Tuesday, May 30, 2006

Anong Pamagat??

Andito na nga ako... balik sa dating gawi.. tapos na ang mga maliligayang araw na pinahiram sakin ni Lord... heheh!! pero ayos lang dba? at least may time na nman ulit para pag planuhan ang next vacation..

Ngarag pa nga ang utak at katawan ko, pupukat pukat pa ang mata ko sa harapan ng computer. Tamad kumain, maligo at gumala... kaya higa-higa lang muna.. bukas kasi back to work. NA NAMAN.. hehhe

Happy nman ako at hindi nawalan ng tao ang bahay ko.... mahal ko talaga kayo... sensya nlang dun sa mga naapektuhan ng mahinang lindol.. i try my best na para di lumakas ang intensity.. hehe!! Parang ang dami kong assignment nito ha! pag naka luwag luwag ako, hahabol ako sa summer class..

Dipa ako makalipad ngayon, pero sa pag buka ng liwayway tomorrow... siguro... ready na ulit pakpak ko!! hehe! tulog lang ulit ako ha?! ay miss u all!! muahhh

Friday, May 26, 2006

Kapatiran at Panucha


Biglang nangati ang mga kamay ko at sumipag na ipalatok ito, at syempre sumipag din nman ang utak ko at tuloy tuloy ang pag ta-type ko. Inspired lang siguro ako... kaya heto na ang new entry ko..

Madaming mga kabataan ngayon ang nasasabak sa mga fraternities hindi ba? Syempre alam nman natin ang dahilan, dahil daw sa kapatiran.. minsan e may nabubuwis pa na buhay para lang masama dito sa kapatiran nayan.. na hindi ko mawari bakit meron pag mga hazing-hazing na ganyan.

Marami ng tao dito sa mundo.. madami tayong mga nakikilalang mga tao. Pero hindi lahat masasabi mong kaibigan mo dba? Parang after nyong mag meet, ganun nlang... Nung pumasok ako dito sa blogging world, marami akong hindi inaasahan, gusto kolang nman kasing isulat ang mga nasa isip ko at saloobin.. pero nang maglaon ang dami ko ng nakilala... tao man o hindi... o minsan likhang isip ngalang..

Isang pasasalamat ko, ay makilala ang mga taong nisa panaginip e hindi ko inaasahan. Khit dito sa cyber world lang ang sarap lang ng pakiramdam, diman kayo nagkikita ng mata sa mata, pero alam mo at alam ko na mag kaibigan na tayo.. hindi ba?

Diko na kailangang sumali pa sa fraternity para lang magkaroon ng mga tunay na kaibigan... Ah basta ang hirap i explain... ang saya ko... parang nakalutang parin ako ngayon dahil sa mga bukayo at panucha at with matching harana ni Jed Madela...

Hindi ko inaasahan na padadalhan mo ako ng mga special delicasies ninyo Mam, pero tlgang naiyak ako.. pramis!!! O sige, meron akong isang kasalanan.. naging selfish ako dun sa bukayo.. un kc ang tawag namin dun..Ung shredded coconut na lasang langka... diko shineran (share) ang asawa ko.. hehe! baka kc ubusin nya eh! takaw kc un.. ung Panucha nman, ewan kung un nga tawag dun, ung may mga peanuts.. diko pa kinain kc un ang ipapasalubong ko sa aking Mama...

Hoy Ama, kung meron kang Boy at goldi meron din ako heheh!! mas masarap!! yahoo!! thanks agen Mam Tekla... Our friendship will always remain in my heart...

NOTE: Maraming salamat mga kaibigan ko hindi nagsasawang pumunta dito sa aking bahay. aylab yu all... Gusto koman kayong bigyan ng bukayo... ala na eh! hehehhe!! nagpaparinig daw heheh!!

Monday, May 22, 2006

A Special Love Song


Ngayong andito nako sa tabi ng aking pinakamamahal, hindi ko alam kung mag-e-email ako sa boss ko ng resignation letter.. Gustong-gusto ko na talagang makasama ng matagal ang aking mahal. Pero, isang hirit lang nya, parang kinukurot ang puso ko. Madami pa kaming pangarap, matulungan ang mga pamilya… pero pano namin yun sisimulan kung ngayon palang, sumusuko na ako hindi ba? Konting panahon lang nman ang hihintayin… hay sya lang nakakapag-bigay ng lakas ng loob sakin…

Buhay senyora kasi ako sa tabi nya, pero hala ka pag diko pa sya binatukan magiging dabyana ako sa dami ng pinapakain sa akin.. buti nlang dami pa akong mga fuds na dipa pwedeng kainin, kung hindi lintik lang ang walang latay… ang sarap tlga ng lechon dito sa cebu, kakainis. Heheh!! Takawin ba kayo?

Super ang saya ko ngayon, hindi maikukumpara sa kahit na ano paman… pero alam ko, malapit na ng matapos ito,…pero panandalihan lang nman… Iniisip ko nalang na.. buti nga binigyan ako ng chance… ang sarap kayang mabuhay basta alam mong tunay ang pagmamahal na binibigay sayo..

Hoy hindi nman lumindol dito, kasi dinahan-dahan ko.. bwheheh!! Este sya pala.. Te Ghee wag mo ng itanong kung naka ilang rounds, dahil ayoko nmang bilangin, baka masama pa ako sa guiness book of record.. sumikat na nman ako.. heheh!!!
Ang sarap andito ako ngayon sa SM, pinatawag sya sa trabaho ng saglit… buti nlang naka-online tuloy ako… at ang sarap nyang ipag shopping… walang ayaw… hehe!! Bugbugin ko yun pag tumanggi.. heheh!!

Wag kayong mag-alala, nagpapakabait ako dito. At sana manatili akong mabait, pag-pray nyo ha? Wawa nman kc si Piolo, masakit na daw ang tuhod.. kc naubusan ng balot… hehehe!!!

Note: Oo, alam ko malayo na nman ang title sa post ko! Hehe!! Pag tyagaan nyona, nasobrahan kc ng juice ang katawan ko!!

Friday, May 19, 2006

Tara Byahe Tayo

Ang saya-saya ko tlga ngayong bwan na ito.., hindi lang dahil sa magbabakasyon ako.. syempre dahil sa inyo mga katoto... for sure mami-miss ko kayo. Ilang araw lang nman yun dba? atchaka dadalasan ko ang pagtakas para madalaw ko kayo agad-agad.. hehe!

Medyo naka mura ako ng airfare, kc complete package at mga straight flight ang pinili ko para dere-deretcho ang gyera.. at syempre me free hotel.. Kayalang breakfast lang daw ung free, pero ok narin at least diko na kailangan pang pag-siksikan ang bilbil ko sa maliit na higaan ng asawa ko.. At me free aircon.. wohoooo... hindi nman sa ayaw kong mag-pawis.. syempre diba para mas relax? heheh!

Diko pa nasabi sa asawa ko, para me surpise dba? hehe!! Ok lang nman kung batukan nya ako, basta after nun e meron akong kiss... Medyo mag bi-behave muna ako dun... lam kc nun mala dalagang pilipina ako.. pero 100% sure ako na kilala nya ako sa dilim...

Ala nman tlga akong alam na ipost... excited lang tlga ako.. Na gudluck na ninyo akong lahat... at syempre gudluck ke Piolo.. reregaluhan ko ng maraming redbull...

Thursday, May 18, 2006

~ Ang Totoo ~

Editor's Note: Bago sana ako lumipad tungo sa aking mahal, gusto kong mag iwan ng isang entry na sana ay kapulutan ng aral.

Kung mapapansin ay pili lang ang mga bloggers na nalilink ko.. hindi nman dahil sa bastos ako... bago ko nilalagay ang mga link, gusto kolang din siguraduhin na tao nga ang mga nakakasalamuha ko. Hindi nman ako namimili kung anong klaseng tao kapa. Gusto kolang tlga ung totoo. Sana nga totoong tao lahat ng nasa link ko.. inalis ko na ung isa na kelan kolang nalaman na di pala sya totoo. super hurt kc ako...

Binabasa ko ung mga entry nyo at sinasapuso ko ito. Kasi nga kwentong tao. Taong may puso. Yung kwentong hindi gawa-gawa lang. Kaya nga kita sa mga blog natin kung galit tayo o hindi dba? Natutuwa ako sa mga blogkada na gustong-gusto at super willing i-share ang kanilang mga buhay.

Nakakatuwa kasi ung ibang experience nila. Marami akong natututunan. Mga bagay-bagay na simple lang kung tutuusin, pero dahil me puso at totoo ang sumulat... diretcho sa kalamnan...

Nawiwilli ako sa kakabasa ng mga blog na kinapupulutan ng aral, ung hindi nag-mamarunong at pantay pantay ang tingin sa lahat. Nakakapag pasaya kasi kayo ng tao. Napapangiti, napapabungisngis, napapa-away, napapaluha at naglalaway pa minsan.

Ang sarap lang sa pakiramdam na araw araw me bati kang natatanggap galing sa mga tunay na kaibigan mo. khit dito lang sa cyber space lang hindi ba?

Ok lang gumamit ng ibang pen name, kung ayaw ibigay ang tunay na pangalan. Alang problema. Sana lang totoong tao lahat ng nakakasalamuha ko dito... tutubi man ang pangalan ko... tunay na tao parin ako... may isip at puso.



Wednesday, May 17, 2006

Sumagot Ka!!!

Question of the Day: Salamin, salamin sabihin sa akin.. sino ang pinaka-magandang tutubi sa condominium na madilim na me halong kolor green?

E bahay koto... pagbigyan nyo na ako... kung hindi isusumbong ko kayo ke Lolo Kulas ko!!! love ako nun eh!!

Wala na sa tamang wisyo ang utak ko, ilang araw narin akong nag-iisip ng ipo-post ko, wala talaga akong mapiga kahit na konti. Kahit ilang araw lang akong mawawala, mamimiss ko for sure ang bahay ko.. at ang mga kapitbahay ko... ang mga naging tunay na kaibigan ko.. lam nyo na kung sino kayo.. at ung mga magiging kaibigan palang.. mamimiss korin kayo...

Sa sabado na ang lipad ko.. pero mag ba blog pa ako hanggang friday night.. syempre lulubusin ko dba? sayang nman ung bayad ko, lugi ako ng ilang araw. Pag dating ko dun, gaya ni Jlois, pasilip-silip nalang din ang gagawin ko sa mga bahay ninyo. Minsan gagawa ng entry, pero diko cguro aaraw-arawin gaya ng dati.

Sa sabado nasa Cebu na ako, sorpresa para sa mahal kong asawa.. ang alam kasi nya tuesday pa ang tungo ko dun... deretcho nalang ako dun para di masyadong tag-tag sa byahe. Dina muna ako uuwi ng pampanga. Mas miss ko kc ang jowa ko eh! heheh!! at dahil wala akong pasalubong sa mga taga pampanga kaya ganun!

Sa mga taga-cebu na gusto makita si tutubi, message lang kayo. Pasensya na kina Pareng Royce at Basey diko mapag bibigyan ang hiling ninyong masulyapan manlang ang beauty ko, meron pa nmang next time hindi ba? Mas priority ngayon ang aking family.. hehe! drama!

Naglalaway ako sa lasa ng danggit at ng dried pusit..sarap din ung dried mangoes dun at syempre miss ko lalo ung kiss ng asawa ko... hehe!! excited ang lola nyo!!!

PAHABOL: Sagutin nyo ang tanong ko dun sa Unang Paragraph ng entry ko ha! heheh!! babarilin ko ang hindi sumagot...



Monday, May 15, 2006

Artista Kaba?

Masaya kaba? Pano mo nasasalarawan ang sarili mo pag-masaya ka? dika nman siguro tutuganga lang diba? Dika rin nman mag mumukmok o iiyak baka sa ibang institusyon kana dalhin ng mga kapamilya mo pag nag-kaganon. Ako pag masaya ako, lahat ng tao nginingitian ko. Smiling face nman kasi tlga ako, bungisngis pa... hinding-hindi ko maipag- kakaila pag masaya ako... para akong butchiking hindi mapakali... kaya minsan pag me Aylabyu sa mga koment ko, masaya lang tlga ako!!! alang halong malisya...

Pano nman kung malungkot ka? medyo imposibleng humalakhak ka diba? malamang kung artista ka, baka pwede pa. Minsan kahit anong pagtago mo sa kalungkutan mo, mababakas parin sa mga titig mo. Parang ako... masyadong transparent ang pagmumukha ko.. uyyyy hindi nman sa litaw na ung mga ugat-ugat ko o tadyang ng mukha ko... di kasi ako marunong magtago ng nararamdaman ko... pag malungkot tlga ako o may problema.. kitang kita mula sa pilantik ng daliri ko hanggang sa pilantik ng pilik mata ko.. tamad mag twizzers... hehe!!

What if galit ka nman? Nasisigawan moba mga officemate mo ng dimo nman sinasadya? or naibubunton mo sa mga kachat mo ang galit mo sa mundo? ako simple lang akong magalit. Kung galit ako sa isang tao, o bagay.. sa kanya lang.. diko ipapasa sa iba... o minsan, kita nyo nman dinadaan ko nalang sa blog.... Wala akong lakas ng loob manigaw ng tao... bait ako eh!!! madalang pa kasi sa patak ng ulan ang ugali kong ganon.

Yun lang cguro ang maipagmamali ko sa sarili ko, never akong naging plastic na tao. Pag-galit ako sayo, sasabihin ko. Pag masaya nman ako damay lahat ng tao, pati na mga abusado at mga chismoso... hehe!! Lunes pa nman ang panget ata ng post ko!!!

Editors Note: Salamat kahit hindi na approved ang two weeks na leave ko, pinayagan nman nila ako dun sa pinlano kong 11 days. pwede na yun kesa sa wala... muntik na ngarin akong mag resign kanina. Pero naliwanagan ako nung ipaliwanag ang desisyon nila... madami daw kaming darating na delegates sa first week of June, kaya kailangan nila ang beauty ko... aruyyy... nangiti nman ako.... Napag-tanto korin na kailangan ko ang job nato, dahil malapit ko ng kunin ang asawa ko... kelangan nya ang affidavit of support...

Pansin nyo bago na bahay ko?!! yehey!!! half day kong kinalakuti yan... kulang pa mga links ko.. if ever di nyo makita links nyo, drop kayo ng message, i'll be rushing to link you!!!




Saturday, May 13, 2006

Ang araw na puno ng sorpresa!!


Napuyat ako kagabi, inumaga ako sa kaka-internet... hindi sa kaka-chat.. suko na ang beauty ko jan! halos 5am na ng umidlip ako... kasarapan ng tulog ko... Tok-tok-tok... dika ba papasok? aba 7:30 na, ma le-late kana... boses ng Mama ko.

Nabigla ako... muntik pakong magka stiff-neck sa biglang pagtayo ko... alas otcho pasok ko.. hmm late na nman ako... toothbrush, hilamos.. bilis takbo.. after 5 minutes ready to go nako... wait...ang relo ko.. kinuha ko muna sa may kwarto... time check... 6:40am... waaaaaaaaaa.. naduling na nman ang Mama ko... hmmppp... biglang nanlambot ang katawan ko..

Umupo muna sa may sofa at kumain ng suman... nag timpla ng kape... kape bayun.. ovaltine pala... naligo ako ulit at pinalitan ang damit. Sinuot ko nalang kc basta-basta ung damit ko kanina kahit dipa napaplantsa... ganyan ka tamad si tutubi, everyday namamlantsa ng isusuot nya.. Medyo may time pa, kaya watch muna ako ng tv... me bagyo pala sa pinas... hay naku...

Nagising na ulit Mama ko. Oh aga mo nman nagising? sabi nya sakin... Tinanong mopa, kaw jan nanggising sakin... sabi mo 7:30 na e 6:30 lang pala. Bakit nman kita gigisingin? e weekend ngayon ala ka nman pasok dba? Shock na nman ako!!! Onga pala sabado ngayon.. kaya nga ok lang na nagpuyat ako kagabi kc wala akong pasok today...

Mukhang sa sobrang kasabikan kong makapasok ulit sa trabaho, dahil maliban sa gusto kong maka-access sa mabilis na internet connection sa office... gusto konang malaman ang result ng naka-hold kong leave.

Super malabo ang nangyari sa kin kanina.... ewan ko kung saan don ang totoo... at kung sino ba tlga ang nanggising sakin.

REALITY CHECK:

  • Naubos ko ang mga suman, na kinagalit ng Mama ko, malay kobang di akin lahat un... heheh
  • Na wala akong pasok ngayon kasi nga weekend
  • Never ang Mama ko ang taga wake-up ko... dahil si erpat ang taga gising ko...
  • Alang chance bumilis connection ko kc nga dial up lang
  • Di rin ako nag laundry kc tinamad bumili ng sabon... me bukas pa nman... bukas nalang!!!
  • Yoko ng mag-puyat tonight baka mangyari ulit ung kanina....
last question: Nangyari naba sa inyo ung ganon?

Reminders: Happy Mothers day ulit sa lahat ng mga mommy. And ung mga blogkada na nasa pinas, ingat kayo. delikado ung bagyo.. just stay home para mas safe kayo...





Sabik sa Ugoy ng Duyan ni Inay

Isang bayani ang maging isang INA... kaw ba nman ang magdala ng parang bola sa tyan mo ng syam na bwan kaya mo un? pero para sa isang Ina, kakayanin nya yan at kahit na ilang beses pa.. Ako nga ilang araw lang ang toothache ko parang gusto ko ng mamatay at pag me red-flag nman at nagka-crumps gusto kong isumpa na sana lalake nalang ako....

Kaya kapag pinag-uusapan na ang hirap na dadaanin mo bago ka maging isang tunay na INA, parang suko na ang beauty ko... siyam na bwan sa sinapupunan at dipa yun pagka panganak lagi pa syang ready sa puyatan... Diko alam kung kakayanin ko ang hirap. Di parin ako sure kung ready nakong maging isang ina gaya ng iba... natatakot kasi ako baka mali ang maituro ko sa kanila...

Ngayong mothers day, gusto kong pasalamatan ang Mama ko at hindi sya sumuko ng ipinanganak nya ako... pano nman super healthy ako 10.9 lbs nung iluwal noong saktong birthday pani ferdinand marcos. kaya sabi nila matalino daw ako... toink... layo no? Super sakit ata ang naranasan sa pag -papaanak sakin kaya after nun nagpasara na sya... heheh ayaw ng maulit ang sakit...

Madaming dinanas na hirap ang Mama ko,,, lagi man nasa abroad si erpat pero lagi paring di sapat ang mga padala nya, kaya Mama ko kelangan ding kumayod... Magaling kahit saan Mama ko... Manahi, mang-kulot, mag-make-up at mang ayos, mag manicure-pedicure at kung ano ano pang trabaho.. Masipag si Mama, ewan kolang bat diko namana ito sa kanya...

Ngayon nalang ako halos bumabawi sa kanya.. ako ang taga laba at taga plantsa ng damit nya... taga linis ng kalat nya... ok lang, iniisip ko kulang pang kabayaran ito sa hirap na dinanas na... pero hindi naman daw counted yun, kc pagmamahal nman yun...

Nung hwebes tanong nya sakin, ano daw ang ibibigay kong gift sa kanya sa sunday, kc nga mothers day... sabi ko pwede bang kiss nalang? sabi nya ayaw nya... kasi materialistic daw sya.. at aminin daw ba? heheh!!! mga accessories lang nman ang weakness ni Mama, bagong sapatos, bagong damit, bags, drop earrings, wallet... at kung ano ano pang pangkalat sa bahay at mahilig din magpa-picture kaya laging low bat ang cam ko sa kanya.

Hay yan ang gustong gusto nya.. para syang bata na dapat terno ang sandals nya sa bag nya or ng mga accesories nya. Ok lang kc advantage nman sakin, dahil nahihiram ko rin naman... wala pa akong naisip na gift sa kanya... cguro treat nalang ng lunch sa labas... kasi cgurado ako at 100% pag balik ko galing bakasyon.. ang laman ng isang maleta ay para lang sa kanya.... nkita ko kc nung isang gabi nag lilista ng ipapabili... heheh




Hayan ang aking mahal na Ina (right) at Mother in Law (left) mahal na mahal ako ng dalawang yan... at LOOK...muntik ng tinalbog ang gown at beauty ko nung kasal... heheh



Happy mother's day to all the mother's out there.. especially to Mommy Ann, Ate Ghee, Mam Rhems at Ate Melai... Aylabyu!!




Sana next mothers day mommy narin ako.. hehehhe







Friday, May 12, 2006

Tama ang bilang mo kahit kulang ang bayad ko!!



Waaaaaaaaa... mag-lalasing talaga ako.. totoo... mag-lalasing ako.. tutal naka-anyong tao ako ngayon, pede akong mag lasing..
pero dahil nasa work ako, sa kape lang muna ako mag-lalasing. Pag dating sa bahay dun ko nalang uubusin mga collection ko ng Chevas Regal na ayaw kong ipainom ke erpat, dahil panreregalo ko ito.. pero emergency ito.. kaya akin nalang muna, next time na mga ibang lasenggero...

Okay na eh! Nakaplano na, naka bagahe na gamit ko. waaaaaaaaa... ano ba'to! kala ko tlga makakalusot na ako... Bago lang ako sa work ko, one year lang ako nung december pero last year dami kong nakuhang vacation pero without pay ngalang, kc nga ikakasal ako kaya mega approved mga leave ko.

Pero this time, nilagay ko two weeks, approved sa Bisor ko.. pero anak ng teteng.. sa Vice president nmin, di nakalusot... pano daw mangyayaring mag-li-leave ako ng two weeks e one week palang ang na-earned kong leave kc nga one year palang ako sa work.. huhuh! seplang ang boss ko, at ako nman ang sineplang after...

Nag-isip ako.. ano ng gagawin ko? pano na asawa ko? excited pa yun sakin..kaya ko'to.. Isip-isip... imposibleng karma to kc bait nman ako... Plano.. plano.. plano... Isip-isip.,... uy ganda pala nung soap opera na Sa Piling mo ni Piolo at Juday no? Idol ko yan, kaya pinanood ko talaga...

After kong mapanood ang mala-anghel na pagmumukha ni Piolo, na konting konti nalang ang diperensya magiging kamukha na nya asawa ko sa paningin ko.... at konting haba pa ng buhok ko si Juday nman ang makakamukha ko... biglang.. BLING!!! me idea na ako..... waaaaaaaaaaa... biglang nag liwanag ang paligid ko...

Mega hagilap ako ng kalendaryo, jaske kung kelan mo kailangan dun nman wala kang makita....inopen ko nalang computer ko, buti pa dito me kalendaryo..
Uy Holiday sa May 29, .. tsk..tsk... kala nila ha!! matalino si tutubi... ang plano ko? Panalo!!

Me na earned nakong one week paid vacation... aabsent ako ng isang araw, me holiday ng isang araw... me apat araw na weekend... total of 11 days! BANG!! Pwede na! dinako uuwi ng pampanga, straight nako sa Cebu... Gyera na itooooooooooooooooo...............

Iuuwi ko nalang chevas regal ko,,, sayang naman ... tsk...tsk...tsk... lalasingin ko asawa ko...

Pero ngayon... hantay kopa final result baka nman, maawa sila sakin at payagan na ang two weeks ko..... sayang din yun, khit alang bayad payag ako... heheh




Thursday, May 11, 2006

Rainbow



Hay its been a year mula nung pinatanggal namin tfc dito sa bahay, kasi wala naman nanonood. sayang lang ang bayad. tsk. tsk.
Chaka, yoko ng mga drama drama at telenovela na parang aabutin ng walang hanggan. pabalik-balik, kung di mamamatay ang kontrabida, babait sya sa huli. tapos pag malapit ng magkita ang mga bida, mag kaka-amnesia.. no bayan! buti pa ung Marimar ang ganda no? bwhehe! sabay ganun!!!

Tinanong ko Nanay ko, bkit naisipan nyang mag tfc subscriber ulit, samantalang umuuwi lang sya pag matutulog na at walang time manood ng tv. Kasi daw me bagong teleserye si sarah geronimo... bituing walang ningning.. hmmpp... ganon.. dahil lang don?.. sabi nya para daw mapanood ko.. haw sweet ni Nanay ako pala ang nasa isip.. heheh!! pero un pag nanood, tatago na nya remote kaya diko rin mapanood ang gusto ko samantalang sa pinag tatrabauhan nya, e maghapon naman syang nanonood ng ganon.

Sabi ko ala akong time manood ng mga fakesyun (fiction) o non-fakesyun (non fiction) na istorya... hehe hiram muna ng word na fakesyun ha kukote.... lam mo na idol kita e! mag blog nalang ako at mag coment ng mag coment sa mga blog ng me blog...e gusto ko,. alang pakealaman.. kanya kanyang trip yan sa buhay...

Naubos nga pala ang paninda kong Puto at Dinuguan pero pinag give away ko nalang ung paksiw para maubos narin ... nman kc itong si Clown... sinimulan sa daing at laing.... nagaya tuloy ako!! bwheheh!! pero... walang halong biro at chismisan yun... kaya wag ng dagdagan pa ng kulay ang mala rainbow kong buhay... magagalit si Lord.. sya me likha nun....

kakanta nalang ako... ders a rainbow always after the rain....

sarap ng champorado at tuyo pang naulan no?




Kwentong Marinero




Tuwing fiesta sa aming bayan, super madaming handa. Me lydia's lechon, lenggwa, at marami pa... at syempre ang peborit ng marami ang puto at dinuguan. Sa unang tikim ko parang di naman bagay mga lasa nila, pero nang lumaon e hinanap-hanap kona ang mag-partner nilang lasa. Lahat halos ng mga bisita eto ang hanap nila mapa graduation, bertdey, fiesta o kahit lamay pa.


Sa bawat taon na lumilipas, nadadagdagan ng iba't ibang putahe mga nakahain, pero pansin ko lalo na pag fiesta di nila pansin ang ulam na paksiw. Hindi lechong paksiw, ung paksiw na maasim. Yun, medyo out of place sya pag me handaan... pero lagi nman syang anjan lang...

Si puto ang una naging kaibigan ni paksiw, nagkapalagayan ng loob pero hanggang don lang. Asawa na kasi ni Puto si Dinuguan kaya syempre loyal sya dito. Ngunit nung maglaon, si paksiw mukhang iba na ang pagtingin sa ating si puto... Mukhang nadebelop sya sa mga paglalambing at pag-aasar nito kahit sya e maasim. Hindi ito pansin ni puto kasi masaya nman sya sa piling ni dinuguan kasama ng kanilang mga supling... me baluga at puti... !!

Mula nun, dumami narin ang mga kaibigan ni paksiw, anjan si adobo, menudo at kaldereta. Ngunit pansin nila kakaibang ugali ni Paksiw. Si puto lagi ang bukam-bibig. Dedma mode muna sila, baka naman nagbibiro lang sya. Marahil hindi pansin ni paksiw na meron na syang damdaming nasasaktan, ang tahimik na Dinuguan.

Kahit saang okasyon mula nun, lagi paring present si paksiw.. pero gusto nya hindi na puto at dinuguan ang bida... gusto nya puto at paksiw ang maging bida... Hmmppp... daming nag react, kc nga hindi bagay ang lasa at meron ng asawa si Puto. pero pinipilit parin ni paksiw ang gusto nya. Andyan ng ibida nya ang sarili nya...., pero pansin ko si dinuguan tahimik parin.

Madami ng nagsabi ke paksiw na hanap nalang siya ng ibang partner nya at wag umasa sa meron ng asawa. Pero parang dedma lang sya. Ewan kung manhid. Pero alam nman nyang never magiging mag partner ang puto at paksiw... gets nyo?

Natanong ni Tutubi sa kanyang Ina kung ano ba talaga ang kadalasang pinapartner sa paksiw. Sabi nya ginisang monggo daw.. Hmmmm... sa unang tingin, parang ewww.... pero pag naglaon, pwede!!! naghagilap ulit ako ng maiinterview... oo Monggo daw talaga ang partner ni paksiw... at never na magiging puto...

Na research korin na ang puto at kutchinta e magkapatid, ang puto at lugaw e mag-pinsan, syempre puto at diniguan mag sing-irog yan... at puto at paksiw... tanggapin na natin na hanggang kaibigan lang.

Sa mga mahal kong kaibigan: Kayo ba e pabor sa aking entry na di pwedeng ipagsiksikan ni paksiw ang kanyang sarili ke puto dahil nga me asawa na ito? Sya nga pala, kung natanong nyo.. ako si Adobo. Yan ang ulam namin kagabi kaya ganyan ang entry ko! heheh!


KWELA ang isinumite ni Kukote kaya HIS COMMENT deserve to be in here too..:

  • kapag nagkaanak si puto at dinuguan, anong pangalan? dinuguto? pwede? pwede! tunog naruto.
  • e kung si paksiw at puto? pakto? ang sama! tunog impakto! friends na lang talaga sila. yun lang!
  • pahabol comment, si paksiw at tekla.. pwede nga... pag nagkaanak sila.. pakla! pwede? pwede!! yun lang!
Thanks Kukote!!




Mang Kulas


Para kay Mang Kulas

Ang tutubi ay patawarin kung naging mausisain
Cguro'y sa sobrang liit nitong bubwit
Diko napansin na ikaw, ay akin ng nakukulit

Kung ikaw man ay aking nasaktan
Sa mga tanong kong ayaw mong pagbigyan
H'wag mag-alala sayo ako ay hindi nagalit
At sa susunod ay dina mauulit

Ang tutubi ay humihingi ng dispensa
Sa mga tanong na parang chismosa
Kung iyong mamarapatin,
Paghingi ko ng tawad ay iyong tanggapin




Wednesday, May 10, 2006

PRESENTING THE HONOR ROLL AWARDS



O tapos na ang Premier Night...
Awards Nights nalang.. ehehhe! mag bihis na kayo,.. ung maganda. Ako susuotin kolang ulit ung sinoot kong gown kina Mam tekla, sayang nman dipa sya mabaho.

Ang panget ng huling post ko, wag na kayong mag comment dun. Baka lalo syang maging feeling star. Basta ako ayokong maging star baka buwan pede pa heheh...

Late man daw ako, late parin... ganyan talaga.. gusto kong parangalan ang aking mga honorol list noong nakaraang bwan. Alam kong bagong bukas palang ang aking skul, pero dami na akong estudyanteng nararapat na bigyan ng parangal.

NOTE: Kung nagtataka ka at wala pa jan ang pangalan mo, baka bagong transferee ka ngayong MAY 2006 lang ha. Dahil ang mga sumusunod eh April 2006 list lang yan....

PRESENTING THE HONOR ROLL AWARDS:

i-click mo at wag kang magulo
Oh Next time nman yung iba.... hehehe.
Gusto ko kayong parangalan lahat pero sa susunod nalang ha? hehe!! At Congratulations sa mga nabigyan ng award, ipagpatuloy at magsikap kayo... next time na ang premyo.. lambingin nyo si Mommy Lei ng mabigyan din tayo ng Ferrero...




Pano Mag Promote ng Isang Pelikula???!!


Kung baguhan ka palang sa larangan ng pelikula at di kapa gaanong kilala bilang artista, pano ipo-promote ang iyong bagong pelikula???

Note: Sa pelikulang ito hindi ka extra, ikaw ang main STAR, meaning ikaw ang bida, ikaw ang script writer at ikaw ang Director. So paano ngaba?

Ready Action:
  • Feeling mo reading-ready kana talaga.
  • Pinaganda mona kulay ng kurtina sa sinehan para feeling at home mga manonood mo.
  • Pinalinis mo nang todo at nag spray kapa ng febreze para bumango.
  • Mamimigay karin ng free pop-corn para mas enjoy, pero nagdalawang isip kapa kung free din ang soda kaya naisipan mong wag na.
  • Bumili karin ng bagong aircon para di mainitan mga bisitang pandangal mo.
  • Nag-hire kapa ng mga paparazzi para mapag-usapan ang pelikula mo.

Dumating na ang tinakdang araw ng premier night ng pelikula mo.. Excited kana... Todo porma kapa nga. Nilatag mo na ang hiniram mong Red Carpet ke Tutubi. Andyan narin mga paparazzi, kaya todo ang pose ang beauty mo...

  • Tick-tock... tick-tock... sabi ng relo mo... hmmnn malapit na, baka parating na sila...
  • Nagbigay kana ng signal sa banda upang simulan na ang tugtog nila...
  • Boom-boom-boom-boommm.. ang unang tunog ng drums...
  • Pleng.. leng.. pleng.. leng.. .. sabay sunod ng gitara
  • Nagtataka ka parang sintunado ang tugtog nila...
  • pero binalewala molang kc, handa haba na leeg mo sa labas ng gate...

Ini-imagine mo, parating na sila...medyo kinikilig kapa... Kanino kayang limousine ang unang darating? O baka nman me grand entrance at magbabaging pa galing sa helicopter. Basta ang daming pumapasok sa isip mo na magandang mangyayari...

And your hoping na sana maraming dumating...

  • Sana naman makarating si Brad Pitt sama ng jowa nyang si Angelina Jolie
  • Si JLo nalang sana, sama ung dating asawa ni Dayanara
  • Si Paris Hilton, lam ko darating yun.. mahilig sa red carpet yun
  • Sana maisingit ako ni Tyra Banks sa schedule nya khit busy sa sa American Next Top Model
  • Si Ryan Seacrest din para me Emcee ako
  • Yoko si Symon dumating baka okrayin ang beauty ko
  • Si Paula Abdul yun gusto ko un
  • Si Tom Cruise din sana kung mamarapatin pero kung wala sya, sana si
  • Tom Welling nalang ang dumating....
Hanggang inumaga kana sa kaka imagine, e walang dumating... lugmok ngayon ang beauty mo. E bakit ganun ngaba ang nangyari?

Rewind natin:
Sa sobrang kakaisip mo kung pano mo gagawing garbo ang pelikula at premier night mo, nakalimutan at nakaligtaan mong ipamigay ang imbitasyon mo. At dahil kaw ang bida sa pelikulang ito, ayaw mo ng mag guest sa mga pipitsuging radio o tv station para mag-imbita sa mga ordinaryong tao. Kasi feeling mo star kana. Tinanggihan mo na ang mga palengke at mall tour na inooffer seyo, kc gusto mo sa hotel kalang mamigay ng autograph at mag-papicture..

Moral of the Story: Wag mag-asal sikat kung dika pa naman talaga sikat. Wag mag expect na makakakuha ka ng award kung dimo nman talaga binigay ang best na talent mo. Wag karing angas at magpaka feeling kaw may-ari ng mundo. Ang swanget mo.

Oral of Tutubi: Haba ng post ko no? Para ito dun sa mga loorker, blogger or komenter na masyadong asal star. Wag mong ipagpilitan na kelangan blog molang ang basahin ko araw araw at minu-minuto kasi imposible yun, e pano nalang ang mga blogkada ko? Pwede kitang pasyalan, basahin ang iyong entry at magtambay kung intresting ang story. Pero nman, wag mong sirain ang mood ng tutubi.......

Kung si Ella merong Anonymous Fans, si tutubi merong Starmous fans... nakikibasa nalang, e feeling star pa... bwahahha.. baka ingget sya ke Torina. Yoko ng mag artista kahit mataas pa ang offer na talent fee... Si Tutubi na ulit ako. Ang makulit at love ng marami...





Tuesday, May 9, 2006

Nag-babagang News Ngayon


Ako po ay si Torina Kanchez ang inyong news reporter for today. Gusto ko pong ipabatid at ilathala sa lahat ng blogkada kung ano na ang latest news world-wide ngayon.

At sa ULO ng mga Balita.
Ang Party na ginawad kahapon sa Mansion ng ating World Wide Teacher - Matagumpay.

Madami ang nabondat sa nakain nilang pinoy dishes. Merong nahigh-blood dahil sinolo nya ang lechon at ayaw bigyan man lang khit buntot si TK, diko na sasabihin nasi Mang KD yun. At na-infection ang panga ng isang tutubi dahil pinapak ang natirang special bagoong. At sa hindi nakakaalam. Kung hanggang ngayon e hindi pa umuuwi sa mga bahay nila ang ibang blogkada, ibig sabihin ay nasa ospital pa sila. Opo. Sa kadahilanang na suffocate po sila sa elevator. Me warning na ngang sira ang elevator, diba kayo nag babasa?

Sa LEEG ng mga Balita
Ang aking dakilang kaibigan na si EVELYN e me bagong tag board na! Pasalubungan natin sya ng masigabong palakpakan... minsan lang dumating ang ganyang pagkakataon.. kaya sugod na!

At ang KATAWAN ng ating Balita
Ang Stainless Longganiza ni Bob Ong e unti-unti ng humihina ang benta. At isa lang ang aking napag alaman na dahilan. Nagse-save na ang mga tao para sa paglabas ng bagong libro ng sikat na sikat na si Ella, ang ating blogkadang masahista. Excited ang lahat sa kanyang bagong libro.Tyak comedy ito. At pahabol: dahil sa kanyang ganda e biglang yaman na ang BANDERA..

Ang PUWET ng mga Balita
Ang ating kablogkadang si KA Uro e nawawala pa. Hindi po nman masabi kung sya e nakidnap o nagtanan mga tagabasa. Dahil sa huling post nya na, ala pa syang reply sa mga nagbabaga at mababahong komentaryo.

Ang Balakang ng mga Balita:
Ang ating kablogkadang si Razzbery, e hindi na nahiya na ipakilala at ipakita ang kanyang tunay na kaanyuan.. eto po siya.. Ngunit dahil sa galing ng Siensya, bigla syang gumaganda. hindi si Dr. Belo ang dahilan. Dahil po sa isang gown na kulay pula. Ito rin ay parang isang blusang itim, na pag sinuot nya e nagiging sing ganda nya si SNooky Serna... Kaya pag suot nya ang gown na ito... eto na ang bagong mukha niya...


Sa SPORTS NEWS ngayon:
Ating bigyang pugay ang ating mga Klasmeyts sa larangan ng BasketBall. Sa wakas eh nanalo rin sila. Special ang binigay na lakas ng coach na si MASTER, at kakaibang moral support ang ginawad ng aking AMA nasi Kneeko. Isa lang ang masasabing dahilan kung bakit sila nanalo. Meron silang especial na anting-anting.. Opo. Isang Anting-anting na gumagana lamang pag hindi naglalaro ang aking AMA.. kaya yehey... nanalo sila...

Sa SHowBiz News Ngayon:
Ang ating katoto na si Piolo ay muntik ng masiraan ng ulo. Dahil muntik-muntikan na nmang mag crash ang kanyang compyuter.. Palitan mona kasi ng bago e at ihagis mona ke tutubi ang lumang gamit mo...

Hanggang dito na lamang po mga mambabasa. Alam kong wala nman kayong napulot na aral... pero salamat narin. Magtrabaho muna ako, baka wala akong sweldo..




Sunday, May 7, 2006

The Cinderella-Tutubi Story...


Hoy basahin nyo 'to kasi intresting... heheheh!!

Diko na sisimulan sa "Once upon a Time" dahil super gutay gutay na ang kaluluwa nun. Peborit ko talaga ang story ng Cinderella kahit nung bata pa ako, lagi-lagi kong inaabangan ang Ora Engkantadia. Pero diko man tlga maintindihan ang istorya... dahil marami pa ang komersyal kesa sa palabas...

Anyways, four or five years ago, naatasan ako ng Ate ko na ibaby- sit ang kanyang baby. O edi mega alaga ako sa pamangkin ko, gusto ko kasing maka- kuha ng award as Best Tita in the World. Yun wala kaming ginawa mag-hapon kundi panoorin ang iba't-ibang story ng Cinderella.. Anjang me extrang dragon, tapos minsan mega fly narin ang beauty nya.

Napansin ko kilig na kilig ang pamangkin ko pag anjan na yung prince. Iniisip ko, cguro feel nya sya si Cinderella... Naingget nman ako. Diko namalayan nakatulog na pala ako... wait... sleeping beauty nman pala ito. heheh

Sa panaginip ko, isa rin akong prinsesa.. pero diko mawari kung ako nga si Cinderella o si Sleeping Beauty... Basta naka-gown din ako gaya nila.... at... sumasayaw.. kasayaw ko ang aking prinsipe... kilig na sana.... keyalang diko makita ang hitsura nya. Alam nyo un, ung parang x-rated o parang isang kriminal at tinakpan ng blangko ang pagmumukha.

Mula nun, ganun na akong
managinip. Ala talagang mukha ang nakaka date or leading man ko sa aking dreams. kahit gaano pa yan ka sweet wala talagang mukha... Nagtataka nga ako kase me bf naman ako nung time na yun, pero hindi tlga sya sumusulpot sa aking dreams... Bakit kaya?

Sa isang post ni Mang kulas, natanong nya kung ano ba ang meaning ng kanyang panaginip? o Syempre nag tali-talinuhan na nman si Tutubi. Sabi ko ....
"Ang Panaginip ang ating salamin sa kinabukasan.... na pwedeng gamiting pananggalang".
Pero pano ko masasalamin ang isang bida sa pelikula kung diko man lang masilayan ang kanyang mukha hindi ba?

Humingi nalang ako ng sign ke Lord kung anong ibig sabihin nun. Si God narin ang nagplano ng istorya ko. Nung magpaalam ang bf ko na pupunta na sya ng Chicago, yun na ang tell-tell-sign na hinihintay ko. Sa madaling salita, wala na kami. Kung yun nman tlga ang plano ni Lord diko nman mababali yun hindi ba?

At sa muling pagkakataon na nakalipad na nman ako ng malaya, dun kami nagkitang muli ng isang taong matagal na nag-aabang sa aking pagbalik. Muling binalikan ang mga masasayang araw nung kami'y uhuging bata pa lamang. At ayun para kaming isang picture na nagkadebelopan...

Humingi ulit ako ng Sign ke Bathala kung sya na ba talaga. Aba mantakin mong nung gabi ring iyon e pinakita nya ang mukha ng asawa ko sa aking panaginip. Pers time talagang mangyari sa akin ang ganun. Siya pala yun, hindi na bura ang mukha nya. Sya un, ang prinsipeng kasayaw ko. Ngayon super maliwanag na ang mukha nya... kaya alam ko na sya na tlga ang hinihintay ko...

Kaya ngayon, kahit ano pang pagsubok ang dumating sa amin, proud kong masasabi na .. .. and "We Live Happily Ever After"..

Special Note: Mahilig talaga akong humingi ng Sign kay Lord.
Kahapon, sa sobrang inis ko sa asawa ko, nag desisyon akong
hindi na muna uuwi, kahit gustong-gusto ko nman... Kaya mega hingi na nman ako ng sign kay Lord.... at sa isang iglap kanina, binigay nya at binandera sa mukha ko ang post ni MANG KADYO.... oh dba? Isang jeep na me Trip to Cebu... Kaya Cebu Here i come....


Oh Special Note Ulit: Me nagpasalamat sakin dun sa Special Recipe ko na bagoong. Ke sarap daw ng lasa. Nadedma ang kare-kare at bagoong lang ang nilantakan... bwheheheh...




Saturday, May 6, 2006

Maganda at Mabango


Ke bantot-bantot at ke baho-baho dun sa bahay ni Fafa Ku. Pero dahil syempre kelangan ang wisdom ko dun, nag comment narin ako gamit ang isang kamay at ang isa e nakatakip sa ilong ko. Ewan kolang sa mga guys jan kung na amoy nila, o baka nman kc nandilat pa mga mata nila sa nakita... hmmppp... baho talaga...

Dito nalang tayo sa usapang maganda.

Nung bata ako, inggit na inggit ako sa Ate ko, kasi nman ang ganda ganda nya at diman lang ako naambunan. Sabi nila dahil bunso ako eh latak na lamang ang aking nakuha. Pero dahil lagi ko namang kasama Mommy ko di magawa ng tao na ipagduldulan sa mukha ko na panget nga ako, kc syempre nahihiya sila sa Nanay ko.

Sa skul noon, gustong gusto kong maging muse. Inelect kopa nga sarili ko pero walang pumatol siguro kulang ung mga pinamigay kong chicaron sa mga klasmate ko.. hmmmppp...

Pero ng lumipas ang mga taon... sa kakapanood ko ng Ora Engkantadia...........
Ang munting ugly duckling na tutubi e meron nman palang ibubuga...

Click this...

Pwede naba akong pa ampon seyo Mommy Ann, kasi kasing cute ko mga bebi ninyo ? pero bantayan mo si Mang Kadyo ha, kc gusto nyang prituhin ang beauty ko at ihahapag daw sa handaan sa mansion ni Teacher Tekla.

Kaya mula nun semplang na sa beauty ko ang mga hindi bumoto nung humabol ako ng muse.

At ng sumunod na eleksyon e handa na ako. At talagang nagdala pa ako
ng kabayo para walang makahabol sa mga boto ko... pero sa kasamaang palad, nung malapit kona sanang makuha ang trono...... nag desisyon ang mga hurado... money contest nalang daw ng may maipon kaming pondo.

Sayang talaga ang beauty ko, isipin mo mega dala pa ako ng kabayo. hmmppp.. yun dina nman ako nanalo... Pero ngayon tanggap kona na ito.

Beauty is in the eye of the beholder, sabi ni pareng Jlois (na kasalukuyang nagpapasarap sa pinas). Buti nman kahit di ako kagandahan, binigyan parin ng chance ni Lord na gumanda ang mga anak ko at ang magiging lahi ko dahil naka bingo ako sa jowa ko...


O alam ko hinahanap nyo kung nasaan ang MABANGO sa entry ko no?

Nag spray ako ng febreze air effects dito sa kwarto ko... hmmmm kebango-bango. Feeling ko kayakap ko tuloy ang asawa ko....

Fafa Ku, gusto nyo peramin ko kayo? hindi ung asawa ko ang papahiram ko senyo... ung Febreze.....


PAHABOL: Salamat sa mga bumati sakin ng Merry Christmas, Happy New year, happy valentines at kung ano-ano pa... Napangiti nyo talaga ako, kaya masaya na ako at humaba na ulit ang pasensya ko. pero diko kayang humagalpak kc masakit pa panga ko. At me Bonus, ok na kami ni Papa.... heheh! Aylabyu All! muahhhhhhhhhh!



Pasensyahan ang Usapan

Sana araw-araw pasko no?
Hindi nman sa naghahanap ako ng regalo mula sa inyo, gusto kolang talaga yung dala ng simoy ng pasko. Diba kahit naman ala tayong handa tuwing pasko, pero pag may bumati satin ng Merry Christmas e ngumingiti tayo?

Gaano ba kahaba ang pasensya mo?
Masusukat ba talaga natin ito? o baka walang hanggan ang bilang nito na nakalagay sa pandora's box na kelanman eh hindi tayo nauubusan?

Ang tao daw pag masahayin e pasensya nya e mahaba din? totoo kaya yon?
In my case, siguro totoo ngayon. Mahaba talaga ang pisi ng aking pasensya. Pero diko kayang sukatin. Kung me nabibili nga nun yun ang una-una kong bibilhin. Upang makapag-impok pa ako ng marami nito.

Ang gulo ba ng post ko?

Halos isang linggo ng me-tampo sakin ang asawa ko. Sabi ng iba kulang lang yun sa lambing. Sabi ng Mama nya talagang ganun yun kasi sumpungin. sabi din ng iba i reverse-phsycology koraw. Kilala kona sya mula ulo hanggang paa, pag sinabi nyang okey lang sya, meaning hindi sya okey talaga. Yokong mag-give up. Todo text parin ako. I love u doon at i love u dito. Pero deadma mode ang loko.

Ok lang.
Buti panga kayo napapangiti ko eh! at naaapreciate nyo kalokohan ko.

Naka-usap konga pala ang Ate ko kanina, nagpapa thank you sya kasi binigyan ko ng pambili ng sala set. Ilista kodaw muna. Sabi ko naman walang lista-lista kasi magkapatid nman kami at ituring nalang nyang premyo dahil super proud ako sa kanilang mag-asawa.

Aba ang loka, na touch daw sya. Dumagundong ang luha
saking mga mata. Ilang araw konarin gustong ilabas ito.

Siguro sa kakapasensya ko sa asawa ko diko napansin na mauubusan nako nito. Ang pasensya e gaya din pala ng isang bulkan, isang araw e sasabog at sasabog ang kumukulong lava sa kanyang tyan. Pagkatapos nun e gumaan na ang aking pakiramdam.

Kaya nga ba eto nalang ang hiling ko sa inyo. Paki-greet nman ako ng Merry Christmas ngayon ng mangiti ako. Promise kung ilan ang makuha kong greetings, idadagdag ko ito sa pisi ng aking pasensya.



Thursday, May 4, 2006

Eto ang Special Version ng Meme na Baby (bunso) na tagay sakin ni MAng KD


Ayoko nmang maging kabagot-bagot ang post ko na ito kaya nilagyan ko ng spice. Kung baga sa pagluto ko ng bagoong. Nilagyan ko ng ketchup, sili, reno, asukal at budburan ng konting white wine... naku ke sarap.

1. Choose a search engine >>>> Google ang akin, diko nman tlga inaangkin, borrow lang naman
2. Pick 5 random blogfriends >>>> Yoko nga ng 5 lang, lalahatin kona.
3. Think of a word or phrase that you describe each friend >>>> Yoko ding idescribe lang sila, gusto ko ung feel kona mukha nila
4. Do an image search of that word or phrase >>>> Image at mukha ng local artist ang nais kong ibandera
5. Pick an image to represent your friend >>>> syempre dahil mahal ko sila, artistahin ang nai-imagine ko sa kanila


NOTE: Katakot-takot na click na nman ito. Hindi ako nag-sisipsip senyo, di rin nman ako pasaway at baliin ang koncepto ng Meme. Eh di nman bawal, gusto kolang mai share sa inyo ang mukhang tinanim ko sa isip ko, pag pumupunta ako sa mga bahay ninyo. Wala nman kc tlga sa itsura ng tao yan pero dahil malikhain akong tao, gusto ko sa susunod na buhay e maging ganito ang itsura ninyo...


O syempre ihahabol ko sarili ko.. presenting.. Tutubing Karayom... pang finale.. ang umangal papalatukin ko!!


PAHABOL: Ngayon-ngayon lang ito. Mainit -init pa. Dba sabi ko ang umangas e papalatukin ko? Ala akong sinabing ka edad nyo ang artistang napili ko. Basta ang pagmumukha ang usapin dito... bwhehhehe!!!

Mya ako magcomment, maga pa ang nguso ko dahil kakatanggal lang ng wisdom tooth ko...


The Mis-Adventure of Tutubing Karayom

Bata-bata pano ka ginawa?
Di'po yan ang topic ko at baka ma PG-18 ang bahay ko at mademanda pa ako.
Kaya Ruthing at Fibi welcome parin kayo sa post na ito.

Dami ng problema sa pinas ngayon no? Me gustong mag-cha-cha, mag-mambo at kung ano-ano pa. Pero totoo nman tlga na kahit sa anong sayaw ng ballroom dancing, it takes two to tango dba? Kaya nahihirapan din si GMA, kc kung hindi sya mag-isang sumasayaw eh ang daming gusto sa kanya makisayaw. Kaya si tutubi ay hindi muna makikigulo kasi electric slide lang ang alam kong sayawin.

O sige dun na tayo sa Mis-adventures ng tutubi.

Bago palang ako sa mundong ito, halos kelan kolang nakilala ang mga kapit-bahay ko. Kaya ang batang tutubi dahil sa kanyang kakulitan, sugod lang ng sugod samantalang ang dami kopa palang hindi alam.

Uunahin kona sa pambubulabog ko sa bahay ni Ka-Uro. Pagkatapos ko syang mahalikan dahil sinabi nyang matured na ako, naku maling entrada ng pangalan ng esmi nya ang nasabi ko. Nasabi ko si Mommy Ann ang kanyang asawa, ngunit dagli-dagli ko itong binawi...

Dahil sa kakulitan ko, nag attemp ulit ako...pero mali parin ako ng nasabi.. kala ko si Mommy-Lei ang kanyang esmi un pala e single pa si Mommy. Natakot talaga ako, kc daw baka ma outside the kulambo sya, napaisip ako, me Kulambo ba sa New Zealand? Kala ko e bear brand lamang.

Baka barilin daw sya ni Mang Kadyo at putulan sya ng kung ano ni Mommy Lei. Sagad sa buto ang paghingi ko ng tawad sa kanila buti nalang talaga mabait sila. Keyalang sa huli bumanat si Ka-uro na pipitikin nya tenga ko. Kaya magtatago muna ako...

E dito nman tayo sa Aking Ama. Tinanong sa akin ni Clown kung bakit Ama daw ang tawag ko ke Butchiking Kneeko? ewan ko ngaba. kasi nman keliit-liit ng mga pictures sa post nya, nanghula tuloy ako kung sino sya dun. sabi nya manipis daw buhok nya syempre exxage na namn si tutubi, kala ko kalbo tlga sya at matanda na kaya tinawag ko syang Ama. Pero sabi nman nya ok lang tawagin syang Ama basta ihanap ko sya ng isang INA.

E ang tutubing chismosa, napadapo sa bahay ni Teacher Rem, at a-hah! Si Ama at si Teacher chumi-chika. Tumambay talaga ako dun at ume-extra sa lambingan nila. Sabi ko ke teacher kung pwedeng sya nalang ang aking maging Ina. Pumayag nman sya. Laking tuwa ko.. Me Ama at Ina na ako. Pero di nman pala pwede kc meron na palang fafi itong si Madam. kala ko makakaporma tong si Ama.

O Si Ate Melai nman, kelan kolang tlga sya nakilala dahil post nya sa bentang tsinelas ni MAng Kulas. Na-curious si tutubi, hinagilap ko si Mang kulas. At gaya sa pelikula, ginawan kona nman sila ng lab-story. Buti tlga di nagalit si Ate Melai, dahil ala naman daw tlga silang lab-story ni MAng Coolas. Kaya tinigil ko narin kc baka ibang magalit si Manilenya at baka inglesin ako ni Mang kulas...

Sinubukan rin ng inyong abang Lingkod na hanapan ng tindera ng balot si Mysti. kc nga diba nalulungkot sya. Akalain mong nakilala ko si Kuya Penoi. PSSHSHHHHHHHHHHHH....Nag anyong kupido muna ako. Pero minamalas talaga ako. Busy pa daw si Kuya penoi sa kakabasa ng Stainless Longganisa ni Bob Ong. Hmmmpppp.. zero na ang grade ko neto.

Ang tutubi ay humihingi ng kapatawaran sa mga Artistang nabigyan ko ng maling script. Mula ngayon, hahalukayin ko muna ang inyong history para di ako mapunta sa ibang kategorya. Tutal alam nyo ang mukha ko, incase masalubong ako nung aking naatraso pakibatukan nalang ako.

NOTE: Daming nag react, malinis at malinaw nadaw ang bahay ko ngayon. Pareho lang yan, tinanggalan kolang ng bakod na nakakakapag pabagal sa pag download. at syempre naisip ko ang mga kapitbahay kong ImageCave lang pala ang kanilang nakikita. kaya heto hindi nman tlga totoong nag bagong anyo. naglinis lang ng kalat. hehehe!



Tuesday, May 2, 2006

Make Your Momma Proud

Hindi pa ito ang hinanda kong assignment para sa ating mga Mommy out there. Nagustuhan kolang talaga ung Song ng MYMP na Miss You, click mo ito if u wanna listen to it. Talagang gusto kong magpagulong gulong ng maramdaman kong sobrang miss kona ang aking pakner. Nways, sobrang daming nangyari nitong mga nagdaang araw. Gusto ko nalang kalimutan.

Marami narin akong narecieve na request na gusto daw nilang makita ang pagmumukha ng tutubi. Dipa sila nakuntento dun sa picture na pinost ni Mang Kadyo sa kanyang Meme na Baby, kita nyo ba me tutubing-karayom doon? Gusto kong sabihin na yun na ako, pero nabuking ako dahil sabi ko sa comment ko e color orange nga ako. Like this.

O siya, gusto ko kayong pagbigyan mga kaibigan.

Pero before that, kukwentuhan ko muna kayo. Pagod na kase ako, kaya gusto kong magbakasyon. Ung enggrandeng bakasyon. Ngunit, subalit, datapwat... gusto ko e maging surprise nman para masaya dba?

Hindi ko sasabihin senyo kung kelan, kc gusto kong isurprise ang sarili ko. Gusto korin sanang hindi ibigay ang pangalan ko sa airline para saking ticket para talagang ako'y ma sorpresa, pero di daw pede talaga, basta sinabi ko na wag ipagsabi para talagang hindi ko alam. Pipikit korin ang mata ko habang inaayos ang bagahe ko, para diko mabuking na ready na ang luggage ko. At ibubulong kolang sa taxi driver na hatid ako sa airport para di mahalata ng sarili ko na uuwi nga ako.

Pag-dating ko sa NAIA, magkukunwari akong nawawala para di halata na andun na ako. tapos papakodak ko ang sarili ko na me expression na, nasurprise talaga ako. Pag labas ko sa airport gusto ko pumatak ang luha ko para feel na feel na nasurprise ako. Pagdating ko sa bahay, bubuksan ko ang mga chokolateng pasalubong ko sa sarili ko at syempre ulit masa-surprise ako... basta gusto ko marami akong masurprise sa sarili ko...

Wag nyong sasabihin sa akin ang planong ito ha kasi nga surprise hindi ba?

O sige heto na ang hinihintay nito. [click nyo lang ung medyo nka bold letters]

Heto ang TK na nagbibigay ng makulit na comment senyo. nadenggoy na nman kayo no? o dito medyo anyong tao na ako.. Ganda kono? bwhehhehe..

Sige totoo na ito.. promise!

At dahil naging paborito ko ang picture ni Mang Kulas.... kaya ako ngayon si Kulasa. Ganyan talaga yan kc sinusurprise ko ang sarilli ko.


Dahil feel na feel ko ang beauty ni Ate Grace nung sya'y kinasal, hinanap ko ang pinakamagandang picture ko nung wedding ko
which is this. Ako talaga yan, naiyak ako kc pers time kong maisayaw ang erpat ko... kc nga tutubi kami hindi ba?

Gusto korin nmang mag pa mystery effect gaya ni Mystijoy.. kaya heto ako parang me depekto at nagdedeliryo.. at pati bulaklak e ginaya daw.. pwehhhh... ang panget ko jan.,

Love korin ang picture ni Ella kala nyo.... kaya ginaya ko sya!.. weeeeeeeee... o buo na ang mukha ko jan, medyo emote emote lang...

Sana nman ok nayang mga picture na yan.... pero kung hihirit pa ako... eto last na ito nung dinrowing ko sarili ko... galing kobang mag drawing? wedding picture ko din yan. kaya maniwala kayong ako yan...

Simple lang si tutubi. Ewan ko senyo kung pano nyo ilarawan ang simple... hindi ako kagandahan.... pero... Magandang palahian ang asawa ko... nakapikit din sya jan kc surprise talaga ..... weeeeeeee... o edi ang haba ng buhok ng tutubi nyo...

o sige dito nalang... kayo nman!!

Monday, May 1, 2006

Ang Ipis na tinapakan ang beauty ng woman

Tutubi's Note: Hindi ko gustong saktan ang puso ng taong may kinalaman sa pagka-unsyami ni tutubi. Keyalang minsan, kelangan kolang talagang ilabas ang inis, galit at bwisit para makahinga narin ako ng maluwag.

Gumagawa ako ng assignment ko kanina, bagong subject sana para mga Nanay, tutal malapit na ang mother's day, gusto ko kasing mauna na maibida naman ang nanay ko. Syempre habang nag-iisip ako ng isusulat ko nangapitbahay muna ako dun sa mga blog na malimit kong mapuntahan.

Unang subok ko palang, hindi pa ako kumakatok... naku init ng ulo ko ay bumulusok.

I-klik molang ito o kaya nman ito, pwede rin ito... at pwede rin dito... eto tlgang last na 'to ito dito. Wag padedenggoy pare-pareho lang yan... na ganito. Yan ang bumulaga sa mukha ko.


Kung babasahin molang, matatawa ka hindi ba?
Pero kung iintindihin mo, abah insulto ito.
Bkit kamo? Nasaktan ako eh! dahil babae ako.
Meaning sa Ingles, im a Woman.

Kung lalake ka, bakit mo nman sasabihin ito?
Bakit wala kabang Nanay? wala kabang Ate o kapatid na babae?
Me nanakit ba sayo na syota mo? Iniwan kaba ng asawa mo?
Nadenggoy kaba ng babaeng business partner mo? o kinaliwa ka ng babaeng sinamba mo? o baka nman bakla ang tatay mo? Eh problema mo na un. Nilahat mo naman kami eh!

Nasira talaga ang wisyo ng utak ko.

Isa nalang ang masasabi ko, wala sa matinong pag-iisip ang gumawa ng equation na ito. At lagyan pa daw ng A+ ang sariling panget na akda. bwiset!!!

PS.
Kaw kapitbahay ko, hindi ako galit sayo. Nainis lang talaga ako sa nai-post mo. Alam ko wala kapang muwang sa mundo, at hindi naman tlga sayo galing ang post nayan, kaya hindi ako nag koment. Kaya dito sa bahay ko ibubuhos ang inis ko kung sino man ang me pasimuno nito. Kaya kung magagalit ka sa akin, jan sa bahay mo isulat at ilabas ang inis mo.

Matutulog na ako, kakalimutan ko nalang na me nabasa akong kinasira ng beauty ko... Mga jaskeng ipis kayo!!!

In The Memory

Note: Sa mga bagong salta, basahin muna ang last entry ko ng maintindihan ninyo.

Gusto ko pong pasalamatan ang mga nakiramay sa pagkawala ng kaibigan kong si Shelby.
Tenkyu din pala sa mga nagdala ng kape, skyflakes, puto at dinuguan sa lamay. tenkyu rin sa mga nakilaro ng tong-its. bkit ala nman akong nkitang abuloy sa nilapag kong lata sa inyong mesa?

Ngayong napa cremate kona si Shelby, ayoko ng malumbay. gusto ko ng bumalik ang dating sigla ni tutubi. Ubos na ang luha ko.

Maraming mga tumawag para mai-sponsor ang libing ng aking kaibigan. subalit dalawa lamang ang aking napag-bigyan. click here o kaya here... pareho lang yan..

Once agen, thank you!!! bwahhaha... yan masaya na ko!



Pahabol:

Di daw makita ni Mommy Ann Si Shelby kaya heto na sya. [dinrowing ko nalang sya, kc nga na cremate kona). putol tlga buntot nyan, dahil nung diko pa sya kaibigan e akin syang npag tripan..



at eto nman ung nag sponsor sa libing nya... click nyo nlang picture ng lumaki sila...