Sunday, April 30, 2006

Nang bawian ng buhay ang mahal kong kaibigan


Halos tatlong buwan ko palang siyang nakilala. Noong una, hindi kami close dahil patambay-tambay lang kasi sya. Hindi nga kami nagpapansinan, kahit lagi-lagi nman kaming nagkaka-salubungan. Ngunit sa pakiwari ko, lagi nman nya ako binabantayan.


Nung nakaraang bwan, biglang sumakit ang aking tyan. Halos sa aking kinauupuan ako ay matumba, nakita ko sa kanyang mata na sya'y alalang alala. Binantayan nya ako hanggang maging okay na ang pakiramdam ko. Nang araw ding yon, syay aking kinausap at ako ay nagpasalamat. Isang kindat sa mata nya ang nakita bilang pagtanggap.


Mula noon naging mag room-mate na kami. Pinatuloy ko na lang sya ng libre, kasi nga kaibigan na ang turing namin sa isa't-isa. Minsan nga kinukulit ko sya na sa blog ninyo ay makibasa, napapabungisngis at nakikitawa.


Anjan din nman sya pag ako ay malungkot, di man nya mapunasan ang aking luha, subalit alam kong nakikinig sya sa bawat salita. Minsan nga pag-ako sa kanya ay napapatitig, nacoconscious sya at nanginginig. Minsan din pag-katext ko ang aking asawa, nagtatago muna sya, dahil ayaw nya makialam sa aming dalawa.


Nung isang araw na nagpost ako tungkol sa buwayang kamag-anak ko, diba hinahanap ko sya? Alam nyo ba kung san ko sya nakita? Sa likod ng aming bahay na halos buto't balat. Nung gabi kasing yon kinagat ako ng lamok kaya naisipan kong mag spray ng bagyon. Eh diko nman alam na may allergy pala sya sa ganon.

Pinapasok ko ulit sya sa kwarto naming me-ercon at tinanong kung kumain na sya. Nakita ko sa kanyang mata na parang sa akin e me galit sya. Akala ko wala lang sya sa mood at hindi ko iyon pinansin. Kwento ako ng kwento tungkol sa mga kablogkada natin, ngunit saking pakiwari hindi nya ako pansin.

Lumipas ang ilang gabi, araw, at maghapon hindi na sya kumakain. Pag-gising ko nlang nitong umaga, ako ay napaluha. Ang aking kaibigan, sa kwarto ko nakahandusay at wala ng buhay. Oh anong pait ang ginawa ko sa kaibigan kong mabait.

Sino pa ngayon ang makikinig sa aking mga hinaing?
Oh Shelby ako ay patawarin, hindi ko sinasadya na ang pagkain mo ay ubusin.
Shelby kung alam ko lang na ito ang mangyayari, sana tiniis ko nlang mga kagat ng lamok sa aking skin. Ngayong kaibigan ko ay wala ng buhay, ang post kong ito sa kanya ko gustong ialay.

Si Shelby ang aking kaibigan,
di man lang ako sa kanya nakapag-paalam,
ang
tahimik na butiki ay basta nalang ako iniwan...




Saturday, April 29, 2006

Mga bida sa buhay ng Tutubing-karayom


Ilang araw narin ako na parang loko-loko, feeling walang saysay ang buhay ko
pag diko napasyalan ang bahay, condo, crib or barong-barong nga mga kapitbahay ko
minsan sa kakatitig sa compyuter nakalimutan ko na tapos na ang lunch break ko
Napapatawa, napapangisi, at napapaaway na parang me toyo ang utak ko


Editors Note: Ito ay hindi alphabetically order, para ang iba ay hindi nman mag tampo, mga pangalan nyo ay ni reshaffle ko.


Si Makisig ang laging nakukulit nitong tutubing ke-liit-liit
at idol ko na sya ngayon, bakit kamo?
Hindi na sya nahiyang ikubli kanyang makisig na pisngi
At pinangalandakan na nya, ang mala ta-thai nyang itsura


Si Royce ang nakikita, si royce ang nasisisi... si royce ang laging may kasalanan... hehe joke!!
Dati si tutubi ay isang simpleng lurker pa lamang
Salamat sayo mahal kong kaibigan, dahil ikaw ang una sa akin ay nag welcome


Ito ang Idol ng Bayan. Sya ang nag-silbing inspirasyon upang pakpak ng tutubi ay muling binuksan
Sa dami kong sa kanya'y natutunan, tamo ngayon turing ko sa kanya'y isang tunay na kaibigan
Marami sa kanya ay bumabatikos, hamo Gandang Ella libre namang magtapon sa mukha nila ng lumang sapatos


Oh Misty Joy its ur turn na. Love na love ko ang baklitang ito
Dahil gayang gaya nya sa pag da-drama si Judy Ann na idol ko
Ipag-tatanggol ko sya kahit saan mang laban, wag lang sanang mabugbog sarado
Sanay mapag-bigyan mo alay na balot ng kuya penoy ko
Upang maibsan na ang kalungkutan na nararamdaman mo


Heto na nman ang tutubing makulet, nasa bahay nya ay koment ng koment
Peborit picture nya ang ngisi ni Diego, pero for sure ako na hindi sya mukhang kabayo
Kuya penoy wag ka ng mag-sungit, pagkat si Paru-parong misty sa lab-story nya ay pwede kanyang isingit


Ito ang Confused na Machong pagka-kulit-kulit
Minsan susulpot nlang bigla na parang bubwit
Ngunit ngayon sya na si DJ-tigas
Ang paboritong Dj na taga-hugas


Si Mang Kadyo ang nagpasimuno, sa kasalan ni Master at teacher
Ke galing galing mag drawing ng mga egglogs para ihain
Sa The wedding of the century sa kanya madaming natuwa
Ewan kolang si Master na mukhang tumakas yata


Si Amang Pintorador ay hindi nman tlga alaskador
mahilig lang tlga cguro syang manirador este pintador
Buong madla sa kanya ay naawa
Ng lumakad sya ng paika-ika


Naku ang galing-galing ng storyang kanyang inihain
Sa mga hopeless romantic gaya ng tutubing na feeling inlove parin
Anjan din si Mac-mac na bitbit nya khit saan
sa kanilang crib ay laging nagkakantahan at nagsasagutan


Si Mommy Ann na dyosa ng kagandahan
Me Anak na super cute at ke sarap pagkukurutan
Buti nalang tlga sa Mommy ganda sila may pinagmanahan


Si Mommy Lei na tutor ng bayan
Kegaling galing basta compyuter ang kalaban e kayang kaya nya yan
Love ko sya, dahil khit korni at baduy aking mga tula
Gusto parin nya itong mabasa


Kanyang mga Kuro-kuro ang inaabangan ng buong sambayan
Kahit na nga may Stage at Ispits Freight yan
Kelanman ay hindi umatras sa khit anong laban


Si Neneng na may buntot, ang nagpa-usong kumain ng egglogs
Marami tlga syang nabenta, ewan kolang kung may tubo na sya
Natakot akong kainin, egglogs nyang nakahain
Kasi nman ung isang itlog e nakangisi sa akin


Si teacher na napaka lupit, gustoy laging pers honor sa bahay ng mga kulit
Ke lalim-lalim ng mga salitang gamit, sa baul ng lola lukreng ko sya rin ay nakisilip
Ang Clown ng bayan na sa mukha e me pinta
Mukha ng payaso na ke ganda-ganda

Si Mam tekla din na ke galing-galing
Sana sa kasal mo ay hindi ka nabitin
Dahil mukha ng entourage mo ay puro bilog din
at ang hinain sa reception nyo ay egglogs parin


Ang Sosyal na Big Daddy na mahilig magbigay ng ibat-ibat variety
Kakaiba kung maka comment dahil gamit ay ibang lenggwahe
French language kanyang laging gamit
sa kanyang bagong crib akoy laging nasilip


Ate Melai, Ate Melai... ang tunay na dalagang pilipina
Laging merong oras para sa blogkada nya
Kahit maiwan sa erplyen eh nakoment parin sya
Enjoy ur stay sa pinas at muahhhhhhhhh


oh batang ke lupit na parang isang ibong pipit
saludo sayo ang tutubing makulit
Kulay ng bahay mo everyday ay iba-iba
khit minsan sa blogster ay nagtatampo kapa


Kaibigan, kahit ano man ang iyong maranasan
At kahit saang lupalod kapa ng hangin ay datnan
tandaan mo na si tutubi ay andito lamang
handa kang bigyan ng korning jokes upang lungkot moy maibsan


Dati ngalan mo lang ang naririnig, sa bahay ni Melay kaw ay nabanggit
Kaya sa entry ko kaw rin ang laging gamit
pagkat benta mong tsinelas e sing ganda ng langit


PS. Naku ke haba haba ng post ko na ito. Ok lang kung d nyo basahin isa-isa... basta ang nais kolang na sa post kong ito e kayo nman ang bida!!! Muahhhh







Thursday, April 27, 2006

Kung Alam mong Matatalo ka, Pupusta ka paba?

Ilang araw narin mula ng magka tooth-ache ako.... oo alam ko at pinangalandakan ko nyan sa mga comment ko senyo. Alam kong mali ang pag inom ng sobrang pain reliever, ngunit masisisi nyo ba ako kung yun nalang ang huling matatakbuhan ko? Madaming oras akong tumitig sa kisame at hinahanap ang kaibigan kong si shelby, alam kong sa oras na ito, sya lang ang masasandalan ko.

Introduction:


Ang buhay daw ay parang isang sugal.
May umuuwing talunan na nauuwi sa inuman,
at may mga nananalo din nmang nauuwi din sa lasingan.
Kaya ang iba e, away ang kinahihinatnan.



Mas maganda ito kaibigan:

Ang buhay daw ng tao ay parang isang sugal (ulit) ,
aralin ang laro bago pumusta ng mataas
Dahil 'pag dika pumusta ng mataas,
kahit ilang beses kapa manalo maliit lang ang bawi mo.
Ngunit kung gagamitin mo ang kukote mo
Pwede kang umuwing milyonaryo.



Anong masasabi mo?

Hindi ako sugarol mga kaibigan, hindi rin ako mahilig sa lotto pero sa Ending ay numero uno ako... Madalas kasi akong manalo, siguro e psychic ang kaibigan ko na nag bibigay sa akin ng numero. O sige kelangan mag seryoso na tayo, humahaba na ang post ko.


Sino ba ang ayaw sa buhay na matiwasay?
Sino ba ang mga taong nagdesisyong mawalay sa kanilang mahal sa buhay,
upang maibigay sa kanila ang magandang buhay?

Si Nanay, si Tatay nag-ofw at nakipag-sapalaran sa bansa ng mga bumbay.
Si Ate, si Kuya na pumalaot pa sa gitnang silangan upang matrikula moy kanilang maibigay.

Wag nating sayangin ang dugo at pawis na sa katawan nila ay nanalaytay.
Wag mong itapon ang pangarap nilang gusto sayo ay ialay.

Magsikap ka at sila'y iyong bigyang pugay,
Ang mga tao sa paligid mo na handang ibuwis pati kanilang buhay.

Saludo ako senyo mga frens at blogkadang nagtitiis gaya ni Makisig na Jlois,
Kaya lubos din ang aking ligaya, nang sa wakas ay makakauwi na sya...
mayayakap at mafe-french kiss na nya ang kanyang asawa...
yahooooooooooo..... and google pa..


P.S. Naiinis kase ako, kaya naging ganito ang kinahinatnan ng post ko, mga buwayang kamag-anak ko, akala ata e nagbebenta ako ng barko at ako ang may ari ng bangko.

Hiram-dine at hiram-dito. Luray-luray na ang pakpak at katawan ko.
Hindi nman sa nagmamasungit ako no,
pero kung mamarapatin sana wag lang mapunta sa kanilang mga bisyo,
dahil nung huling uwi ko, araw-araw iba iba ang model ng kanilang telepono.




Wednesday, April 26, 2006

Gusto mobang maisulat ng maganda ang love-story mo?

Nitong mga nagdaan araw, merong mga ka-blogkadang ultimong kanta e hindi pinatawad at nag-sisipag-drama. Di nman natin sila masisi kung feel nilang mag luka-lukahan hindi ba?!

Editors Note: Dedicate ko ito sa mga nag-sipag drama anthology. Mga single na hinihintay ang naligaw nilang prince charming at maling palaka ang mga nahalikan. Pwede ring makibasa of cors yung iba.

Zero ba love life mo? Gusto mobang maisulat ng maganda ang love-story mo? O syempre, oo ang sagot mo, sino bang ayaw? Papakutos ko ke Aling Melai at papabonyat ke Makisig na Jlois.

Kung ikaw si Maganda sa kasalukuyan at inip na inip kana sa pagdating ni Malakas ano ang gagawin mo?

  • Dudungaw ka na lang ba sa me bintana at hintayin ang magdamag sa pag daan ng tunay na malakas hanggang mag umaga?
  • Kung si Mang Kulas ang dumating, hindi moba papapasukin kung hinahandugan ka nman nya ng libreng tsinelas?
  • O kung si Mang Pilo nman ang nakatok sa iyong pinto at me-regalo sayong kornik hindi moba papansinin?
  • Kung isang gabi e nang harana sayo ang textmate ni Phoebi at ialay sayo lahat ng kanyang tindang balot, tatanggi kaba?
  • O baka nman hinihintay mo si Josh na isang milyonaryo pero pilit na ikinubli upang ikaw ay mabighani sa lab-storing ginawa ni Kuya Kenji.

Hanap ka ng hanap ke Malakas, ngunit, subalit, datapuwa't nabigyan moba ng halaga ang tao sa paligid mo? Papaano kung ang tunay na prince charming sa buhay mo e nagbabalat-kayo din pala gaya mo?

Hintay ka ng hintay, feeling mo kakapusin ka na ng oras.
  • Pero naisip moba na baka si Mang-kulas ay iyong katapat sa buhay? Edi palaguin nyo ng sabay ang factory nya ng tsinelas.
  • Baka nman si Mang Pilo na kahit korning-korni ka sa kanyang mga jokes e pilit ka parin nyang pinapangiti? at me baong sili para mabigyan ka ng variety.
  • O baka nman ang misteryosong textmate ni phoebi ang iyong kapalad, dahil sya ang nakakapagbigay lakas pag nanghihina ang iyong mga tuhod sa paglalakad.
  • Hindi morin alam na baka si Josh na nagpakilalang Joselito ang iyong magiging kapalaran kung tatanggapin molang ang estado niya sa buhay.

Pahalagahan at bigyan mo ng chance ang mga taong kumakatok sa buhay mo. Wag mong sayangin ang bawat oras, wag mong sayangin ang kanilang mga handog. Ang bawat taong nagiging bahagi ng buhay natin e hindi lahat perpekto. Ang mga katangiang binuo sa panaginip mo ay minsan kabaligtaran sa pagkagising mo.

Hindi hadlang ang kanilang kakulangan kung handa mo nman itong punan. Kung nakahanap ka nga ng perpekto, hindi ka nman kaya manliit sa sarili mo?

Wag mong pangarapin ang mga Bida sa pelikula, pero pwede mong subukan ang mga naging extra dahil isang araw e sisikat din sila.

Tanggapin mo ang buhay na nakalaan para sayo, mahalin mo ang sarili mo at ang mga tao sa paligid mo. Isang araw sa kakatitig mo sa kawalan, hindi mo napahalagaan ang isang taong handang maghintay , upang tanggapin molang ang pag-ibig nyang alay... ayan...anjan lang pala sa iyong likuran (sabay tingin sa likod)...... sayang nman... baka si shaider yan.. ang ating pulis kalawakan..




Tuesday, April 25, 2006

Mga Lumang Hirit

Galing si erpat sa pinas at doon nag holy week. Chikahan kami from airport on the way home. Hay ininggit na nman nya ako at tuluyan nangang na homesick si tutube. Pagdating namin sa bahay kahit madaling araw palang hindi na ako nahimbing. Nilantakan ko na mga pasalubong nyang buto-buto.

Introduction:

Habang kinakain ko ang suman nyang dala, nag-halungkat ako sa aking mumunting kwarto. Maluha-luha ako sa aking nakita, ang aking golden baul. Joskoday, alam kona ang kahihinatnan nito, sasakit na nman ang tyan ko. Ang aking Golden Baul, kung saan nakalagay ang aking nakaraan at mga memorabilia ika nga nila. Ung mga love letters ng mga ex-men at ng kung sino-sino pang nabulag ng munting tutubi. Nakaayos nman sila, hindi Alphabeticaly ha... by date lang nman..

Dahil nga homesick, kelangan mag libang dahil medyo mahaba haba pa ang dilim bago mag-araw. Binuksan at binasa ko sila isa-isa. Sabi ko na ngaba, kelangan ko ng gamot pampaalis ng kabag. Sa unang sulat palang, nais ko ng masiraan ng ganda (at meron nga ba?).


Warning to my readers: ''Lam ko napag-daanan natin lahat ang pagsulat ng ganito, pero kung sa panahon ngayon ko mababasa ulit ito, magiging zero ang lab-life ko. bwahhaha... Pahintulot sa mga bansang nagamit.


Simulan natin sa International Countries:

Sa unang sulat palang, walang kamatayang J.A.P.A.N. [Just Always Pray At Night] Kung sayo ko sasabihin yan, ibig sabihin Magdasal kana kc basted kana hindi ba?

At eto namang isa, isinali pa ang bansang I.T.A..L.Y. [I Trust And Love You] Nakikain cguro ito ng Boy bawang ko, eh ang korni kaya!

Buti nalang etong isa tanggap na frenship lang ang pwede kong i-offer F.R.A.N.C.E. [Friendships Remain And Never Can End] mabait na bata talaga ang chi-hua-huang ito.

Nung sinusuyo palang ako ni ex-men.. sabi nya LIBYA [Love Is Beautiful, You Also] ang baduy no? pero ok lang at least beautiful daw ako!

At ng maging mag syota na kami, HOLLAND [Hope Our Love Lasts And Never Dies] haw sweet ne?

Dahil syota ko nanga, malakas na ang loob nya C.H.I.N.A. [Come Here! I Need Affection]

At talaga nmang binola pa nya ako E.G.Y.P.T. [Everything's Great, You Pretty Thing!]

Eto nman ay galing dun sa secret admirer ko C.A.N.A.D.A. [Cute And Naughty Action that Developed into Attraction]

Dahil ayaw magpakilala ng torpe eto nlang nasabi nya I.N.D.I.A. [I Nearly Died In Adoration]


Ito naman ay sa Local location lang natin sa Pinas:

Isang gabi, after naming mag date sa luneta sabi nya M.A.N.I.L.A. [May All Nights Inspire Love Always], kaka -inspired pala ang gabi.!! hehe!

Pagkatapos nyang nahingi ng kiss P.A.R.A.N.A.Q.U.E. [Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy] Loko sya no?!

At after ko nmang nagpabola sabi nya I.M.U.S. [I Miss U, Sweetheart] hehe!!

At ng gusto na nyang mkitulog sa amin P.A.S.A.Y. [Pretty And Sexy Are You]
bolahin mo lelang mong panot. at ayan nanga si Lolo Kolas me dalang itak!! takbo-bilis-takbo hahahah!!


oh dba ang galing ng mga hirit? wako say, sige tulog na ako mahaba na ito!!!




Sunday, April 23, 2006

Mang Pilo, pabili ng Kornik!!

Bago ang aking keyboard kaya naisipan kong ipalatok ang aking mga daliri ng maexercise narin sila at ang aking pumupurol na utak.

Habang nakain ako ng kornik, iniisip ko kung ano ang ita-type ko? Eh bkit pa ako nag-iisip samantalang tuloy tuloy nman ang pag pilitik ng aking mga daliri sa bago ko ngang keyboard (ang kulet naman neto at pangalandakan daw). Kasi naman plano ko talgang palitan na ang aking compyuter ng bago, kaso e keyboard at mouse pad palang ang nakayanan ng beauty ko,,, heheh.. pasasaan ba mabubuo korin ang computer na ito.

O mabalik tayo sa titulo ng aking Entry. Hindi ko kilala si Mang Pilo pero gusto kong bumili ng kanyang mga kornik, masarap kasi eh! malutong pag bagong luto. Kapatid ata ni Mang Pilo si Mang Kulas na nagbebenta ng tsinelas sa bahay ni Melai. Alam ko di nyo magets. hehe! ako rin naman. o Sige siryus na ako. Baka akalain nyo eh pinagloloko ko kayo.

Walang mali sa pagiging korni, walang nakatalang bawal maging korni sa bible, at lalong walang regulation sa mga blog-blog na ito na bawal ang korni. Ang ibig sabihin kolang my fren, kung ayaw mong magbasa ng korni, stop kana dito. wag monang ituloy ang pagbasa nitong entry ko.

O eh bakit si Romeo nagpakakorni din nman sya ke Juliet hindi ba at vise-versa? Oh Juliet my Juliet ... etc.. (diko memorise ung line sensya na). Eh bkit hindi korni sa pandinig? kc nga ingles ano kaba! hehe!! Sino ang hindi nagpaka-korni ng niligawan ni Mister si Misis? ni boyfren si girlpren? Ni Lolo si Lola? Ni Enteng si faye? Ni Wax si Peachy? at kung sino-sino pa jan.

Minsan pag nagmamahal ka, hindi mo napapansin na korni kana pala. Eh ganun eh! korni ang pag-ibig pero hindi ba masarap nman sya (lalo na pag bagong sibol palang?).

Sabi nga ni kapatid na Ella, kahit sing bantot pa ng tae ang pangalan mo, pag ang mahal mo na ang nagsabi nito gaganda at gaganda sa pandinig mo... parang ganito "Oh Pilofania aking irog, sing ganda mo ang araw sa umaga". oh dba karin korni at baduy feel mo parin kc nga nanggaling sa iyong iniirog.

Sa buhay natin ngayon minsan kelangan magpaka korni, para maisawika mo ang nilalaman ng puso mo. oo promise! E bakit ba kelangan yon? para po mabigyan ng spice ang iyong lukot lukot na mukha! Kung kelangan mong tanggalin ang H or dagdagan ng H ang bwat salita mo, or palitan ng F ang mga letter P sa text mo. kung un ba eh makakadagdag ngiti ng labi ng iyong mahal, hindi moba susubukan?!

Ikaw! oo ikaw! matanong konga lang, dba mas masayang company ung mga nagbibigay aliw? Oh ano na nman naisip mo, hindi ung mga nagbibigay aliw sa mga bata (clown nman un eh), hindi rin ung mga nagbebenta ng panandaliang aliw (bad nman un). Ang ibig kong sabihin na nagbibigay ng aliw, ung mga frens mong joker, ung mga taong nagbibigay ngiti sa iyong labi, ung mga korni mong Friends (natumbok ko narin sa wakas) sila ang tinutukoy ko. Pano nalang tayo magiging masaya kung wala sila hindi ba?!

O ngayon, kung korni ang mga pinagsasabi ko dito, eh bakit hanggang ngayon nagbabasa kapa?! AT kung talagang ayaw mo sa mga korni at ayaw mong magpaka korni bakit patuloy ka parin nagbabasa ng entry na ito? hahah! gotcha!!!

Sa panahon ngayon, dahil sa dami ng ating problema.. hindi kailangan maging seryoso lahat hindi ba?! minsan kantahan mo ng bituing marikit ang iyong asawa o ang iyong Ina, tingnan kolang kung hindi yan tatawa. ayaw moba nun may napapasaya ka?! May silbi kana my fren heheh!!

O sa mga nakitawa at naki korni sa entry ko na ito, mabuhay kayo. Sa mga ayaw aminin na nagbasa ng entry ko, bahala kayo sa buhay ninyo. Sa mga gustong mag appreciate ng kakornihan ko, anopang hinihintay nyo, mag koment na kayo...!!



Dedicate ko ito sa best ko.. mokong oo ikaw nga ang tinutukoy ko Enteng kabisote... kahit korni me sense nman ako! bwahahhahah!!!

Attached ko narin itong picture ng Kornick ko sama ng tagay na Smirnoff. Ginawa kong transparent ang mukha ko kc nga korni! heheh!!


Saturday, April 22, 2006

Kapag May Tyaga, may Nilaga (nilagang itlog)

Kahit tapos na ang Easter Egg hunting, 'bout egg parin title ko. Me hang-over kc ako sa mga EgglogS ng ating mahal na Neneng. 'Kaw ba nman ang handaan nila ng Egglogs sa blessings ng bahay ni MistyJoy dba?!


"What is ur Motto in Life"?! "Kapag MayTyaga, may Nilaga", yan ang laging entry ko noon pag natanong na ang aking motto. Un lang nman kc ang madaling tandaan dati kaya yun na ang nakahiligang isulat sa mga Slambuk. Kaw ba nman ang may tatlong-put tatlong girl klasmate , at isa isa mong susulatan ang ibat ibang style ng Slumbuk or Autograph book din kung tawagin dika kaya kapusin ng motto mo sa buhay?!


At ang walang kamatayang "Love is Blind" sa tanong na What is Love? hahah!! Ang baduy pala nun no?! dati kc peborit kung sagot un, dahil diko pa tlga alam kung ano mang meaning ng love. Pero nung huli nag change mind ako, kc d nman tlga bulag ang love hindi ba?! ganito na sya " Love is like a rosary that is full of mystery" hahah! gaya-gaya puto maya din kc ako dati.


Anjan din ung "what is puppy Love & do u have one?" hahah! Ang taray! Kung babasahin ko cguro ulit ung mga pinagsasabi ko noon sa mga slumbuk nila, ikakahiya ko ang sarili ko pwamis!!


What is crush? (ang sagot ng tutube?) Crush is only Paghanga!! hehe! kabadoy no mga brad?!!

Who is your crush? isang malaking S-E-C-R-E-T. (dpa uso nun ung Secret deodorant kaya mabenta ung word na secret) o kaya nman Many to Mention. (ang dami kaya nun?) Pano nman ksing hindi secret ang ilalagay ko, ang mga pasaway kong klasmate sinasa-botage ung iba para malaman kung sino mga crush ng iba. (noon ay hindi pa uso ang word na "pasaway" hindi ba?)


Pero kung sakin itatanong yan ngayon, kulang ang isang blog para maisawika ang lahat. At promise ko hindi na sya ganun kabaduy, dahil nobela ang kahihinatnan...


Kung uso na sana ang blog nun, edi copy and paste nalang dba?! haha!! at mabilis pang kumalat ang tsismis. At nagpaka baduy daw ako at gusto pang gawing Slambuk ang Blogosphere!

Nakapag reminisce na nman ang Tutubing-Karayom.

Oh sige luto nayung nilagang itlog ko, kain muna ako!!! Naantay ko kc ung nagbebenta ng balot, wala naraw puro mga penoy nalang daw.. haha!!



Friday, April 21, 2006

Was it Jenny or Ginie in a Bottle?!


Bakit kahit saang movie or tv series o mapa Nobela kahit komedya man or cartoons laging tatlo lang ang pwedeng ibigay na wish ng ginie?! Ala lang natanong kolang! Cguro favorite number nila ung three hindi kaya?! ewan koba, pati un e napapakialaman ko.




Lunch break ko knina ng 11:00am kc day off ng aking officemate so i need to be at work before 12noon. Habang ako'y nagda-drive papunta sa may sub-way (diet kc ako mga prens), sinipat ko ang orasan ng aking sasakyan.. eksaktong oras 11:11am. Hay dagli-dagli kong binagalan ang aking pagda-drive at ako'y medyo napasinghap. Sabi kc nila pag ganun ung time, u can make a wish. Nag-konsentrate naman ako at nagwish. Aywan ko kung totoo un, e kaya kolang nman nagawa un kc hindi ko araw-araw nakikita ang ganong numero ng orasan. Malay mo swerte dba? at matupad ang aking wish. Malalaman kopa next month kung matutupad nga ung aking winish.


Nung ako'y nasa college nman, nag rent kami ng apartment malapit sa skul 2geder w. my bro and sis. Isang sakayan lang at 5 minutes papuntang skul-bukol. Araw-araw kong nadaraan ang riles ng tren. Sabi din nila pag dumaan ka sakto sa riles hawak ka agad sa kahit na anong may color blue at pwede kang mag wish. Aywan korin kung totoo un, pero naman dahil everyday nman akong napapdaan don, nakakalimutan ko tlgang mag-wish, malay ko magkatotoo ala nmang mawawala. One time kong ginawa yon minsan, kasama na ang isang damakmak na prayers kay Lord at ako ay nag-wish. Nagkatotoo nman sya at nakita konga ang bestfren ko na matagal ko ng di nkita. Palagay ko prayers nman ung nag grant ng wish ko hindi ung riles ng tren hindi ba po?!


Meron Commercial dito sa lugar namin bout sa game na Bingo. Lam mo nman ung mga taong walang magawa at pinapatay nila sa larong bingo ang knilang homesickness. Sabi nung isang matandang babae sa commercial "Bingo can change life's". Toink.. bkit nman ako maniniwala sa kanya aber?!! Ano nman kaya ang magbabago sa life mo pag nanglaro ka ng Bingo?! Sori sa mga Bingonero ha! hindi kolang tlga mawari kung papaano magbabago ang life mo pag naglaro ka ng Bingo. Pwedeng mabingo ka at matalo lahat ng pera mo hindi ba?! Bkit hindi nlang sila pumunta ng simbahan at doon for sure ako, kung mananalig lang sila 100% pwedeng magbago ang buhay nila.


Kahit hindi nman tototo ang ginie, pwede parin nman tayong humingi ng wish kay Lord, kahit nga minsan hindi pa natin nawiwish pinapa package na ni Lord sa mga Angels nya ang ni-wish natin dba?! sabi ko nga dun sa koment ko kay Manong Royce, sana may sense ang entry ko, pero hindi nman kailangan lahat may sense hindi ba?!




Thursday, April 20, 2006

Have u Been Blogsterized today?!!

Ikaw ba ay kaisa nasa milyong-milyong blog addict?

Ung tipo na kulang ang maghapon mo kapag hindi mo nabasa ang mga kabulastugan at kakikayan ng mga Idol mong blagista. Tapos Inis na inis ka kc kulang ang time mo para mkapag comment sa mga nakakatanggal pagod na entry ni Ms. Ella, kaya sa shout out box knalang nakapag-tag ng message. At kaisa ka sa sumusubaybay sa mga kwentong tambay ni Mr. BatJay at sabik na sabik kang magbigay ng komento sa Kuro kuro ni Ka Uro. Napapabungisngis karin ba sa mala French Lesson Ni Big Daddy, kaya minsan hinuhulaan mo nlang kung ano ang mga pinagasasabi nya sa Comment ke Ms. Ella?! At nakikibaka karin ba sa mga pagbisita ni Royce sa inyong mga bahay na lubhang napaka humble at nilulunok nlang daw ang kanyang pride (chicken bayan?!). Nanjaan din ang napakagaling mangharana na si mang KaDyo na tlagang feeling inlove sa kanyang Wish-heart. Present din of cors sa pakikipag tagisan ng kanyang Gandang lalaki sa mga Thai ang ating Mr. JLO-is. At naging feeling Dhianne or Anne kanarin ba sa Romance novel sa Kenjie's Journey?! Kaisa ka narin ba sa mga gustong ipapublish ang blog ni Miko Dela Cruz?!

Marami pa tayong mga blagista dito sa Cyber na talaga nmang napamahal na sa atin. Hindi kumpleto ang araw kung hindi nakabati sa kani-kanilang bahay. Napupuno ng galak ang ating mga puso kapag merong nabisita sa ating mga tahanan hindi ba?! Isang tunay na pamilya ang turing sa isa't isa. Me nagpapadala ng chokola-tes atbp. Iba't ibang klase ng tao pero nagkakaisa sa lahat ng mithiin at layunin. Ang mapasaya ang kanilang mga mambabasa. Upang kahit saglit ay tanggalin ang kanilang pagod at sakit na nararamdaman. Bigyan ng pananalig ang mga nahohomesick sa kanilang bayan. Nilalagyan ng panandaliang ngiti ang kanilang labi sa mga nakakatawang entry. Pagbigay ng kulay sa mga nagdidilim ng mundo. Mga tunay na tao, na hindi pinagkait ang kanilang talento para bigyan ng saysay ang buhay ng isang tao.

Sa mga kapwa ko mambabasa at blagista dito sa cyberworld naway ipagpatuloy nyo ang iyong mga magagandang mga akda dahil marami kayong natutulungan at marami kaming natututunan...




Wednesday, April 19, 2006

Special days!!

Malapit na ulit ang Mother's day tapos Father's day, sama na natin ang Memorial day (our first official holiday d2 sa opis), meron din friendship week, and for the lucky one's na ksama ang knilang mga family they can able to celebrate family Day every Sunday.


But i'ved been thinking since super miss kona ang bestfren ko, at madalang nlang kaming maka chat, i wanted to give him his Special Day. not his birthday of cors. A special bestfren's day. Iba nman kc ung friendship week compare sa dito. I dedicate this day to u my bestfren. Lam ko dami mong problema now adays, but i want u to remember andito lang ako. This One is for You!!


I'ved been tagged by our beloved Ella kaya sabay ko nlang i-post dito. Since bago lang ako sa blogger world, hindi nalang muna ako mag ta-tagged ng iba, kc ala pa akong ka close dito eh! hehe!!

Rules: List of seven songs you are into right now. No matter what the genre. Whether or not they have words or even if they're any good, they must be the songs you enjoy right now. Post this instructions in your blog along with your 7 songs then tag 7 people and see what they are listening to.

Since ala nga ako sa pinas mahilig akong mag download ng mga tagalog na songs, syempre todo support na tayo ngayon sa mga opm songs, ayos nman kc tlga mga songs na likha sa ating kapwa pinoys. Eto na po mga prens ang mga latest sa peborits ko:

1. We Belong - sung by the most talented artist Toni Gonzaga. Ganda ung song, medyo may pagka First Love ni Utada Hikaru. Peborit ko, inuulit ulit ko tlga hanggang mapaos na si Toni.
2. Bakit Ba Inibig Kita - Regine Velasquez & Erik Santos
3. Invincible - Christian Bautista
4. The Man i was with you - Jimmy Bondoc
5. Alipin - Shamrock
6. I Care - Rachelle Ann Go
7. Tedhannah - Parokya Ni Edgar



Tuesday, April 18, 2006

Monthsary

Today po ang aming 4rth monthsary wedding nmin ng mahalko. Parang kelan lang nung sinagot ko sya thru text kc Ldr nga kami! Compare sa mga ibang kablogs natin jan, alam ko wala pa ako sa kalingkingan ng napagdaanan nyo. Kung tutuusin e sisiw palang ang four months hindi ba?!

Maikwento nga ang nakaraan.
Nung kami ay mag gf-bf palang, naicelebrate namin together ung first monthsary namin sa bahay nila. Nagpaluto ung Mommy nya (na mother-in-law kona ngayon) ng iba't ibang klase ng fud. Kaya pala nung mga nkaraang araw na un e tanong ng tanong sya sa akin ng mga peborits kung fud, un pala e may plano. Nahiya nga ako eh kc parang fiesta sa dami ng cholesterol.. i mean ng pagkain pala. Eh hindi naman tlaga ako matakaw gaya ng pagkakaalam nila, malusog lang po tlga ako (since birth napo un). One week lang ang vacation ko nun, pero sulit nman. Muntik na nga rin nya akong tinanan, opo.. totoo un. Nung paalis na ako, kinwento nya sa akin un. Ang erpat nyang nasa Japan, ang Mommy nya at sya. sama-sama silang nagplano na itanan nlang daw ako. pero at the end they change their mind. Baka daw masira lang ang pagsasama nmin kung mamadaliin hindi ba?! ok nman pala sila. hehe!

Last year of July, nag decide kami na magpa-civil wed pagdating ng December. I told my parents and he did the same. Aba, ang mga parientes, akala ko e papalag, ang sabi ba nman e bakit daw ang tagal?! hehe!! Grabe eno! So ok na ang plano namin. magbakasyon kami ng 2 weeks para sa civil wed. Pero ang siste, pag dating ng October umuwi sa pinas si erpat, biglang namanhikan sina mother in law may dalang pansit at kung ano-ano pa. Ibang klase tlgang pamamanhikan ito mga prens, bf ko nasa cebu, ako dito sa US sama si ermat, si father in Law nasa Japan. Ang mga namamanhikan?! nasa pampanga po! Oh hindi ba, galing-galing. CLose nman kc erpat at mother in law since birth, kaya ganun nalang ang saya nila. At ang ending ng usapan nila?! Church wedding nlang daw agad. Kaya ganun nlang ang kaba ko dahil less dan two months nalang ang time namin to prepare for everything.

Fast forward na, un na nga halos hindi na ako huminga sa dami ng gagawin, pag uwi ko sa pinas one week b4 d wed. Imadjin, seminar dito seminar dun, interview ke fader, distribute ng invi sa mga importanteng guest. Buti nalang e napakahusay ng aking mother in law at na organized namin lahat before the wedding day itself. Suma total??!! Simple yet elegant wedding sabi nga ng bestfren ko na galing pasa Singapore. Msaya tlga un!

So 2 weeks after da wedding kelangan na ulit naming mag ba-bye ng aking mahal. Mahirap talga un. Kabundok na luha ang lumabas ng akoy nasa NAIA na, at sya'y iniwan kona sa Cebu. Sa totoo lang un ang pinakamahirap at masakit na naranasan ko sa tanang ng buhay ko. Ang iwan ang iyong mahal. Pero survivor nman kami e! Look after 4 months heto na kami, mas matatag and never been better.

Nagmuni muni ako isang gabi, kung ano na ngabang nagbago sa akin after kong maging Mrs. Lo. Naging matipid ako, madali akong umuuwi after work para matext sya na nasa bahay lang ako, naging pasensyosa (kailangan kung meron kayong kabiyak na super moody, kelangan yan), ano paba?! Simpleng Hi and I love u na text ayos na buong araw ko. Minsan, diko lang napapansin... im already acting as a mature wife, hindi ngalang halata pero base sa mga gamit ko ngayon sa bahay lalo na sa room, u would see a reflection of a matured woman not a teeny bloopers anymore.





Sa almost four months naming naging Mr and Mrs, marami na kaming napagdaanang kung ano-ano. tampororot dito tampo dun, away dito away dun. Pero ganun naman daw tlga, kc nasa adjustment period parin. Pero madali lang nman kaming magbati. Alam na nman ang kiliti ng bawat isa. Kaya mdali na para sa amin ang mag compromise. Madami na kaming mga plans, marami kaming gifts na gustong ibigay sa isa't isa, and he wanted to become a father na daw, gusto ko narin syempre. Sarap kasi ng mga pamangkin ko kaya nainggit ako hehe!! I think 9 months carrying a baby into my womb will prepare me for being a good mom nman.

So Next month, bakasyon grande ako. Uwi muna cguro ng pampanga for about 3 days at mapuntahan ang aking mahal na mother in law, bago lumipad patungo sa bayan ng cebu. At doon paplanuhin kung paano bubuuin ang aming magiging kambal.(at nangarap daw kami ng kambal oh!) ehehe!! wish lang namin yan, para minsanan nlang ang hirap.. hahah!!

Monday, April 17, 2006

Long Distance Romance



Papano ngaba talaga nakaka survive ang nasa ganitong sitwasyon?! Long Distance Relationship, in short LDR. Eh sino pabang taong una sa listahan ko?! eh di ang sarili ko at ang aking minamahal na kabiyak. Opo, ako po ay nasa labas ng pilipinas at ang aking asawa ay nasa probinsya ng cebu. Kesehodang ang iyong mahal ay sasakay ng Jet plane papuntang Italya o sa Indonesia, there are a lot of ways to bridge the distance between the two of you. Staying connected with your love ones, while you are miles and oceans apart, is easier than we ever think.


Long Distance Romance can really work, my ultimate proof?! o syempre ako na nman ang bida! hehe!! Suma total ng pag-sasama naming mag-asawa ay isang buwan palang marahil (physically un ha?!), pano nangyari yun?! The power of Love!! We just really need a little extra effort and some planning on how to survive. It wasn't really hard, pero i didn't say it was easy. Nagiging successful ang isang LDR if they can able to manage the distance that seperate between the two couple.

Eh sino ngaba nman may gustong magkalayo kayo hindi ba?! No one chooses to be in this kind of relationship. Pero minsan no choice na tayo, mahal natin sya eh! kaya nag hohold-on tayo at nagtitiis. Pag-pumasok na ang Love sa usapan, eh hahamakin na talaga ang lahat. Meron namang mga advantages ang nasa ganitong sitwasyon. Ang Una; humahaba ang inyong pasensya..sabi nga nila " patience is a virtue", kelangan marami kang baong ganyan kung nasa ldr ka. Pangalawa, mas lalong magiging matatag ang inyong relationship. Pero dapat merong Trust. Kelangan marami karing baon nyan. kc kung wala kayo nun, eh babagsak at babagsak kayo sa hiwalayan. Maraming nasisirang relasyon dahil dito. Pero ang mahalaga sa lahat ang Communication.

Compare sa panahon natin ngayon, aba marami ng ways para mapanatiling bukas ang ating komunikasyon. Anjan na ang Texting, chatting with videocam payan ha, voice conference (mas mura compare sa long distance call, email, meron pang friendster para pang update ng pictures, ok parin nman ang pag send ng letter or card via air mail (masarap parin sa pakiramdam). Kelangan ma-tyaga kalang talaga at kailangang makuntento kana kung ano kayo ngayon, dahil isa lang nman ang dahilan bkit kayo magkalayo ngayon eh! for ur Future. dahil one day... magsasama rin kayo... at matatapos na ang LDR na ito...


Saturday, April 15, 2006

Time to be true christian

Bukas na ang pagbibigay pugay natin sa araw ng muling pagkabuhay ng Dakilang Jesu-kristo, ito ay ang tunay na pasko. Ito ang araw na binigay sa atin ng Poon upang pahalagaan ang kanyang pagsasakripisyo, ang pagtalikod sa mga kasalanang tinubos na niya para sa atin. Madali lang kung iisipin, pero napakahirap gawin hindi ba po?!

Gaya nalang nung pagpapatawad. Madali lang sabihin na "Oh! pinatawad kona si ganon at si ganyan tutal Holy week nman". but Hey! heres the catch. "hmmmmnnn... basta wag lang magpapakita sa akin ang bruha nayan dahil baka diko mapigilan ang sarili ko at ...... ". hindi ba ganyan tayo?! Ako inaamin ko tlga, minsan napakahirap patawarin nung mga taong talagang nanakit sa atin. Pero ang sakit na yon ay wala ni sa kalingkingan ng sakit na nadama ni Kristo ng syang pasakitan at ipako sa krus.

Sabi nga nila "its easy to forgive but it takes time to forget", pero ano pa ang halaga ng pagpapatawad kung hindi nman natin pwedeng kalimutan hindi ba?! parang wala rin bisa ito. Part na ito ng pagiging tao natin. Pero mas magaan sa kalooban kung taos sa puso ang pag forgive dahil kaantabay nito ang pag forget nung mga kasalanan ng mga taong nag kasala sa atin.

Hindi ako isang banal na tao, makasalanan din ako pero im really trying to become a faithful follower of Christ, a true Christian at heart. Sino ba nman ang walang bahid ng karumihan at kasalanan hindi ba?! pero Alam natin na kahit paulit ulit tayong nagkakasala ay paulit ulit parin tayong binibigyan ng Chance ni Lord para magbagong buhay basta taos puso ang paghingi natin ng tawad. Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon ni Lord para ituwid at ating mga mali at tahakin ang tamang landas. Nawa'y magsilbing inspirasyon sa atin ang lahat ng kanyang naging sakripisyo para pahalagaan natin sya at ituwid ang ating mga buhay...


Thursday, April 13, 2006

Easter break

This time around sa Pinas, for sure sa mga workers e bakasyon na nila, sa mga students nman whole week na walang pasok (sa mga nag sa-summer yan). Hay, ang sarap mag bakasyon khit one week lang no?! Ganyan ang Holy week sa atin sa pinas. Uwi sa Probinsya, time to bond ika nga nila. Reunion dito, reunion doon. Ang saya.

Every thursday we go to different places to visit the church, "Bisita Inglesia" ang tawag nila dun. every church ay mga mga naka design sa may altar. Something to reflect with. I remember, i used to go every year together with my old friends. Sa isang x-lt kami sasakay, magbabaon ng fud. favorite ko nun kainin ung singkamas kc hindi ka uuhawin. Parang anim or pitong church ata ang dapat mapuntahan. Tapos mag dadala ng camera at picture picture pag labas ng church.

Nakahiligan na sa atin ung mag panata. dba ung iba sinasaktan pa ung mga sarili nila at naglalakad sa may daan. Minsan may dala pang krus or hinahagupit ang sarili, para daw maramdaman nila khit konti ang naramdaman na sakit ni Hesus nung sya ay ipinako sa krus. Sa Pampanga marami nyan, meron pa ngang nagpapapako talaga sa krus. Every year they are the same person who do this, kc nga panata na nila un. Kung sa pag gawa nun e dun nila ma feel ang tunay na halaga ni Lord sa buhay nila, hayaan na natin sila. Hindi nman natin sila pwedeng i judge hindi ba?!

Hindi nakahiligan sa lugar namin ang mag sadula ng kwento about sa nangyari kay Jesus sa krus, what amazed me since kid pa ako noon, pinapaputok nila si Judas. Merong parang paper doll na si Judas kuno, at i ha-hung sa may plaza. tapos isa isa pinapaputok nila ung kamay nya, den paa hanggang sa ulo nalang ang matira at hanggang maubos na. Cguro katuwaan lang pero parang mali nman ata un dba?! wala akong makitang resemblance sa ngayon. hehe!! I remember every easter sunday sa province nmin, they never allowed us to joined the egg hunting.. i really wanted to tlga. pero no one will bring us sa may Bayan kc medyo malayo un sa aming bahay. Hay too bad for me i never experience hunting eggs.. haha..

What was the true sense of the Holy week ba?! Probably first sa list ko is SACRIFICE. Dba ganun naman ang ginawa ni Lord nung binigay nya ang anak nya na si Papa Jesus para sa atin. den Jesus sacrifice His own life just to save us from our sins. So maybe dats what God wants us to do too. Second is FORGIVENESS. This is the best time to forgive na those people who hurt us. Para nman maging worth din ung sacrifice na ginawa ni Lord, we should do something like dat dba?! I knw magiging proud si Lord sa atin if we try to be more like him rather dan showing the world that u hurt urself just like ur panata. Ang last but not the least show more LOVE people. sabi nga sa Bible ( John 3:16 ) "for God so LOVED the world, He gave us is only son". So lets give more Love, hindi nman talaga mahirap un dba?!

Part of our Sacrifice to is Forgive those people who hurt us the most and Love those who needs to be loved.

Hay sana khit minsan lang nagka-sense ang post ko! hehe!! Happy Easter to Everyone!!!


Wednesday, April 12, 2006

Clumsiness - Gracelessness

Ito kaya'y isang sumpa?! i hate it! Inis na inis ako sa sarili ko why im such a clumsy person. Well, sabi nila dahil daw kc childish ako. Eh ano kayang kinalaman nun eno?! At least wala pa nman akong na damaged na ibang tao or even gamit ng ibang tao 'bout my unpolished graceness. Sarili kolang ang halos napupuno ko ng aking katangahan.

Being unperfect was not a big deal for me, wala nman atang taong perfect dba po?! Lahat tayo may flaws, minsan magaling lang mag dala ung iba, magaling mag tago kung ano ang weakness nila. Pero ung flaws ko?! hehe ang hirap itago kapatid. Minsan dinededma ko nalang tlga sya pero pag humirit.. anak ka ng pating... cguradong may mantsa.... ang damit ko.

Ganito yan, kahit na gaano pa ako kahinhin or kagaspang kumain for sure 100% mag kaka stain ang either blouse or pants ko. Alam mo un khit super ingat kona, one wrong move ang kulay ng kare-kare ay mag rereflect sa aking damit. Or minsan kahit na pagkalaki-laki na ng desk ko sa opis e bakit lagi at lagi kong natatapon ang aking kape. Buti nalang hindi trip hazard ang aming office kung hindi sa araw araw na ginawa ni Lord e un ang mag yari sa akin.

Minsan at home, i tried eating na nga with the plate in my hand super near na to my face para hindi ma-spill or matapon ang kinakain ko, pero ganun parin.. naglalaglagan ang mga kanin. Minsan sa movie theather kung hindi ako madapa e pop corn nman ang matapon. Hay, maingat naman ako pero parang kambal ko na ata ung ganun. Kaya minsan gusto ko puro sandwich nalang fud ko para maiwasan ko ung mga ganyan...

Buti nalang dito sa blog walang biglaan or hazard, pwede kong i delete or i retouch ang aking pagka clumsy. Walang bawal at walang nakakahiya.

Monday, April 10, 2006

ok na sya!!!

Huh! Maghapon kong binusisi ang template ko buti nalang hindi loaded sa office. Minsan nman pasaway ang blogger pag-publish mo kunikulang ung mga html ko, in short napuputol. Kaya ngaba back up ako ng back-up. At ngayon medyo satisfied na ako sa look nya. Ok nman pala ang color red pag sinama sa black and white. Boring nman kc ung dati eh! Buti naman e nagamit korin ang mga ilang araw kong hindi pag absent sa aming html class noong college. hehe!!! yahooo!! Alang kwenta itong post ko nato, masaya lang ang batang tutubi!!!


Saturday, April 8, 2006

The Wedding Planner


Natapos narin sa wakas ang silent war namin ng aking mahal. Huh!! biruin mo ang dami ng namagitan sa amin pero pareho kaming matigas. Nkiusap na ung Mama nya na forgive ko na daw ang kanyang mahal na anak at si Ate ko din ganun ang ginawa sa kanya. Ako?! di nman talaga malalim ang galit ko dun, pag narinig kolang ung Sorry nya at ung tawagan nmin sa isat isa e solve na solve na ako dun. Pero kc sya ang daming dada, mas makulit pa kesa sakin. Kya hayun humaba ng pagkatagal tagal. Pero sa huli, ako parin ang sumuko. Nilalamon ako nung pride nya. mas malaki ang pride nya kesa sakin kaya di ko kaya. pero after i apologize he did his part din nman. Nag sorry narin sya. Kung baga e, gusto lang tlga nya akong mauna. o baka nman hindi nya alam pano sisimulan dba?! afraid tlga ang lolo nyo na mawala ako. hehe!

Marami din akong narealize sa war naming ito, akala nyo. Una, dahil nga magkalayo kami sa isa't isa kailangang mas habaan pa namin ang aming mga pasensya. Hirap kasing hulaan minsan ang nararamdaman ng isa. Kung galit naba sya or nagtatampo na ba sya. Second, dapat maging open kami sa lahat. Meaning kung tlgang busy sya at hindi nya ako matext e sabihin agad ng hindi ako mag expect ng mga text nya every other minute hindi ba?!! Pangatlo, bawal ang super na pride. Sa aming dalawa, tanggap kona na mas malaki ang pride ng asawa ko kesa sa akin. Lalake kc sya e! at mahal ko sya. tanggap ko ang lahat lahat sa kanya. Ang consolation ko kc.. alam kong mahal na mahal nya ako at hindi nya ako ipag papalit kahit kanino. hay sarap mag mahal no?!

Halos apat na araw na ang aking lagnat-laki. Hehhe! lagnat-laki ang tawag sa lagnat naparang katamaran lamang. Ewan koba, sa training palang nmin nung mga chihuahuang kano naun e nahihilo hilo na ako. Pero kelangan mag trahabo at bawal magkasakit. At last yesterday ng hapon after work e humilata na lang ako. Hinayaan ko muna ang aking Ina na mag take over sa lahat ng gawain ko. Meaning sya muna ang nagluto ng dinner habang wala pa ang aking mahal na Ama. At first time ulit kaming kumain ng salo salo after a long long time. sabi nga ni Erpat magpamisa daw kami. hehe! kc nman super busy si Mahal na Ina sa kanyang schedule.

Anyways, kahit ngayon e humilata lang ako maghapon. Nag load ng ilang dirty laundry. un lang ang kapaki-pakinabang na ginawa ng beauty ko. Buti nalang ako lang mag isa sa bahay at walang makareklamo. ha!ha!ha! Napanood ko ulit ung Old time favorite Movie ko starring JLo. "the Wedding Planner", hanep un khit isang milyong beses kopa panoorin ok lang tlga. Pero after the movie, isang mahabang hininga ang inilabas ko. May story kc ako tungkol sa movie nayan.

Nung 2003, niregaluhan ako ng aking boyfren ng dvd tape (ex ko nlang sya ngayon syempre), ang tittle un nga "the wedding Planner". Alam kc nya paborito ko tlga un. Before din ako umuwi ng pinas nung April dat year, eh binigyan din nya ako ng cellphone (hanep no?!) . So after about a month nung pagbalik ko sya naman ang aalis patungong chicago. Binigay nya sa aking ang kanyang dvd player (how sweet!) pero binawi nya ang cellphone at ung dvd tape. I didnt question him kc sabi nya ibabalik daw nya agad. binilhan ko panga ang gunggong na un ng sketchers na shoes. tapos pag uwi nya sa probinsya nya, e pinamigay lang nya kasama na ung cellphone at ung tape. After ilang months nya sa chicago e kinukuha nya ulit ung dvd player. anak ka ng tinapa!! ang mura lang kaya nun dba?! So sa madaling salita e binawi nya lahat ng binigay nya. Pero after nun, nkipag break nalang ako. Ano ba nmang klaseng tao ung ganun dba?! halos mabigay ko sa kanya lahat lahat e ganun pa gagawin. Isa pang kinagalit ko sa damuhong un, bago sya magrelocate sabi ko ako nalang ang bibili nung kotse nya... aba ang pasaway tlga, binenta nya dun sa crush nya. Diba mabibilib ka?! kung anong klaseng relationship meron kami na tumagal for about 2 years and a half?. Ewan ko din parang diko kayang sagutin. Buti nlang Past nalang sya sa buhay ko. HUh!!


hay buti nlang tlga at nahanap ko ang aking love of my life. Khit na malayo muna kami sa isat isa e, alam kong darating din ung time na makasama ko sya!! Ayan ganda ng picture namin no?! parang ang seksi ko jan! heheh!! Well wala kaming wedding planner nung wedding nmin. pero hands-on nman ako sa lahat ng details. Ang mahalaga, masaya ang lahat at masaya kaming dalawang mag asawa! huh!!

Thursday, April 6, 2006

a slice of cake

Supposed to be i have a training today with these guy from microsoft, which i did together with one of my co-employee. At first it was okay, but as it goes on.... wait a minute... bkit pala na ingles ako?!! ewan ko!! hehhe! Nways, let me continue... as the actual training goes on.. and we have this question like this and like that... anak ka ng tokwa.. at hindi alam ang sagot... skip daw muna namin, and he'll find out later kung anong magandang kasagutan sa mga mali-maling pinagtuturo nila... at doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay nila. hanggang natapos ang training ay wala kaming nakuhang tamang solusyon. ang galing hindi ba?! palibhasa puti akala e kagaling at maliitin daw kami. hallerr!!!


Balik na sila mamya sa california na bitbit ang lahat ng mga tanong namin sa kanila... Kakahiya dba?! Galing pa mandin sa microsoft ang program na un. huhuhu!!! For sure babalik ang mga un. and i'll prepare myself for dat... Syempre payroll ito ng mga taong loyal sa company hindi pwedeng ganun nalang ang mangyari. bawal ang magkamali sa payroll dahil hirap, pawis at dugo ang nananalaytay.... tama ba un!


Naku, kung ano man ang kahihinatnan nito eh bahala na si batman.... change topic at change mode muna tayo mga mare't pare...


************************************************************************


3 days na kaming me silent war ng aking mahal na asawa. Lunes, tinetext ko nman ang unggoy na un khit super busy ako... aba ang lolo mo at hindi na reply. Ok lang. I understand... understanding nman ako eh! baka busy sa work... hanggang mag-off nako nag ba-bye ako sa kanya. dedma to death parin. Hanggang ginabi na ako sa kakatext wala parin reply. dedma mode parin sya. naisip ko tuloy itanong kung galit ba sya sakin. di nman daw, busy lang daw sya... pero merong pahabol: "bkit meron daw ba dapat syang ika galit?! at bakit guilty daw ako?!!" ang lupet mga tol! wala akong kaalam alam at ang aking kabiyak e nagmamaktol na para sa tampo. Text parin ako, pero hindi na sya reply... anong magagawa ko dba?!! Hinintay ko reply na halos hanggang mag umaga pero wala talaga.

Ok lang nman mapuyat ako sa kakahintay, mahal ko kc sya eh! di rin nman ako makakatulog incase dedmahin ko sya. Halos lunukin kona lahat ng pride ko mula ng maging kami. Tinanggal kona ang pagka perfectionist ko para sa kanya. Binago ko ang lifestyle ko sa buhay parang mag fit ang mga style namin. Nagbababad ako sa internet para matext ko sya maghapon. pero ganun parin. Dami ng nagbago sa relationship namin. We still do trust each other, pero dahil alam naming pareho na kaming nakatali sa isat isa,,, pataasan na kami ng ihi! Mahal na mahal ko nman tlga sya e! hindi ako mabubuhay ng wala sya. pero kailangan nyang mag mature. at tanggalin na sa isip nya na isa akong manghuhula para mahulaan ang kanyang bawat tampo. becoz totaly, i really have no idea whats goin on!!! hay!!

Sabi ng mga kaibigan ko pwede daw akong Counselor or advisor sa mga Counselling Firm kc magaling daw ako dun... pag meron silang problema, ako ang takbuhan nila. hingian ng advice. siguro magaling lang ako sa iba. dahil ngayon, sarili kong problema ay hindi ko malutas lutas. Ganun cguro tlga noh!? Pero dont worry kaya ko'to...

Hinalukay ko ang importanteng mga emails sa account ko knina at dinelete ang mga alang kwenta at hindi na kailangan. Binasa ko ulit ung message ni Insan nung kasalukuyang may problema kami ng bf ko (which is now my husband) ganito sya:

Love is the real thing..
And present is the only one "real" amongst time..
Past and Future are both imaginary.. so do not dwell with them
Thinking about the future is good.. but worrying too much about it is nonsense
Thinking and worrying about the past is futile..
it can only do u good if you dig on the lessons we learn from it and live it..


This message is just one of the many inspiring words he said to me. Mahirap lang i translate kc maiiyak na ako. Matalinghaga minsan ang mga mensaheng gusto nyang ipabatid. Kung hihimayin e malalim ang mga meaning. Hay sana andito din si insan para maging advisor ko.

Alam ko isang araw magiging ok din kami, and im looking forward to dat day!!!


Wednesday, April 5, 2006

Training para sa Sahod...


Ako ay may training bukas para sa bagong role ko sa Company na pinapasukan ko. Ako ay mapupunta sa Payroll Department... excited ako kc bagong experience at learning na naman ito. Nag training na kami dati kasama ang mga off island delegates, managers at supervisors sa ibang branch nmin. Nakakaantok talga un promise. Naka contact lense pa mandin ako kaya tuyong tuyo ang lenses ko after d training, super lamig pa nman kc... oh sinong d aantukin don?!! Medyo nkailang dollar din ang nahagilap ko. Bibigyan ka kc ng paper money ( xerox copy ng mga dollar bills) pag medyo tlgang feel mo at naiintindihan mo ang inyong lessons of the day.


Okay, so bukas na ang aking one-on-one training sa blue eyes na trainor namin. At dahil alam ng aming controller na kailangan kong mag review para sa nalalapit kong pagsusulit ako ay binigyan nya ng training book for payroll today... Anak ka ng tinapa, akala ko pa nman ay reviewer un pala ay isang librong mala encyclopedia ang dating. At basahin ko daw ito maghapon (as in today un ha) habang ako ay nag tatrabaho... Aba at ginawa pang multi tasking ang aking kagandahan. Pero ok lang kaya ko'to. nakuha kopa ngang mag blog, tamo?! hahah!!


Actually nandito na halos sa book na ito ang kailangan kong malaman, pero kailangan parin syempre ung actual dba?! Madali lang nman akong matuto (promise) kung sa computer at pindot pindot lang nman yan e.., yakang yaka koyan.. ang yabang ng ale! Graduate po ako ng comp sci pero sa kasamaang palad or maybe sa kabobohan ko eh ni wala akong matandaan sa mga pinanggagawa namin nung college. Thats my choice narin cguro. Nung first time kong mag hanap ng trabaho puro mga computers ang hanap ko. Aba medyo mahirap tlga kung wala sa puso mo ang ginagawa mo.


Naisip ko na marami nmang ibang trabahong pwedeng matutuhan. At nakapag desisyon ako. Ang gusto kong trabaho ay ung simple lang. Ung hindi masyadong komplikado hanggang mag dugo ang aking utak. Gusto ko ung pag uwi ko sa bahay, wala akong problemang dala galing sa opis. At ako'y nagtagumpay. Ngayon, ako ay isang Administrative Asst., me gamit na computer, typewriter, phone, lapis at papel. at least dba may computer job parin at ng hindi magkalimutan ng napag aralan.


Hanga ako sa mga klasmate ko na naging matagumpay na programmer, na comp. engr. kaso lang iba ako eh! simple lang gusto ko. at masaya ako sa napili kong trabaho. Ngayong madaragdagan na nman ang aking kaalaman sa larangan ng accounting. Dahil alam ko pagdating ng tinakdang panahon, makakaangat din ako. di nman ako nag mamadali. As long as may nakakain ako, nababayaran ko ang monthly loans ko at nakakasave ng khit mag kano, ayos na ako doon.

Tuesday, April 4, 2006

Pinoy Musikero...

Alam nman natin na talagang talented ang mga pinoy hindi ba pag dating sa musika?! kahit anong category pa hindi yan maipagkakaila, meron ngalang tlgang nagmamadaling sumikat at pina-pirate ang kanta ng iba. Hay kilala nman ntin ang mga citrus fruits na gumawa nun dba?!! At ang yayabang pa nila, sabihin daw bang "magpasalamat ang chandeliers e napasikat nila ang kanta nila!!"Hello! are u kidding me?! ginamit mo ng walang pahintulot meaning ninakaw mo dba?! damage has been done. ewan kolang kung dinala payan sa korte. Pero dba gaano man kaganda ang naging responce ng tao sa kanta, Maling-mali parin ang ginawa nila?! tigilan na kc ang mga piracy nayan.

Nways, dumako nman tayo sa mga pinoy na nagbigay karangalan sa bansa. #1 cguro sa list ko e si Lea Salonga, hanggang hanga talaga ako sa kanya. dba nman, khit sikat na sya sa pinas e mas pinili nyang mangibang bayan para patunayan ang kanyang kakayahan. Hay idol ko talaga sya. Lahat halos ng nagiging Kim sa Miss Saigon i believe is mga pinay no?! napansin nyo?! Ung iba mga stage actress talaga kaya hindi masyadong visible sa television at hindi sikat sa larangan ng showbiz na gaya ni Lea. Si Doniat Rose is half-pinay. Pero dahil lking pinas sya talaga naman pinutakti ang beauty nya sa MTV as Vj. magaling sya tlga. carry na carry nya khit minsan ay palipit ang kanyang dila.



Recently naging parang Indonesian Idol si Christian Bautista. Ganda nman kc ung boses nya, though selected songs lang tlga ang kaya ng boses nya, pero pag kumanta sya,parang hinaharana nya ako... heheh!! pamatay sa ganda ng boses. kaloka yun!!! "coz ders something in the way u look at me!!" whew!! who doesnt love dat song!!




Dati wen i was watching tfc, ung show ni Kris at Korina naging guest nila si Jed Madela. Aba parang di nman sya kagwapuhan pero kilig na kilig si Kristeta. At kelan lang ako nagising sa katotohanan. Kagaling ng batang ire! Sya ang tinaguriang Male version of Regine Velasquez. Well, everyboday knows regine nman cguro pang bumirit ng kanta dba?! Pero hindi lang sya cinompare sa Asian Song Bird, at talagang tinapat sya sa galing nya. Hanep kung bumirit ang lalakeng ito. Regine na regine nga ang dating. Kaya nman world known personality na sya dba?! dami na nyang nauwing mga awards sa ating bansa.



I have heard most of his songs sa first album nya. Pero parang minadali nman ang paggawa nito. Puro revivals ang mga song. well, maganda nman tlga ang version nya, pero dba para sa mga talent na gaya nun kelangan mga original?! Sana sa 2nd album nya, i dnt know kung meron na.. sana may mga orig nman. I wanted to see one of his concert. cguro pag uwi ko sa Pinas or sana mag concert sya dito...

HIndi ko nakahiligang makipag chismisan or alamain lhat ng pangalan ng mga known pinoy personalities na nagbigay na ng karangalan sa ating bansa. Pero i salute dem. Pero iba na syempre ung mga naging paborito ko, may special mention... hehhe.. at ipromote daw ba?!!




Monday, April 3, 2006

ledger ng buhay... ko..

Naku pinakealaman kona naman kanina ang aking template kaya muntik ng mabura lahat lahat ng aking mga entries... salamat nalang at hindi pa naubos ang pasensya ko sa kakarefresh ng page. Me nabasa akong isang blog, puro tagalog ang kanyang mga entry. Kc nga nman eto nalang ang chance nating gamitin ang ating language. dahil karamihan sa atin ay nasa dayuhang mga bansa. Kaya as a proud pinoy, makikiisa at makikibaka ako! hehe! Ang panget ko nman kcing mag ingles dba? ung parang pilit na pilit. at aminin kodaw ba? bkit hindi, andito ako sa bansang hindi kailangang fluent ka sa Ingles, basta nagkakaintindihan kayo... un ang mahalaga... Kaya pinalitan ko naring ang blog head ko at mula ngayon ay akin ng gagamitin ng mahusay ang ating wika... hehe!!

Kakahomesick tlga! diko alam tagalog nung homesick pasensya na! Miss na miss kona ang probinsya namin. Sa lugar na hindi problema ang pagkain. Punta ka sa likod bahay at makakakita ka ng iba't ibang klase ng gulay. Lakad kasa bandang kaliwa, pwedeng mamingwit ng mga isda. At higit sa lahat, mabagal ang oras. Hindi kailangang madaliin ang mga bagay bagay. totoo po un! karamihan sa mga kaibigan ko ay seryoso pa sa pagiging single... hehe!!! paumanhin mga mahal kong kaibigan...

Miss ko na ang amoy ng tuyo, ng tinapa. miss ko ng kumain ng mainit na pandesal at mga inuming gaya ng kapeng barako. Sa aming probinsya ang tinatawag na pambansang tocino. Sarap kc silang gumawa nun sa aming lugar. Ay ang hirap nman neto kung hindi kopa babanggitin ang probinsyang kinalakihan ko dba?! ako ay tubong pampanga! pero sa hindi masabing dahilan, hindi po ako marunong magluto.. hay, ang hirap tlga pag ganun! puro fried lang ang alang kong lutuin. bka ikahiya ako ng bayan ko dba?!

Kasalukuyan ng nagiging lungsod ang aming dating bayan. Marami ng nagsulputang malalaking building. Nung umuwi ako nung nkaraang taon, muntik na akong maligaw... promise!!! dami ng pasikot sikot... buti nlang isang sakayan lang papunta ng SM galing sa bahay. At hilong hilo ako sa dami ng tao. Pag gusto mong makarami ng shopping e unahan mo silang magbukas. ganun ang ginawa namin dati. exercise din un! hehe!!

Walang masyadong ginagawa ngayon sa opis kaya ako ay nagsasayang lang ng oras mula kanina. Kakabukas lang kc ng april. Hay isang buwan nlang makakauwi na nman ako sa minamahal kong bayan!!!

Hello Philippines Mabuhay!!!

Sunday, April 2, 2006

Totoong Tao, magpakatotoo!!

Bkit nung nasa pinas ako, hindi pa uso ung big brother nayan, edi sana isa ako sa mga milyon- milyong taong nakipagsiksikan sa pila at nag audition dba?. hehe!! Mga reality shows, sandamakmak na yan, khit anong channel na ata ngayon sa cable e may reality show. Merong pang-artista (ung mga nawawalan na ng career, na hopefully matulungan ng show to increase their popularity), merong ding for ordinary people (na balak mag showbiz), meron ding show na naghahanap ng asawa at ng prince charming, me nagpapayat, me gustong maging milyonaryo.. naku name it... anjan na lahat ng yan. Kc aminin na natin, pera lang naman ang pantapat jan dba?! parang handang ibenta na ang lahat lahat para lang maging sikat at magkapera ng madalian.

Hindi ko nasubaybayan ang big brother sa pinas, pero compare sa mga reality show ng US at ng ibang bansa, proud parin ako na makikita parin ang pagka conserbatibo nating mga pinoy kahit sa mga show na ganyan. Maraming nagbago pero napapanatili parin natin ung mga ugaling karespe respeto. Mabibilang molang tlga ung mga taong walang keber sa eskandalo ma gain lang nila ang kwartang minimithi nila. Ewan koba sa totoo lang, wala akong makitang magandang lesson sa mga palabas na ganyan. Kaka adik daw at hindi ko un maikakaila, mahilig tayo jan e! lalo na mga pinoy. Ung chismisan ganyan, hay naku... di talaga nagpapahuli sa bagong chismis ng kapitbahay o katrabaho. dba?! aminin.!!Kaya nga top rated ang mga show na puro chismis ang inatupag dba?!

Hindi naman tlga akong super conserbatibong tao, ok lang sa akin na maghalikan kayo ng mahilakan jan wag lang sa loob ng simbahan. Kung masaya nman kayong maka attract ng tao e, kung san kayo masaya, eh keber ko (pero dba mas magandang gawin yan sa hindi public place?!!). Bukas naman ang aking isip sa mga taong ganyan, pero naman ineng baka makita kanang iyong amang pulis at barilin pa ang iyong pakner.. dba??!! magtago nman kayo...

Anyways, kahit naman sa paaralan natin dati hindi nila tinuturo ang mga bagay na masagwa dba? kc nga bata pa tayo. Naaalala ko nun, parang pag nakipag halikan ka e, mabubuntis kana.. hahah!! napanood ko nga yun promise dun sa Movie nila Tina Paner at Manilyn Reynes. Hinalikan ni Janno Gibbs si Manilyn. Kaya ang akala nya e buntis ng sya! hehe! Anak ng Kwneg-kweng!! Alam nyo ba na tinatakpan pa namin ang aming mga mata pag meron mga kissing scene sa palabas?! Ganun tayong pinalaki eh! Which is ok nman cguro db?! Ganun talaga sa bansa natin, tanggapin na natin.

Tigilan Ako!!!

Its already midnyt in here, iniisip ko nga kung hintayin ko nalang kayang mag-umaga?! gawain ko yan dati pa kaya wala nmang bago dun. Schedule ko kc sa skul during college is pang-gabi. Kaya kung matutulog ako ayon sa oras e maghapon kong hihintayin ang gabi para pumasok ulit sa skul. Weird no? Kaya ang ginagawa ko e, nagpupuyat ako para maghapon akong nakahilata habang pikit ang mata at naglalakbay ang diwa. Hindi ko nman kc nakahiligan kagaya ng iba na magbabad sa libraby at makinig sa librarian ng "silence please". Pero kung kailangan talaga, bitbit ko ang aking mga kaibigan pag may research work na kailangan sa library... hay dun ko na experience na muntik na kaming dalhin sa Dean dahil sa tigas ng ulo namin. In short maingay po kami.

Nakasama ako sa blocked section mula pa nong first year college; meaning pare-pareho ang mga magiging klasmate ko. Okay nman sila, expected ko nman kc un. New skul and new friends. Usually pag fresmen dun mo na makikilala ang magiging frens mo till graduation dba?! Kaya dami na kaming napag daanan. And i can say na till now e, tuloy tuloy parin communication namin. Thank God!! Ako kc ung tipo ng taong, hangga't may paraan walang kailangan magbago. Minsan nagugulat nga yung ibang frens ko, dahil mas marami pa akong alam na chikka at balita kesa sa kanila, samantalang halos kapitbahay lang nila ang aming ibang kaibigan. Iba na kc ang ngagawa ng internet dba? Im glad, na because of this world wide web e unti unting dumadami ang aking mga kaibigan. Im not saying kahit sino kinakaibigan ko ha!

Ganito yan, khit halukayin mopa ang frenster ko.. mga frens, klasmates, co-workers at relatives kolang tlga ang mga nasa list. Hindi ako ung tipo ng accept ng accept ng kung sino lang poncho-pilato para lang dumami ang mga nasa list ko. Ganyan po ako, im not saying na pag hindi kita fren e hindi na tayo pweding maging frens,, ibang usapan naman un. Ayoko lang maging pang display sa list ng mga frens mo... ganun lang po.

Sa frenster makikilala mo ang iba't ibang klase ng tao. May mga taong halos sambahin ang sarili nila. Picture-dito picture doon. Ay naku ineng iisa lang ang hitsura at pose mo, ibahin mo nman. Hate korin ung mga nag popost sa bulletin ng kung ano-anong message para sa mga kaaway nila. Ba't dinalang kaya mag personal message at ng masiguro nilang mababasa nila dba? at ipag sigawan pa daw sa bulletin.. tama ba nman un. Meron din nmang walang inatupag kundi mag post ng mga chain letters... wala ng epekto ang mga yan sa akin. super hate ko ung forward forward na yan.. ifo-forward ko kung kelan ko gusto... wag nyo kong pilitan at bigyan ng warning.. mga kaek-ekan. sino ng pasimuno nyan na?!

Marami ring mga papansin sa frenster, dahil nga nauso ung Shout-out box nayan. Ay naku ang mga kiri feeling nyo ba e kegagaling ninyo at puro mga bad words lang ang alam nyong sabihin?! it just showing na parang wala kayong pinag aralan... Ibat ibang klase tlga mga tao ngayon. Kahit sa internet e hindi nila maitago ang kanilang masamang ugali.

Ito favor lang.. nakikiusap lang nman ako... khit sino pa sa inyo.. Kung sakaling naisipan nyong makipag frens or gusto nyong i-add ang account nyo sa frenster.. please nman.. wag mukha ng aso or pusa nyo ang ipost nyo ha.. Ok lang ilagay ang pusa nyo pero sana man lang isama nyo ang pagmumukha nyo para malaman namin kung sino ang gustong mkipag kaibigan sa amin. At kung feeling nyo nman tlga e kamukha nyo si Piolo, ok lang na picture nya ang ilagay nyo. Pero kung alam mong hindi nman, sasama lang ang loob ko sayo pag picture nya nilagay mo... ... Ang ibig kolang pong sabihin dito, dont pretend to be someone else. kung sino kayo, magpakilala kayo. mahirap ba nman nyon?

Sa mga ex's nman jan na hindi mapakali. ok lang nman na tingnan ang profile at picture namin ng aking jowa. wag kalang magpilit na iadd kita as a fren, kc never tayong magiging fren. Pag nireject kita meaning "ayaw ko dba?" at ulitin daw ba ang pag-add. kulang kaba sa IQ?! naku ha! Minsan meron ding mga ex's jan na ang titigas ng ulo, i-grabbed daw ba ang picture ng aking jowa at ipost sa kanyang account... ano ka men?! naghahabol?! sana si-nave mo nalang dipa halata. Para nmang dikapa over sa past sis! gusto mo hire kita ng counselor? pero syempre bayaran mo ne?!Ang lupit mo Neng, naka wedding ring napo ang hinahabol habol mo.

At bakit nga ba ako napunta sa mga ex's nayan?! kc nman tigilan nayan.