Friday, June 30, 2006

God cure my heartache...

I’ve told you how much I love you
and showed how much I cared...
but you broke my heart...
You told me, you can’t feel the sincerity of my word...

I almost pass-out when I read your message
I grabbed my bag and walk away hurriedly from work
I drive as fast as I could
‘Till I don’t know where I was going too

My tears dim my vision
I couldn’t see nothing...
I really thought Im gonna die

A big ray of light blind my eyes
I closed my eyes and hit my brake pad...
I was crying...
“Oh God help me and be with me”

Did I just hit someone?
I shed my tears and went down to see what happen
An old pick-up truck was there 1 inch in front of my car

My tears keep on running
while I was getting closer to this old man who owns the car

Did I hurt you, Sir?
Im really sorry, I’ve been over speeding and didn’t notice your coming

Im very fine young lady, it was my fault actually, im in a wrong way...

Thank God nothing happen to you... I said

Is there something bothering you?, he then asked me

I just gave him a glimpse of my smile
I’ll be okay, Sir.. Thank you...

Then.. He started walking back to his car...

But I would be great .. if....
if I could offer you a cup of coffee......
.... and a donut maybe?

I would love that, young lady...

I said ok! Lets meet at the Coffee Beanery..

We did talk...

I feel calm and peaceful...
And I just forget my heartache...

While I was on my way home...
I realized something...

and I told God...

“I know it was You”...
YOU are the old man that I just spoke with, aren’t you?


Editors Note: Serious Mode muna ako ngayon... sasamahan kolang sa ka Emo at kasenti ang pinsang kong si Misty.... wag nyo ng itanong kung sino ung tinext ko ng Aylabyu... kilala nyo na sya.. artista kasi yan...


Wednesday, June 28, 2006

~Walang Load ang Cellphone ko~

Super hate ko tlga na pag dating ko sa bahay e ung problema parin sa trabaho ang nasa isip ko... waaaaa... gusto ko ung simple lang,,, pero parang wala atang ganon eh!!! Hay bad trip nato.. Pagkatapos kong manood ng teleserye ni Papa Piolo, pumunta ako sa may tindahan upang bumili ng shampoo, naubusan na kc kami dito sa hauz. kaya pinag tyatyagaan ko ung Zwitsal na for baby tutal baby parin nman ako... este ang buhok ko..

Pag dating ko sa store, kuha ako ng basket... lakad-lakad.. ikot-ikot... ay sarap ng ice cream.. pero wag yan.. next time nalang... wow may fresh sea foods... hmmpp wag nalang.. masisira budget ko.. bahala na si Ina sa aming fud... wow ang daming V-cut at Lays na chi-chiria... pero wag ka ang mahal... ala sa budget ko.. dipa ko nag sweldo... Uy ang sarap ng Smirnoff makabili nga... tutal nalulungkot ako at kelangan ko ng spark... kaya nga eto mga katoto,, hindi nako bumili ng ngunguyain kc meron pa akong La-la (fish cracker) na natira...


At habang eto nga ako at nakatunganga at umiinom ng smirnoff, pinicturan kona ang sarili ko ng masilayaan nyo ulit ang aking pagmumukha (naku parang same pose pa mandin ako gaya nung dati).. halata bang malungkot ako?... Anak ka nang Tipaklong!! Naisip nyo ba ang naisip ko??? Waaaaaa.... nakalimutan kong bumili ng Shampoo... huhuhu!!!



At dahil tamad narin akong umalis at mag drive papuntang store para bumili ng shampoo... pinaglaruan ko nlang ang mga pictures ko... aba ang cute nito oh! o syempre cute kc sabi ko at ako yan!! bwahahah!!! O sige na, aaminin ko.. niretoke ko of cors ang picture nayan... kaya parang drawing... alangan nmang idisplay ko ang panget dba! Eh blog ko nman ito...


Peram nga ako ng cellphone ng matext ko kayo!!!! Waaaaaa!!!

Monday, June 26, 2006

Ang Artista

Naku pag pasensyahan nyo na po at super late man ang pag tugon ko sa inyong mga request, sa wakas e eto narin ang picture ni Juday at Piolo... pero sa aking pakiwari e napaka macho nman ni Piolo para itapat ko sa aking mahal,....





na parang si Ryan Agoncillo ang kanyang kawangis.. hehe! pakapalan na ito... at tlga daw makapal na ang pagmumukha ko na ihawig ang sarili ko ke Juday... Idol ko lang nman kasi sila kaya patawad mga idol... makapal lang tlga ang mukha ng inyong abang lingkod...



Eto lang ang kaya kong i front page sa ngayon dahil na ka sidewiew nman ako jan at tlgang pag-pelikula ang dating hindi ba? pwede yang pang best picture mga katoto... diko nlang ipopost ung mga picture na me kissing scene baka gayahin ng iba! bwahhah! joke!

Oh Eto pa ung iba! kayo nalang ang mag click tutal sanay narin nman kayo...

Image 1 ... dba ang cute ko jan?? ang umangal papakulam ko... heheh!! joke!
Image 2.... ah.. mukhang mas cute ako jan...
Image 3 ... Peborit picture ko yan... kc konti nlang makikis kona sya!
Image 4 ... Naku galing nyan... heheh! ang liit ng kissing scene no??

Pasensya na nga pala ha KULAS, dahil hindi ko makuhanan ng picture ang aking bagong tsinelas dahil dinala ng aking Ama ang aming camera sa pinas habang sya'y nagbabakasyon... kung iyong mamarapatin eto nlang tsinelas ko nung aking wedding ang aking ipapakita sa iyo... maganda rin nman sya at me "K".... heheh as in Kool....

Eto Ang Aking Golden Shoe.... (click to view) at kasama narin ang iba pang shoe barkada (click mo ulit).. hayan anjan na ang aking tigasing paa.. bwahhaha!!

Pahabol na PAA:

Sa akin po e me nag request kung maaari ko ring ibida ang kanilang mga Paa... Oh Diba? keganda-ganda.. Ke Teacher Clown po ata ung matulis (teacher me insurance bayan? bka makasaksak yan) heheh! at ang isa nman e grooving-groovy syempre ke Mam Tekla Yan... At ang # na 5 & 7 ??? ano kaya un? kulang nman ang # kung cellphone # nyo yan.. cguro sukat yan ng mga shoes nyo na gusto nyong ipamudmod sa mukha ni KULAS upang kayo'y ilibre nya ng bagong tsinelas?? heheh!!! o gusto nyong mag pabili ng isteytside na chinelas kaya?? Paging-paging (Page) mga nasa JAPAN... lam ko maganda mga shoes jan!! bwahhah! peace!!

PS... o sino pang me picture na paa jan? khit walang sapatos o tsinelas.. libreng post dito! heheh!


Friday, June 23, 2006

~ I Hope u Dont Mind ~


Waaaa... kung pag-bibigyan lang ako ni Lord para sapakin ang mga taong alang ginawa kundi manira ng iba at mag-kwentuhan ng patago na akalamo mo e sila lang ang anak ni Lord... cguro bugbog sarado na sila ngayon at lubos na ang aking tuwa at ligaya sa buhay... Hay Lord, konting pasensya papo... ulanin sana ako ng marami pang patience dito sa mundo... yoko pong igive-up ang buhay ko ng dahil lang sa kanila... marami papo akong pangarap sa buhay...

Tutal byernes nman at karamihan sa iba e weekend na sa kanila... naku lubos ang tuwa ko na khit 2 araw lang ang weekend, makakapag pahinga ako sa stress... waaaaaaa... tama na ang trabaho... blog muna ko..

RE: Ikaw na kaibigan......
Cguro nman nasubukan nyo ng Mag mahal hindi ba? hindi lang jowahan ang ibig kong sabihin, pwede sa kaibigan, sa kaibigan at sa kaibigan,, or the one we called "friends". Hay, ngayon kolang lubos na naintindihan... Iba parin ung mga tunay na kaibigan o kai-kaibigan lang...

Ibang level nman ang usapan dun dba? Kc ang tunay na kaibigan pag nagkamali ka sasabihin sa harapan mo,,, hindi sya magdadalawang isip na ibigay ang kanyang kuro-kuro about sa nagawa o nasabi mo... ibig sabihin gusto nyang itama ang mali mo sa mabuting paraan at usapan.

Pero ung mga nagpapanggap na kaibigan, cguro... sa una pwede kanyang kampihan, pero beware hindi mo pala alam sinisiraan ka na nya at sinasaksak ng patalikod... lam ko ang tawag dun.. "piniprito ka sa sarili mong mantika".. na hindi lang basta basta mantika "olive oil" pa ang ginamit, na galing pa sa sarili mong cabinet... gets nyo? alam ko magulo! pero IKAW! alam ko, gets mo!!!


RE: Sige Change Topic!!!
Ganda ba nung picture ko sa last entry ko?? bwahah! ang kapal na ng mukha kono? Ayaw kona kcing magpakipot.. Dami ng nahingi ng picture ko, kaya pinag bigyan kona tutal hindi naman sila humihingi ng autograph kaya oks na. Gusto konarin kasing ishare sa inyo ang mukha ko, baka akalain na nman ng iba e hindi ako tao... (sige uulitin ko, me puso at damdamin at syempre kumakain ng kanin at ulam, natutulog at nagtatrabaho ng mahusay at higit sa lahat nagba-blog).

At least patunay yan na pag nagkamali ako, pwede nyokong batukan pag nagkita tayo sa daan dba? hindi nman kc ako nag mamalinis. Kung meron akong nasaktan, well sabihin nyo ng harapan dba? para maituwid ko ang aking mali. at makahingi ng dispensa at hingin ang inyong mainit init na kapatawaran..

Naku para nmang nabalik lang ang topic ko dun sa una...

Sige Lets change topic agen... bwahahha!!!

Si MAng KD nag request ng picture ko with Piolo, si MAng Kulas nman nag request ng picture ng aking paang bagong pedicure with my new Tsinelas... promise sa susunod na post ko, ur wish is granted na!! hehe!! Happy parin ako kahit pa iba iba ng mood, kc alam kong mas marami akong Tunay na kaibigan.. kesa dun sa mga.... hmmppp... never mind...

ciaooooooooooooo... Happy weekend Everyone!!!

PS. para nmang hindi ako nag absent no? bwahahah!!!






Wednesday, June 21, 2006

Excuse Letter

Oh aabsent muna ako till this week ha?! Kakaririn kolang ang aking career... pero i shall return.. pwamis!!!




Friday, June 16, 2006

Ang Karpentero, Mason, Kalyo at ang aking Mahal na Ama

Wala akong matandaang memory ko with my father nung maliit pa ako... totoo... ni wala nga kaming picture together eh! Siguro dahil hindi pa uso ang kodakan noon.. mayayaman lang ang tinuturing na me kamera para makapag kodakan... Pero ok lang, kasi sabi nila "its the thoughts that counts" hindi ba?

Palaging nasa Saudi o Abroad ang aking Tatay nung kami'y mga musmos pa lamang. Nagtratrabaho sya bilang karpentero at mason..Hindi kona halos matandaan pag umuuwi sya galing abroad... marahil dahil nga musmos palang ako... at walang pakealam... basta ang tanda ko puno ng kalyo ang kanyang mga kamay..

Mahirap lang kami, ni hindi ako nag celebrate ng birthday ko... wala kahit na ano.. syempre, nainggit ako sa mga pinsan ko... merong kirot sa puso ko pag dumadalo ako sa mga selebrasyon na ganon... Parang paninibugho kung tawagin yun, pero nasa puso kolang at wala ni isang nakaalam...

Ngunit lahat ng iyon ay naglaho... Isang araw bago ang aking 7th birthday... as usual nasa ibang bansa na nman ang aking Ama, at todo kayod din ang aking Ina. Ako'y nasa ikalawang taon ng elementarya... May isang karterong huminto sa harapan ng klasroom namin.. hinahanap ako at me tangan na yellow card... Namangha ang lahat kc parang pers time. Hininto ang klase at ang lahat ay nakisimpatya kasama nasi Teacher...

Anong galak ko ng pagbukas ko sa mumunting card ay may tumugtog na happy birthday.. (music card pala ang tawag dun)... binasa ko ng mabagal ang nakasulat (mabagal tlga kc grade 2 palang ako nun!) Cguro sa sobrang galak ako'y napaluha... hinayaan muna ako ni teacher na namnamin ang galak sa puso ko... at sabay sabay na nila akong inawitan ng Happy Birthday... mula noon, tuwing birthday ko.. khit wala akong handa.. sapat na ang birthday card na bigay ni Ama nung araw na un..

Napawi na ang aking panibugho at inggit sa ibang mga batang nag bebertdey at nag seselebreyt.. dahil alam kong mas maswerte parin ako. Kahit candy lang ang kaya kong ishare sa mga klasmeyt ko pag bertdey ko, sapat na un para maramdaman ang tuwa at galak sa puso ko...

Ako ang tinaguriang Daddy's girl sa family namin... ako ang pinakamalapit sa father ko... halos ngayon nalang namin binabawi ang mga taong nagdaan na hindi kami mag kakasama.. Maswerte ako dahil mabait at sweet ang aking Ama.. kung ako ay Daddy's girl.. sya ang tinaguriang Daddy ng Bayan.. lahat ng cousin ko tawag sa kanya Daddy rin, ang mga trabahador namin Daddy rin tawag sa kanya.

Kaya cguro nung kasal ko, hindi ko mapigil na hindi lumuha.. ala akong pake kahit masira ang make-up ko, dahil maganda nman ako... bweeeheheh ang kapal... me katibayan nman ako.. eto o click mo.... oh dba ganda nman tlga. hindi clone yan ha!

Proud ako kc sya ang Ama ko...ang gwafu ng aking Ama no? He is really one of a kind... Happy fathers day to u and i Love u! hehe! diba halata ang luha sa kanyang mata?

Sa lahat ng mga Ama,mga ama-amahan, tatay,tatay-tatayan, daddy, Papa, Dada, faffy... happy fathers day!!

Syempre kasama jan si Mang KD, fafa KU, Master, Kuya Kenjie, Big Dhaddy, Jlois, Ang aking Ama-Amahing Kneeko, Pareng Royce, at ke Mang Kulas (for the future, diko kc mawari kung isa kanang Ama), diko rin alam kung Ama na ni Kapehan.. for the future narin...

Mabuhay ang mga AMA ng tahanan!!! Advance Happy father's Day! Muahhhhhhhh!

Thursday, June 15, 2006

Color Coding


Red One.... Magiging busy ako sa loob ng isang buwan, kasi nagbakasyon sa Las Vegas ung Payroll Clerk namin, kaya itong aming Controller na mahal na mahal ako, at ayaw nyang nkikitang nkikipag blog lang ako... eh binigyan ako ng tunay na trabaho.. hmmppp.. diman lang tinanong kung gusto ko, basta nalang sinampal sa pagmumukha ko na .. Hoy Tube, next week kaw nlang mag isa sa payroll kaya within this week kelangan hasain mo yang work jan... anak ka ng butete... ginawa pa akong matalinong tao na sa loob ng 5 araw kelangan hasa na ako... ano ako kutsilyo??? nways, tama na ang trabaho...

Green two.. Khit medyo busy, diko parin nakakalimutang pumasyal sa mga bahay bahay ninyo.. wag mag alala, isang bwan lang akong magbi-busy, dinako papayag ulit.. hehe!!! Cguro dahil pasukan narin, halos lahat na tayo eh busy no? Pero nakakataba parin nman ng puso, pag hinahanap ang mga pakpak ko, at hinahagilap kung san nako napadapo.. at ang laki ng tuwa ko ng madami ang nakamiss sa akin.. huhuh! touch akow!!!

Blue three... hindi ko kayang ipaliwanag sa inyo ang naramdaman ko nung Monday night... muntik na akong maubusan ng luha... super na depress at na upset ako... Akala kasi nmin ni Papa Piolo, magkakaroon na kami ng munting tutubi.. pero 3 araw palang akong delayed, dumating na ang aking auntie flow... kaka upset, pero kailangang tanggapin hindi ba? bata pa naman kami.. pag dipa tlga time, hindi nman kelangan ipilit.. meron nman reason si papa God hindi ba? Pero ok na ako ngayon, nkita ko nman ang support ng asawa ko... kulang nlang sya ang duguin para lang ipakita nya sa akin ang moral support... hehe! kaya ok na ako!! sa susunod nlang na gyera... bwheheh!!!

Yellow four... back to count down ulit ako.. ganun ata tlga ang gawain ng mga nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mahal sa buhay... khit alam mong medyo matagal pa ang next vacation, pipilitin mo paring lagyan ng X - sign ang kalendaryo mo.. Ewan ko lang sa iba, ako kc feeling ko dumadali ang araw pag me sign akong tinitingnan... kaka inspired tlga...heheh!!

Pink five... Waaaaa... bumili ako ng bagong tsinelas... ung sosyal na tsinelas.. flip tops ba tawag dun? hehe!! isang color pink at isang gold.. Buy one take One half price kc kaya naging dalawa ang nabili ko... tapos nag pedicure ako, para nman kahit naka tsinelas ako sa work, me K parin ako dba? heheh! feeling ko kc ikakasal ulit ako hehehe!!

Pheebo... Sa blogging world, kahit hindi pa tayo nagkita kita, alam ko at alam nyo kung sino ang mga tinuturring nyong tunay na kaibigan dba? Nagdadamayan pag malungkot at isa.. nakiki celebrate nman pag happy ung iba... Masaya ako kc hindi lang tao ang mga nakakasalamuha ko, alam kong me puso sila... me damdamin.. at me emosyon... Ok lang magalit, sino ba nman taong hindi nagalit?, paalala nalang galing sa mga kaibigan.... Mas maraming nagpapahalaga at nagmamahal sayo kaibigan... hayaan mo na ang mga taong walang sapat na puso na walang alam gawin kundi manakit ng damdamin ng iba...

MyMy, u deserve to smile... be happy like tutubi.. este Jolibee pala!!!

Sunday, June 11, 2006

Huling Patak

Bago magkalimutan gagawin kona ang assignment ko galing ke TE GHEE , PHOEBE at ke RAZZbery.... ayaw ko nlang basta kalimutan nalang, syempre pag kaibigan dapat kahit sa lasingan e nag dadamayan.. hehe! ang layo daw...

Instructions:
Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place.Then add your blog to the bottom slot,like so. (ano batong instrustion na ito kelangan kopang basahin ng 10 beses bago ko naintindihan... heheh! pero tinanggal kona yung diko kilala, yokong i promote ang blog nila (selfish ako bwahahha) basta ung nag tag nlang sakin ang nilagay ko (kasi Love ko sila)

1)Gentle and Compassionate -GHEE
2)Machong si Phoebe
3)Anything goes with Razzy

4)Ledger ng Buhay ni Tutubing Karayom

Next,select five people to tag:
(Naku wag na, palagay ko nman eh na-tag na lahat sila)

What were you doing 10 years ago?
I was 14 years old.. attending my 2nd year highskul... and enjoying my youth organization...

What were you doing 1 year ago?
Nag de-day dreaming, kc by this time of last year... kakagaling kodin sa bakasyon...

Five snacks you enjoy:
1)Lays, potato chips
2)Taco's
3)chicharon with matching suka
4)ceasar salad ng Wendy's
5)Naku madami pa, wag ko nlang isulat kukulangin ang space. takaw ako eh!!

Five songs to which you know all the lyrics:
1)Especially For You by MyMp
2)Ill Never Go by Erik Santos
3)The Past -Jed MAdella
4)We Belong-Tony G
5)Pinoy Ako.. pano nman lagi nlang un ang naririnig ko khit saan.. pweh!!!

Five things you would do if you were a millionaire
1)Una, syempre bayaran ko muna mga utang namin... mula sa kanunu-nunuoan hanggang sa mga future pa...
2)Tapos, mag donate sa mga charitable institution pero di ako magpapakodak.. baka sabihin nagpapa impress lang..
3) tapos, papagawa ko ung dream house ko... at kelangan kumpleto na pati mga gamit at appliances
4.)Gagawin kong wi-fi ang internet connection ko.. kelangan for life na ganun!
5.)Bibili nako ng sarili kong Domain at aabandonahin kona ang bloggers kc nman laging sira... syempre kung sino pa ung gusto ng Domain, tatagayan kodin kayo.. milyonaryo nga ako eh! kelangan syempre ishare ko senyo yan... at kung hindi pa ubos ang pera ko tlga.... waaaaaa.. ang dami kong gustong gawin...

Five bad habits:
1. Antukin.. kahit kumpleto na ang tulog, inaantok parin..
2-5.Tamad sa gawaing bahay

Five things you like doing:
1)Staring my husband pag tulog sya. Ang cute nya kc eh!
2)Watching my favorite shows sa tv
3)Talking.. i talk a lot kc e!
4)Eating and eating and eating n eating
5)Sleeping n sleeping n sleeping n more sleeping

Five things you would never wear again:
Ewan ko, kc never ko naman tinry mag suot ng mga hindi ko gusto.... hehe

Five favorite toys:
As of this time, wala nman akong toys eh!!! itutulog ko nalang pag ganun.. heheh!!


Ang haba pala nito no! inantok ako bwhehehh!!!

Friday, June 9, 2006

Nang Maging Ganap na syang Tutubi



Pag nagbabasa ng pocketbook dati, sinisilip ko muna ang wakas kung happy ending bago ko bilhin sa bookstore. Sa isang istorya ng buhay, ang gusto ko talaga kelangan magtapos ito ng maganda. Kung maaari nga me halo pang komedya para nman mana-manaka akoy napapatawa. Inis ako pag hindi ko nagustuhan ang naging ending.

Hanggang sa ngayon, hindi nagbago ang mga paniniwala ko o pwede nating sabihin "mga pinaniniwalaan ko na totoo" ... Na sa buhay ng isang prinsesa laging me prinsipe, na sa bawat cinderella laging merong step mother at sister na masungit, na sa bawat pangarap e may katuparan. Pero ang hirap pala no? Sabi nila ang buhay parang pelikula, hangad ko sa buhay ko sana maganda ang maging ending, sino bang ayaw dba?

Dati'y takot na takot silipin man lang ang maaaring mangyari sa kinabukasan. Ni ayokong mahiwalay sa mga magulang ko, hate ko na tawaging independent na ako. Para akong bata kung tutuusin. Minsan kelangan kopang kunin opinyon ng ibang tao, bago ako makapag desisyon... Pilay ako kung tutuusin... walang sariling desisyon sa buhay.. hindi mabubuhay ng mag-isa ika nga nila. Ayoko kasing magkamali, ayokong sa huli sa akin ibunton ang sisi.

Pinangako ko sa sarili ko dati na kelangan maging successful ako. Na sa edad na ganito me bahay na ako, independent at nakakatulong nasa pamilya. Na sa edad na ganito palang ako pwedeng mag asawa, dahil alam ko sa time na yun financially stable na ako... Kung ilang anak lang ang gusto... at kung anong hitsura ng magiging asawa ko. Ginuhit ko ang kapalaran ko. Isinulat at nilagyan ng tanda. Me deadline sa bawat pahina. Na kailangan perfect ang ending..

At sa hindi malaman na dahilan, mukhang wala pa ako kahit sa pangalawang pahina nito... Bkit kaya? Alam ko nman tlga kung bakit eh!! Masyadong perfect ang iginuhit ko. At nakalimutan kong itala dito kung magiging masaya ngaba ako?

Kung isa lang ang napili kong maging anak, magiging masaya nman kaya sya kung wala syang makakalarong kapatid? Magkakasundo nman kaya kami Ni Brad Pitt kung sakaling kami nga ang nagkatuluyan? hindi kaya ako maubusan ng Ingles? Mga katanungang nagbigay daan upang akoy maliwanagan.

Nang dumating si Piolo sa buhay ko, binigyan nya ng kulay ang colorless kong mundo. Hindi man natupad ang mga pinag susulat ko, sure nman ako na sa pag daan ng mga taon, at pag dating ng mga problema sya ang makakasama ko. At sabay naming haharapin ang bukas na naghihintay...

At ngayon handa na nga ang Tutubi sa kung ano man ang ibibigay sa akin ng bukas!


Wednesday, June 7, 2006

Kumusta nman kaya sila?

Naku parang bumalik ang alala ko sa mga peborit na palabas ko nung bata pa ako... Mukhang bigla akong tumanda ah! Kelangan magpabata muna ako ulit... heheheh!!! Alala nyo paba ung palabas na Batibot?

Sit-siritsit, Alibangbang!! Sila ang dalawang magkapatid na puppet. Napakakulit... Tanong konga sa Kuya ko dati bakit wala silang tenga, yun pala mga kamay lang sila na minedyasan.. heheh!! Si Pong Pagong, dba ang ganda ng color nung bukol nya sa likod? hehe! Si Kikong Matsing natatandaan ko, madaldal sya ngunit matalino... Bigla ko tuloy na miss ni Ning-ning at Ging-ging... ang magkapatid na diko mawari kung me paa o wala, pero ang hahaba nman ng mga pisi ng kanilang kamay...

Pag tamad akong magbasa noon ng libro, ginagawa kong inspirasyon si Kapitan Basa,,, feeling ko kasi ang cute nya e!! heheh! 5 or years old
lang ako nun kaya medyo ala pa akong taste hehe!! Si Kuya Bodgie nman napakatalino, parang si Einstein na kayang sagutin ang lahat ng tanong ng mga kabataan... Napasabay din nila akong kumandirit... kung ano man yon diko kayang i explain heheh...

E bakit ba napunta ako sa Batibot? ganito kasi yan.. Nung magsimula ako sa blogging world, nangungulit lang ako... aaminin ko na ala nman talagang kwenta mga post ko kasi parang bata nga ako.., kulitan sa comment box at sa tag board hanggang nagkahawaan na.. Minsan, sabi ni Ka Uro, cgurado daw ba akong bata pa ako? samantalang pang mature na daw ung mga comment na bigay ko.. napaisip tuloy ako... hmmm.. baka nga matanda na tlga ako... ay yokong tumanda... batang matured nalang... o baka namatanda?

Lately, napansin korin na nabawasan ang kakulitan ko... siguro personal ang dahilan.. pero walang ibang tao o bloggers na involved... Minsan kasi pag me nabasa ako na post o comment na tumusok sa munti kong damdamin,,, nasasaktan ako... kanino? minsan sa sarili ko o para sa ibang tao... tutal hindi nman bawal mag share ng opinyon hindi ba? Ayoko lang kasing may nasasaktan o me naaagrabyado sa aking mga kaibigan, sa kababaihan, o sa kahit sino paman...

Meron kasi tayong kaniya kaniyang prinsipyo sa buhay... Respetuhan lang hindi ba? Respetuhin mo opinyon ko, rerespetuhin ko din ang iyo... napakadali lang nman nun... Ipaglalaban ko ang alam kong tama, pero hindi ako mang-aaway.. yan ang first rule ko sa blog ko nung nilikha ko ito, este nung nanghiram ako ng account sa bloggers. Mabait nman kasi akong tao eh! tutubi pala ako!

Aaminin ko nman talaga pag nagkamali ako at kung me nasaktan ako, tanong nyo man ke Mang Kulas, dba kulas? At kung malungkot ka nman at restless sasamahan kita Mam Tekla, kung you have a bad monday nman Mmy Lei, marami kami ditong hihintayin ang pagiging okay mo... Kung busy ngayon si Mang KD at MMy Ann, wag na kayong mang istorbo mga blogkada, baka nagawa na sila ng bagong bunso... hehe!! este sa cattering pala... Hanga na ako ke MistyJoy, tamo nagpakatotoo na sya, pero syempre me halo paring paro-paro.. Busy pa siguro ang atin teacher na payaso dahil pasukan na!

Wag nang masyadong mamroblema Coach Master, anjan naman si Amang Kneeko me anting-anting sya remember? Balik skul na ang ating mga tinedyer na si Ruthing, Phoebe at Peter Pan, uy study hard kayo ha!! make us proud.. Naks nman para akong nanay nito ah!!!

Aba, akala mo Ate Ghee
nakalimutan na kita, malaki ang natutunan ko sayo.. ang mag tyaga... ang tyaga mo tlga sa blog ko at paghihintay sa mga kwento ko.. hehe!! Pansin korin si Ate Melai na parang nagiging Jewel na.. ung singer na writer.. gandang natural.. hehe! galing ng mga post.. kakabilib... at higit sa lahat pano ko kakalimutan si Ka Uro, na nagbigay ng magandang paliwanag sa akin sa mga klase ng kaututan... naalala ko tuloy si Piolo ng buhay ko..

Me kanya-kanya tayong patakaran, alituntunin, regulasyon o kung ano-ano pa sa mga bahay natin... pero proud ako dahil sa mga blogkada ko nananatili ang respeto... Naku Aylabyu mga Idol... o next time ko nman ibibida ung iba...


Monday, June 5, 2006

Gusto kong mag bakasyon ulit...


Waaaaaa... ano ang gamot sa katamaran? o baka nman ganito lang tlga parang after shock pa sa nagdaang bakasyon ko.
Kakalungkot talaga huhuhu! super miss ko bigla asawa ko... parang ganito rin ako last January after ko syang iwan sa pinas.. Umiiyak gabi-gabi na parang walang katapusan... madaming tanong pero parang walang kasagutan... akala ko nasanay na ako... pero naghihirap parin kalooban ko. Ang sakit sakit parin sa puso. Sana sa bawat buntong hiningang nilalabas ko, san matanggal na ang pahirap na nadarama ko...

Handa kong isuko ang lahat lahat. Umuwi sa pinas at makasama sya. napakadaling desisyon kung
iisipin.. kahit ngayon uuwi ako... pero pano na future namin? pano na future ng magiging anak namin? ng family namin? sabi ko dati sa kanya konting tiis lang... pero napakahirap. Ngayon kolang lubos na nadama ang pag-iisa. Ang hanapin sya sa aking tabi. Nagsawa nako sa picture lang at mga video's naming dalawa... waaaaaaaaaaa... baliw na ata ako...

Napeste pa ang trabaho ko... kaya lalo kong gustong mag resign.. kc nman daming mga buwaya dito sa trabaho.. bakit ganon? kapwa pilipino pero sila pa ang hihila sayo pababa? Ina-under estimate nila kakayahan ko... ipapakita ko sa kanila na sisiw lang sakin lahat... kaya ko'to. Kasi sabi ng asawa ko kaya ko'to...fighting spirit syempre ang kailangan ko. napaiyak nga ako kc tagos sa buto at kalamnan ko ng marinig ko mismo sa kanyan ang suportang kailangan ko... kaya ko'to...

Uy next time na ang part 3 ha! kc mahirap ilahad ang kwentong kenkoy pag medyo drama ang situation... heheh!



Thursday, June 1, 2006

This is it - part 2

Mahinhin akong pumasok sa kanyang opis at sya'y hinalikan ko nga sa pisngi... Ibinulong sa aking sarili "THIS IS IT!" This is the final moment. Hinalikan din ako ni Piolo of cors, parang isang pelikula... kinilig lahat ng mga tao sa opisina... konti nlang papalakpak na sila hehe!!!joke!! Naupo ako sa kanyang tabi habang hawak niya ang aking kamay. Kita ko sa kanyang mata ang sabik, parang nung unang pagkikita namin...

Nag-kamustahan at medyo nag kwentuhan.. Malapit na ang hudyat ng pananghalian at sinipat nya ang oras... May ibinulong sya sa akin... ( para nmang nahihiya akong sabihin sa inyo kung anong ang sinabi nya) .. pero dahil hinintay nyo tlga ito.. kaya sasabihin kona ang totoo.. Lumapit ang pisngi ko sa kanyang labi malapit sa punong taenga, upang mapagbigyan ang kanyang gustong sabihin... "mahal, nauutot ako!" Toink!! akala kopa nman Aylabyu na ito.. di nman pala.. nagmistulan akong sinipon sa tindi ng amoy... huh!!! sa sobrang nerbyos daw nya.. kaya nauutot sya!!

Sa mga hindi nakakaalam, bagong kasal kami ni Piolo ng buhay ko nung December 18 lang. at 2 weeks after the wedding lumipad na ulit ang tutubi upang makipag sapalaran at kumayod... kaya ganun nalang ang sabik namin sa isat isa at ipag patuloy ang naunsyaming gyera ika na ni pareng royce. Kumain kami ng tanghalian at syempre hiling ko ang mangoe shake as dessert pero naubusan kaya strawberry shake nalang pareho lang nman yun..

Sa likod ng kanilang Main office ay meron pag isang office na walang gamit... dun kami kumain at naglambingan... dun ko sya niyakap ng mahigpit na mahigpit..
muntik ng mapigtas ang kanyang hininga. Sa init ng yakap ko ipinadama sa kanya kung pano ko sya sobrang miss at vice versa of cors.

Halos hilahin namin ang oras upang sumapit ang itinakdang oras ng pag-uwi sa kanyang tahanan... at doon na kami nag rambulan... Ok nman ang mga susunod na nangyari, ngunit mana-manaka parin ang kanyang pag-utot.. Nag mana ata ang piolo ko ke Macho na ututin... heheh!!!

Waaaaaaa.. super miss ko sya... syempre nilaro nilaro ko na nman ang kanyang kili-kili... yun ang paborito kong part ng kanyang body.. mabango kasi..

Nung gabi ring iyon... naiyak ang aking mahal. tears of joy ika nga nila.. di parin daw sya makapaniwala na andito nako sa kanyang tabi at kapiling ng muli.. kinurot ko sya sa tagiliran at sya ay napa -aww... sabi ko hayan totoo nayan andito nako... at ang mga susunod na nangyari ay pang rated pg na at diko nlang isasalaysay... dahil meron tayong mga underage audience...hehehe!!! pero di nman cguro umabot sa intensity 2 mga kaibigan hehe!!

O bukas ulit!!! naantok nako e!!


This is it.. part 1

Parang kelan lang, excited ang lahat sa parating kong bakasyon... Maraming nakidasal na sana ma approved kahit ilang araw lang... ng masulyapan man lang ang mahal ni tutubi na si Piolo at maipagpatuloy ang naudlot na gyera.... Buti nlang malakas tayo ke Lord at napagbigyan ang ating munting hiling.

Huwebes, byernes halos hindi na ako makatulog... Sabado.. heto na! Nasa airplane nako.. parang feeling ko masakit ang tyan ko.. diko alam kung naiihi ako o natatae, o nauutot lang... ganito ung feeling ko nung mag entrance exam ako nung college.. ninenerbyos na ewan...


After a while sa plane, sa sobrang kapuyatan... nakatulog ang tutubing nakaanyong tao. pero syempre hinintay ko muna ung breakfast meal para hindi ako dehado sa pamasahe.. hehe!! halos buong byahe akong nakatulog...medyo maluwag pwesto dahil konti lang mga pasahero ng jeep.. este ng plane... Nagising nlang ako ng medyo lumakas ang airpocket... tapos un malapit na pala kaming lumapag.. dinako nag punas ng laway ko.. pakialam ba nila.. hehe!!

Lumipat ako from International airport to Domestic... straight flight to cebu..isang oras nalang andun na ako!! Nauhaw ako, habang waiting in vain pa beauty ko.. bili muna ako ng water... naknangputsa... 60 pesos ang presyo ng isang maliit na botelya... napa wohooo.. ako.. pero nauuhaw nga kaya ayun pinatulan ko narin...

Ang isang oras na byahe e lubhang napakatagal sa aking pakiwari... ayoko ng matulog lalo lang akong maiinip... nakipag chikahan to the max nalang ako sa aking katabing Manang.. 30+ palang siguro edad nya.. meron syang 6 kids na puro girls... nung marinig ito nung isa pa naming katabi.. nakichika narin si Lolo.. sya daw ay bunga ng pagsasayaw ng magulang nya sa Obando... nag enjoy nman ako kayalang minsan bini bisaya ako.. hehe! pero ok lang.. parang nag flash ang oras... pssssssssshhhhhh... palapag na ang airplane... excited na ako...

Ang bait tlga ni Lord, hinatid pa ako nung katabi ko sa destinasyon ng aking si Piolo, may sundo kc sya.. kaya hindi ako nadenggoy sa Taxi... Ang galing no? Mabait daw kc ako at ayun, dahil nga anim kanyang mga Babies, binigyan ko ng choklets kc ayaw tanggapin ang aking binibigay na pera... ayos eno!

Pagdating ko sa SM City, check-check muna baggage sa entrance at deretcho ang punta ko sa office ni Piolo. Kahit hinihingal pa ako papuntang 3rd floor kinaya ko parin... Huminto muna ako panandali sa harapan ng opis. Minasdan ang kanyang maamong mukha. Ni hindi ko alam kung anong hitsura ko nung sandaling yon, di man lang ako nag suklay, nag powder, lipstick o cologne kaya... basta ang importante makita ko na sya.

Ilang segundo rin akong nakatayo habang sya'y pinagmamasdan. Nang sumulpot sa harapan ko ang isang lady in Red... sabay sabing "Bossing andito na ang Mahal mo" (in visayan terms)., napatingin lahat ng kanyang kasamahan at huling huli ko sa kanyang mga mata ang kasabikan... sabay tayo at takbo.. Ako nman, syempre hindi nagpakita ng pagkagarapal... mahinhin na pumasok sa opis at kiniss sa pisngi... isa lang ang nasabi ko "THIS IS IT!"..... to be continued...

O mahaba nato, bukas ulit ha? o baka kung sipagin mamya na nman... sumingit lang sa training ko...