang buto-butot kalamnan ko dahil sa exercise, feeling napakagaan ng katawan ko... kagabi habang pinapanood ko ang Smallvile season II marathon,, nag mamarathon din ako sa threadmill.. ng matapos na .. isinalang ko naman ang ni-nenok kong taebo work-out dati sa Kazaa... buti nalang nakatulog ako agad... after an hour...

Pero ng madaling araw hinanap ko na ang aking Omega pain killer..masakit ang aking mga tadyang tadyang.. pero ok lang... tumayo ako kaninang umaga 30 minutes advance sa nakasanayan ko... khit meron pag puti-puti ang mukha ko sa mud-pack exercise ulit ako...medyo masakit din ang braso ko dahil tinodo gamit ko ang mga dambles na nabili ko six months ago... hindi na sila useless ngayon...

No-rice narin ang diet ko ngayon... kumakain parin nman ako.. puro gulay at fruits sabi ni Mmy Lei (sya ang aking bantay)... ngayon kolang halos naaapreciate ang tamis ng Yogurt na dati e sukang-suka ako dahil sa asim.. pag tumagal pala e sweet nman sya.. Ang sosyal ko nga daw sabi ni Ermat dahil ginagawa kong dressing ang tuna sa vege' salad... samantalang dati e pinapatakan kopa ito ng kalamansi at toyo kasama ang mala dambuhalang rice...

Sana mag tuloy tuloy na ito... pag weekends.. ta-try ko kahit wala akong ka holding hands sa sea-shore dun ako mag wa-walking at ja-jogging-jogging... kita nalang tayo pag seksi na ako... hehehe!!


NOTE: next time, mag iisip na ako ng post na pwedeng kapulutan ng aral,, pramis!!

PAHABOL PALA: Medyo napanood ko yung SONA ni PGMA... in fairness ganda ng damit nya at ng necklace nya.. bwahahah!!! Anyways higways, sabi ni Erpat maganda nman daw ang mga naging speech niya.. wala daw syang binabasa... hmmmppp.. nagpapalakpakan lang namn sila pag pinapakilala na ung opisyal na me nagawang kakarampot na maganda sa bayan.. waaaaaaaaa.... alam ko marami akong di alam sa politics... because i really hate it... not because i DOnt care bout my country,, its because of the people in the government... basta lang...




Sunday, July 23, 2006

Ang sigaw ng utak...

Ang taba mo kasi!!!

Yan ang pilit sinisigaw ng utak ko sa sarili ko kanina habang ako ay nagsusukat ng pwedeng isuot sa office bukas... Nagsisikipan na ang mga damit ko, buti nlang medyo stretchable pa ang mga maong ko.... hay... bakit ngaba ang taba ko kase???

Well, hindi pa nman ako super obysse,,, basta lang after college at nang mapunta ako sa histeyts parang ang hirap pigilan na hindi tumaba.. hindi nman tlga ako matakaw pero bakit kaya ganito?? Parang nag rerecruit pa ng mga ibang kasama ang mga bil-bil ko... waaaaaaaaa....

When did i start not caring ba about my figure? Mula bata pa ako i dont care na... i love who I am kasi at minahal din ako ng Piolo ko kasama na ang mga bilbil at mga pamalo kong braso... kung baga me bonus hindi ba? hehe!!

Pero ngayon parang unhealthy person na ang nakikita ko... Imbes na mag lakad lakad sa labas ng bahay,,, aba mas gusto kong humilata at mag basa-basa.. imbes na mag stretching ako tuwing umaga, computer chair agad ang hanap ko... at ano nalang ang purpose ng binili kong threadmill kung chichiria ang hawak ko habang nanonood ako ng The Buzz???

Nakakaloka na ito... I know i love myself.. kaya i need to change my life style... i need to start caring about my self again.. If i want to stay healthy for the rest of my life, i need to start it right now... wala ng bukas-bukas... kelangan ngayon na...




Thursday, July 20, 2006

~ Bawal Muna ~

O sige dahil ako nman ang nagpasimuno ng lahat ng ito... bawal na muna ang senti at madrama... masyado nakong maraming nahawa eh! di pala maganda un sa pakiramdam... Inuman nalang tayo tara....

Kelangan maraming ngiti sa labi ang maipamahagi sa mga magbabakasyon, baka di sila makapag enjoy pagna-alala nilang meron pang sumpong ang tutubi... hehe!!

Binalik konarin ung dati kong template para bumalik na ang sigla ko...

Salamat sa lahat ng nag comfort sakin at sa mga nagpasaya... buti tlga anjan kayo.. dahil kung hindi, malamang nakatunganga parin ako... promise nyo jan lang kayo ha!





Tommorrow will be Okay...


God didn't promise days without pain,
laughter without sorrow,
sun without rain,
but He did promise strength for the day,
comfort for the tears,
and light for the way.”





Wednesday, July 19, 2006

Bagyo

Hanggang ngayon tuloy parin ang pag-tagak ng galit ng kalikasan
Nakikisabay marahil sa damdaming mahirap maunawaan
Kung sa pag hihirap sana ako rin ay makakatakas
Gaya ng bagyo, galit at sakit ay nais kong ilabas

Sa bawat kislap ng nag-hahabulang patak ng ulan
Muli't muli rin ang pag-iyak ng puso kong sugatan
Ang nakakabinging dagundong ng malakas na hangin
Ay ang tagapag-hatid ng mensahe na di kayang unawain

Sana kasabay ng pag-sinag ng araw
Ay may pag-asa na isisigaw
Gaya ng pag silip ng bahaghari sa kalangitan
Nawa'y maging daan upang ang liwanag ay matuklasan

Ngunit ngayon ako muna ay nakikisilong sa isang sulok ng kadiliman
Marahil dito kolang lubos na mauunawaan
Na ang kakulangan ng liwanag sa buhay ko
Ay mag sisilbing katapangan ng puso ko

Kung bukas at sa susunod pang bukas ay di parin titigil ang ulan
Marahil may mensahe kang nais ipaalam
Uunawain ko kung ano man ang ibigay dahilan
At handang maghintay ng magpakailanman



Monday, July 17, 2006

Kung Sana'y Artista Ako

Bakit ngaba sa dami ng mga artista ngayon, Marami parin ang naghahangad na mapabilang sa mundong yon? Samantalang puro plastikan lang nman ang nangyayari... at wala akong makitang literal na meaning kung anong klaseng job description ang pag aartista...

Pero bakit ganyan ang title ng blog ko?
Baka gusto kong makahalubilo ang mga taong hinahangaan ko? Naaaa... mali kayo dun..

Baka kc nman gusto kolang makipag plastikan..

Why not... magaling ako jan... magaling daw akong artista eh!!

Sabi ng mga close friends ko na kilala ang joker side ko
Pwedeng pwede akong makipagbakbakan ke Bayani Agbayani at Micheal V.

Sabi din nman ng Iba pwede akong maging Madam Charo
sa ganda at makabag-damdaming mga advices ko sa kanila

Pwede rin nman ako sa drama at pang telenovela,
gaya of cors ng idol kong si Juday
Sana maging partner ko si Piolo... hay..

Nangagarap kana nman uy...

Kung artista lang sana ako....

Pagkatapos sabihin ni Direk na CUT... edi tapos kanang mag drama, edi tapos ka naring magpatawa at tapos kanang magkunwari at free kana sa character mo...

Kung ganon lang sana kadali ang buhay..........

Meron kang script na babasahin, imememorized at pagkatapos ng eksena pwede monang kalimutan... Merong magme-make up sayo, merong mag aayos ng buhok mo, libre pa costumed mokung su-swertehin e buffet pa ang lunch o dinner mo...

Pero hindi ako artista...
Walang script ang buhay ko...

Hindi korin hawak ang linyang bibigkasin mo
Nasaktan ako sa mga salitang nabitawan mo..
.

Nanahimik at umiyak ako
Dahil hindi ko kayang turuan ang puso at isip ko

Nisa higagap ng kulti kong utak...
"Over Acting" na pala ako sa paningin mo...

Edi kung Artista lang ako malamang dipa ako nasaktan sa sinabi mo...

Buti kung ibang tao pa sana ang nag sabi nun, malamang din tinawanan kolang yun

Pero Men tagos to the bones ang sakit na dinulot mo...


NOTE: Sabi konga ke Mam Teks at Ev hindi araw araw pasko, hindi araw araw masaya... minsan pag gising mo basta ka nalang malungkot at gustong mong umiyak... Umiikot nman ang mundo,,, baka bukas masaya narin ulit ako...



Thursday, July 13, 2006

Kaya ba ng Powers Mo??

Balik na nman ako sa dati kong trabaho, dumating na kasi ung nirelyeno ko este ni relyebo pala.. pero mostly kukunin kona ang kalahati ng job nya,,, pero parang ayoko... kc alaman silang inoffer na increase... o kahit na tatlong cantaloupe lang o honeydew per hour oks na un sakin... eh wala eh! wala man lang tanong na Deal or No Deal? dahil No Deal ang isasagot ko hanggat diko nakukuha ang gusto kong amount, natatakot lang ako baka sa huli ma No Choice ako at ilaglag nalang nila ng basta... pero No Way... di ako papayag.. hmmmpp...

Pagkatapos kong manood ng tfc kanina, inspired na nman ako dahil nakita ko ang pagmumukha ni Piolo... kaya nanood lang ako ng tv, humilata sa sofa at ginawang keyboard ang remote control.. tuloy tuloy sa pag pindot hanggang sa me nakita akong naka wedding gown. hininto ko ang pag pindot.. aba intresting..

Naku nakita ko ung bride ke ganda ng damit, ke ganda ng ayos at infernes maganda rin nman ang pagmumukha nya, pero utos ng utos.. mando rito mando roon... iritable na mga tao sa paligid nya... ako ang nainis para sa mga kasama nya... pati sa Nanay nya kung ano ano ang pinag sasabi.. kung mang-utos para syang Dyos... ang pamagat pala nito e "Bridezillas" woohhooo.....

Bagay na bagay tlga... pero parang fake nman.... papayag kaba tlga na isama ka sa reality tv show na ganun kung tlgang ganun ang ugali mo? edi kaiinisan ka ng mga tao... anong mapapala mo? Ewan ko pero parang totoo nman.. waaaaaaa... ang gulo ko... Gusto nilang maging perfect ang wedding nila, pero pano un kung wala ng ganang mag celebrate pa ang mga taong nasigawan nila.. Edi may flaws parin, kc not everyone is happy...

Nung Wedding ko i didnt expect it to be perfect... One week lang ang preparation and so what? walang rehe-rehearsal nayan.... walang rehearsal dinner o kung ano paman... basta i know in our heart everything will be perfect kc mahal ko ung taong pinapakasalan ko... diba un nman ang importante...

Ders no such thing as perfect wedding...expected ko na un... gusto ko nga ung wedding na pakomedy eh! Kaya tlgang sinabi ko sa photographer namin na kelangan mabilis syang mag picture dahil gusto ko kuha lahat ng expression ng mga tao, at gusto kong malaman ang lahat ng nangyari sa paligid ko... kung me inaantok, o kung me nagkakamot ng ulo, kung me nakatulog o kung me mag re-reject... heheh! buti nalang alang nangyaring ganun.. heheh!!

I wanna share some of my favorite photos on my wedding... wag na ung honeymoon baka ma shock kayo dahil hindi kami nag honeymoon natulog lang kami dahil ako ay pagod.... at me red alert... huhuhu

Eto Napo...


WARNING
:: Some Scene are not suitable for young audience......... joke!
Para sa mga grade one at bagong transfer... click the Word with Image to View the picture....

Image One: Naku nahiya ang mga Bridesmade at Groomsman ko....

Image Two:
At dinramahan kami ng pamangkin ko... cute ni hubby no? bwahahha

Image Three: O tamo si pamangkin ginawang sahig ang gown ko.. at meron pa syang hawak na boy bawang.. hihingi sana ako baka masira lipstick ko


Image Four: Hindi po kayang buksan ni Piolo ang aming champagne kaya ginamit kona ang talent ko... este ang muscle ko pala...


Image Five: Hindi pa kami nag ha-honeymun pinag hihiwalay na kami.. huhuhu



Image Six: Hanep ang nareciv nming gift dba?? heheh! Me t-back na si papa...waaaaaaa.. ingget ako.. huhuhuh



O next time nman ang iba... bagal kcing mag upload eh...





Monday, July 10, 2006

Something to the 3rd Power

Something TAG: Getting to Know Me... daw

Name: Tutubing-Karayom aka TK ... sige nanga Lee nalang para medyo me personal touch
Country: Born and raise in Pinas... at ngayon ay nasa Guam at nag ba-blog
Birth Place: Ala eh, ako ay tubong Pampanga....
Birth Date: ayoko sanang maalala pero... it was when World Trade Center was terrorized... tama ba un at isakto sa birthday ko.... hmmpp...
Motto: "Patience is a Virtue"

Describe yourself: Isang voluptuous na tutubi, ngunit subalit datapwat hindi halata kc sya'y may katangkaran...
Favorite Food: All time favorite ko ang Kare-kare... iba parin ang lutong pinoy..
Favorite Drinks: Sprite tlga ang hanap ng sikmura ko.. ewan koba!
Favorite Movie: Basta Movie ni Piolo favorite ko.. wag ka ng magulo
Favorite Actor: Piolo Pascual of cors .. sige isabit mona si Aga M.
Favorite Actress: Juday nalang ako... love ur own daw
Favorite Song: Jed Madela songs
Likes: Ngayon, blogging lang ang gusto ko... texting narin kc un lang comunication ko sa jowa ko...

First crush: Super crush ko si Gabby Concepcion
When/where did you meet: sa movie
Who was your first kiss: Mama ko cguro wen she gave birth to me pero Yung kiss na hindi platonic:: Edi sa first bf ko
Who was your first bf: Nahhh... wag na...
Describe your first b/f: to sum it all...Panget....
When/where did you met: sa mata
Are you still together: inde na uy, tagal na nun! (copy from misty)
If not why: Aba hindi kc magandang palahian.. hehehe joke lang!
Do have any plans to get married: Married napo
What makes you love/like him: I just love and like everything about him...
Do you plan to have kids: op cors
How many: Depende kung maganda at gwapo magiging lahi ko... hehehhe
What have you learned from the circle of life: Ang lalim nito.. paki translate nman.

NOTE: Hindi kona ita-tag sa iba.. para masaya... hehhee!!


"Something to CELEBRATE"


Pinramis ko sa Mahal kong si Ruthing na igi-greet ko sya dito.. Alam ko tapos na birthday nya pero, i just want to let her know.. that she's been a part of me... she was like a little sister to me.. Makulit din kasi ako kaya love ko siya...

Happy Birthday to you Lil sister.. I wish you all the happiness and all the luck in the world.. Muahhhhhh!



"Something to PONDER"

Kakareciv kolang ng mga pictures namin ng asawa ko wen i wen to Cebu last May... Kaya medyo inspired na nman ako.. though lagi naman akong na inspired sa mga comments at tag ninyo... parang bagyo ngayon ang feeling ko nag uumapaw sa saya at galak..

Yun.... just wanna share what i feel... hope everybody is Well... have a great weekdays guys! Muahhhhh


P.S. Hiniram konga muna pala ang bangs ni Superman... heheh

Wednesday, July 5, 2006

My Big Fat Greek Wedding


Kanina pa ako nakatunganga sa harap ng computer... inikot narin ng mata ko ang buong sulok at dingding ng kwarto ko... bakit ala
akong maisip na isulat sa aking blog?? waaaaaa...

dahil kaya:


A.. Kulang sa Inspirasyon
B.. Aminin monang tamad kalang
C.. Aminin mo
narin na pumurol na ang utak mo sa kakatrabaho
D. All of the above...

hmmmpp... wag ko nalang sagutin...


Actually nababahala kasi ako... ewan koba parang nitong mga nagdaang mga panahon (hehe! as if matagal na!), ang gaganda ng mga post ng iba... Namamangha ako sa bawat pilitik ng daliri nila... malalim at makahulugan ang bawat salitang gamit nila... minsan tuloy kahit limampung beses ko basahin na paulit ulit, nalilito parin ako.. diko alam kung patungkol ba sa akin ang mensahe nila o patungkol sa makinilyang ayaw ng gumana (parang ako rin ata un ah)... samantalang ang mga post ko e... ah ewan... napa praning na ata ako...

  • Pero bakit nga ba kahit comedy at kalokohan ang aking napipinta sa munti kong blackboard.. anjan parin kayo at naka suporta?
  • Bakit kahit na wala kayong mapulot na aral sa mga salita at kwento ko masaya parin kayong nagkokoment dito?
  • Bakit kahit na nakita nyo na ang larawan ko na milya milya ang layo sa mukha ni JudyAnn, e juday parin ako sa puso nyo?

Ang sarap nyo kasing magmahal.... kaya ngaba diko kayo maiwan e! Kita nyo ba mga mwebles ng Links ko? Binakod koyan ng isa-isa, kasi ayaw ko kayong mawala nalang ng basta... Naging parte na kasi kayo ng buhay ko... at alam ko na alam nyo na love ko kayo.... At hinding hindi ko kayo basta basta papayagan na mawala sa mundo ko... sa ayaw at gusto ninyo... heheh!!

PS... alam ko wala na nmang kinalaman ang post ko sa title na nilagay ko... hehe! Limang minuto na kc akong nag iisip ng title, yan tuloy ang nakita ko sa mga collection ko... maganda ang movie nayan...




Sunday, July 2, 2006

Si Kiko, Pong, Ning at tabing Ilog Gang!

Isang Kwentong Kathang Isip.. Si Dyosa ang nagpasimuno.... at umikot sa BlogWorld upang dugtungan... Napunta sa Kaibigan kong Si EV... at walang pakundangang ipinasa kay Tutubi pagkatapos nyang magmakaawang hwag i-tag sa kanya... Pasaway ka 'dre!

Mechanicss:
1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento,galing sa fairyland nya at umikot ikot na parang seglot ang kwento.. hanggang sumayad sa Ledger ng Tutubi.
2. itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

Ang ita-tag ko na magtutuloy ng walang kwentang kwento ko, nawa ay mabigyan nya ng saysay at kapulutan ng aral ang kanyang idurugtong... at ikaw yon... ang aking bagong Ama, na buong puso akong inadopt sa kanilang family... Mang KD

Ang katapusan ay sa ika sampung(10)tag..ano kaya ang magiging wakas??
Ok,katuwaan lang... at sana nga ay matuwa kayo....

Ang Karugtong::: Chapter 4

Nangilid ang luha sa'king mga mata. Bugso ng sugatang damdamin ang namayani sa buong katauhan... Hindi sya tumupad sa pangako... sabi nya'y hihintayin nya ang pagbabalik ko... Pero bakit ngayon.. ngayong handa na ako... huli na ang lahat...

Pano na ang mga sumpaan natin? Pano na ang mga pag-ibig na inukit natin sa katawan ng puno ng saging?... ang mga palakang inampon natin? hindi ko sila kayang alagaang mag-isa... ikaw ang kanilang Ama... dahil mas kamukha mo sila.... at tuluyan na nga akong nawalan ng malay...

Ilang minuto ang nakalipas at nahimasmasan na ako... Bigla akong napatayo sa aking pagkakahiga.. nilibot ang paningin sa paligid. Nasa bahay pala nina Kiko... Biglang bumungad sa harapan ko ang babae at lalakeng nkita ko kanina karga ang mumunting anghel...

Oh gising kana pala Ning-ning... sya nga pala eto ang asawa kong si Sienna. Nawalan ka ng Malay kanina. Si Kiko
ba ang sadya mo? Bigla akong napatingin sa kanya. Nakita ko ang nunal sa tagiliran ng kanyang Mata... Pong? Pong ikaw bayan? akala ko kanina e ikaw si Kiko? asan na sya? asan na ang kambal mo??

Ah si Kiko! marahil nasa ilog pa sya at nilalaro ang mga alaga nyo. Bumalik ang sigla. May pag-asa pa... hinintay nya ako.. tumupad sya sa aming pangako... dagli dagli kong nilisan ang bahay nila at tila nag anyong kristala makarating lang ng mabilis sa may ilog.

Psssssshhhhh... Eksena sa May Ilog...

Kiko! Kiko! Asan kana. Andito na ako aking mahal... Biglang tumahimik ang mga barkadang nagkakasayahan... biglang tumigil ang aking mundo ng masilayan ko na ang aking irog... tumakbo sya ng mabilis tungo sa kinaroroonan ko... hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.. Nandito na ako mahal at dikana muling iiwan pa.. at sila'y nagyakapan... halika at ipapakilala kita sa mga kaibigan kong bagong salta...

Mga kaibigan, ito nga pala ang aking kasintahang si Ning-ning. Sila ang mga bagong kaibigan ko... si Rovick, Eds, George, James, Badong at Coreen. Ah Kilala ko si Rovick dahil sya nalang ang natatanging me career...

Pauwi na kami at magkahawak kamay... Anong saya ng pusong matagal ng tigang... Anong higpit ng pagkakayakap nya sa kin... habang kumakanta kami ng Barney is a dinosour.... Mag sisimula kami ng bagong buhay...

Pero pano ko sisimulang sabihin sa kanya na..... ako'y nagdadalantao??? maniniwala naman kaya sya na ang Ama ng dinadala ko ay si Tobey Macguire??? maniniwala ba syang ako si Kirsten Dunst??

Itutuloy:::::